CHAPTER ONE – ENCOUNTER WITH THE STRANGER
Ako si Lyza Monteverde, aminado ako na anti-social talaga ako. Madaling uminit ang ulo ko, di ko alam kung bakit, boyish ako kung kumilos, hindi pa ako nagkakaboyfriend kaya tingin ko sa sarili ko lesbian ako dahil hindi miminsan na rin akong nakipagrelasyon sa isang girl. Hindi rin ako mahilig makipagsocialite sa third genders, its just that di ko talaga feel na makihalubilo sa kanila. Tingin ko sa kanila maiingay, magugulo, at puro gimik lang ang alam, mas prefer ko na laging mag-isa although may mga kaibigan naman ako. College ako ngayon taking engineering class pero dahil sa pandemic online classes lahat ng schedule ko. Pero once a week need naming magreport sa school ng face to face para maevaluate kung may natututunan ba talaga kami. Mag-isa akong namumuhay sa isang malaking mansion dito sa tagaytay kasama ang ilang katulong na minsan ko lang din papuntahin dahil kaya ko naman ang ibang gawin, pumupunta lang sila once a week para maglinis. Laging nasa out of town ang mga magulang ko for business trips.
Maaga ako nagising para pumasok sa school, need ko magpunta ng school para magreport once a week. Nag-ayos ako ng sarili at napatingin sa salamin. Aminado akong may itsura ako dahil lagi akong kinukuhang muse noon sa school noong face to face pa ang classes, at lagi rin akong nananalo as queen of the night kapag mayroon kaming prom or acquaintance party. Kahit hindi ko gusto, ginagawa ko umattend sa mga ganoong party para bigyang kasiyahan ang lola ko na laging masayang masaya kapag nakadress ako pero deep inside me, urgh! Feeling ko nangangati ako sa mga dresses na yun at nanlalagkit ang katawan ko. At hindi ko gusto na lagi akong pinaguusapan at pinagtitinginan. Napailing ako at mabilis na kinuha ang aking bag para umalis.
“Miss isang ticket pa-UST” sabi ko sa cashier ng MRT. Maaga ako umalis dahil kailangan ko magcommute dahil nasira ang kotseng ginagamit ko, pero sa haba ng pila male-late pa ata ako. Kung magtataxi naman ako maiipit lang ako sa traffic. Agad akong pumasok sa platform para hintayin ang tren. Sa likod ko may isang tao na nagustuhan ko ang gamit na pabango. Panlalaking pabango pero hindi matapang sa ilong. Napapikit ako. Humakbang ako papasok sa tren at naupo sa pinakamalapit na upuan. Sa tabi ko naamoy ko parin ang pabangong naamoy ko sa platform. Nagmasid ako sa paligid umiwas ako ng tingin sa mga lalaking mapuputi na pumipilantik ang mga daliri. Lapitin ako ng mga bading bagay na hindi ko gusto. Sabi kasi nila gwapo ako kung naging lalaki ako pero maganda rin kung magpapakababae ako.
Naramdaman kong unti-unting sumasandal sa balikat ko ang lalaking katabi ko na nagmamay-ari ng pabango na kanina ko pa naaamoy. “s**t!” nasabi ko nung tuluyan na siyang napasandal sa balikat ko dahil sa sobrang antok. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng itim na cap at nakafacemask pa, tanging pabango niya lang ang palatandaan ko sa kanya.
“ Mister? Mister? Gising ko sa kanya dahil sa malapit na akong bumaba.
“Ang lalim naman nito matulog” naisip ko.
Lalo naman siyang bumbigat sa balikat ko kaya patulak ko siyang inusog at sabay tayo para lumabas ng tren.
“Nakakainis nilawayan pa yata itong uniform ko”.
Pagdating ko sa school na pinapasukan ko mabilis kong hinanap ang room ko. At naupo sa bandang gitna ng classroom. Ilang segundo lang ng pagpasok ko ay pumasok na sa classroom ang professor namin.
“ Muntik na ako ma-late ah sabi ko”.
Nagsimula na magroll call ang professor naming para maumpisahan na ang evaluation namin.
