Chapter 39 Pagmulat ng mata ko ang unang tumambad sa akin ay ang puting kisame ng kwarto. Nagpalinga-linga ako at nakita ko si mommy na nakayukyok sa tabi ng kama ko. Binundol ng kaba ang dibdib ko nang maalala ko ang nangyari. Kahit masakit pa ang ulo ko na nakabalot ng benda ay pinilit kong maupo. Niyugyog ko si mommy. “M-mommy?” pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko. Pupungas-pungas na dumilat si mommy. At nang makita niya akong nakaupo ay agad siyang tumayo. “Oh anak, gising ka na pala? Kumusta ang pakiramdam mo? Anong masakit sayo? Gusto mo na bang kumain?” sunod-sunod na tanong ni mommy. Pero iba ang isinagot ko. “Mom, nasaan ang anak ko? Nasaaan si Zyrelle?” nag-aalala kong tanong. “Anak kumalma