“ Jeremie Mendoza!.. Jeremie Mendoza!.. say present! Sabi ni prof. Humahangos na dumating ang isang lalaking nakablack na cap at sabay na itinaas ang kamay sa prof namin “present maam, sorry po na-late” sabay upo sa tabi ko dahil wala ng ibang bakanteng upuan. Sa aking pagkagulat ay siya yung lalaking nakasabay ko sa MRT at nakatulog sa balikat ko. Bumangon ang inis sa dibdib ko.
Palihim kong pinagmasdan ang aking katabi, at napansin kong may half sleeve tattoo siya ng isang mukha ng babae sa braso niya na may design ng ilang bulaklak. Colored ang tattoo niya at dahil maputi siya ay kitang kita ang kulay noon sa kanyang balat. Nang sumapit ang break hours ay hindi ako lumabas ng classroom dahil may need akong tapusing online novel sa laptop ko. Ginagawa ko yun kada may free time para makahabol sa deadline ng pasahan. Si Jeremie naman ay piniling maidlip sa upuan niya. Sa isip isip ko napaka-antukin naman ng taong ito. At doon ko napagmasdan ang kanyang mukha habang siya ay natutulog sa desk niya na sakto naman na nakaharap sa sakin ang kanyang mukha. Maputi siya at kahit natatakpan ng facemask ang kanyang mukha ay sigurado akong matangos ang kanyang ilong. Makapal din ang kanyang kilay at mahahaba ang kanyang pilik-mata.
Napailing ako, “ano ba itong ginagawa ko? Bakit ko ba siya pinagmamasdan?”
Napahawak ako sa ulo ko at napapikit. Sumasakit ang ulo ko. Nakakainis.
Pagdilat ko ay nagulat ako na gising na pala siya at nakatitig sa akin.
“Anong tinitingin-tingin mo? “ sabi ko.
Masakit ang ulo mo? May gamot akong dala” sabi ni Jeremie.
“Hindi ko kailangan ng tulong mo, kaya ko na sarili ko” sagot ko.
“Ang sungit mo naman” sagot niya.
At akala ko iyon na ang una naming pag-uusap, at yun na rin pala ang simula ng pagbabago sa tahimik kong mundo.
Araw ng lunes kaya maaga din ang start ng online class namin. Naligo at kumain muna ako habang hinihintay na pumasok sa google meet lahat ng classmates ko pati ang prof. Lagi akong nauuna sa pagpasok sa online class namin kasi pinaka ayoko talaga sa lahat ang nahuhuli. Maya-maya pagsilip ko sa screen si Jeremie pala ay nakapasok na rin. Parehas kaming hindi nag-iimikan, napansin ko na naggigitara siya habang hinihintay na magsimula ang klase. Magaling siyang tumugtog ng gitara, pinapanood ko lang siya habang hinihintay ang lahat.
Nang magsimula ang klase napansin ko na hindi masyadong nakikipagcooperate si Jeremie sa klase. Nakatitig lang siya sa screen na parang istatwa at parang walang naririnig. Lagi siyang napapagalitan dahil doon.
Lumipas ang ilang araw at muli na naming sumapit ang reporting days namin sa school. At nung araw na iyon ay binigyan kami ng project ng prof naming bilang paghahanda dahil sa nalalapit na full time face to face ng klase. At dahil katabi ko siya, ay siya ang naging partner ko para sa project na iyon.
“ Prof pwede po ba ko makipagpalit ng partner? Hindi ko po kasi gusto ang kaparehas ko” nakipagkita ako sa prof ko sa teachers office. Ayoko talaga makapartner si Jeremie sa project kasi lagi siyang walang kibo, at parang walang pakialam sa mundo.
“ Wala ka ng ibang makakapareha dahil halos lahat desidido na sa partners nila” sabi ni prof sakin.
Laglag ang balikat ko. Hindi ko alam paano siya iaapproach. Bahala na naisip ko, pwede ko naming gawing mag-isa ang project na to.
Pagkalipas ng dalawang araw nagulat na lang ako na mabungaran ko siyang kumakatok sa pintuan ng bahay namin. Wala ang mga magulang ko dahil lagi silang out the country for business trips.
“Teka, bakit andito ka paano mo nalaman ang bahay ko?”
First time ko siya makita na walang mask at lalo siyang gumuwapo sa paningin ko. Napahawak na naman ako sa ulo ko. “Ano ba itong nangyayari sakin kalalaki kong tao…” isip ko.