CHAPTER 2 – A DAY WITH HIM

1326 Words
“ Kinuha ko kay prof ang number at address mo, tinatawagan kita pero hindi kita makontak” sabi niya. Naalala ko na kalahating araw ng lowbat ang cellphone ko. “Kaya pinuntahan na lang kita sa address mo” dagdag pa niya. Sabay pasok sa loob ng bahay ko. Nakalimutan yata isara ng kakaalis lang na katulong naming si Aling Mameng ang gate kaya siya nakapasok. “Teka nga! Pinapasok na ba kita?” inis kong sabi. “Saka bakit andito ka?” dagdag ko pa. “Diba partner tayo sa school project?” sabi niya. “Kaya andito ako” Isip-isip ko, may interes pala sa pag-aaral ‘tong mokong na ito, akala ko puro tulog lang ang alam gawin eh. “May naisip ka na bang pwede nating gawin sa project natin?” aniya “Wala pa, nag-iisip pa lang ako at nagsesearch sa google kung anong pwedeng gawin” sabi ko “Gisingin mo ako ‘pag may naisip ka na” sabay pwesto sa sopa ng higa at muli na naman yata siyang matutulog. “Hoy! Pwede ba kung matutulog ka rin lang umuwi ka na lang” inis kong sabi. Pero huli na ang lahat dahil naririnig ko na siyang humihilik. Inis na inis ako sa kanya mayabang siya sa paningin ko. Paano ako makakapag-isip ang ingay niya saka baka mamaya masamang tao siya tapos andito siya sa loob ng bahay namin. Wala pa naman akong ibang kasama, dahil naghatid lang ng stocks sa kusina si Aling Mameng at umalis na rin agad. Pumuwesto ako sa harap ng laptop hindi kalayuan sa kanya. Nagsuot ako ng headset para hindi ko marinig ang hilik niya. Nakaharap ako sa kanya para in case may gawin siyang hindi maganda ay makikita ko agad ang kilos niya. Sa sobrang pagod ko sa paggawa ng plot sa gagawin naming project hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa lamesa. Paggising ko ay may nakatakip na sa aking kumot at nakikita ko mula sa glass door na madilim na sa labas. Napatingin ako sa sopa, wala na si Jeremie doon at may naririnig akong kumikilos sa kusina. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa kusina, kinuha ko ang isang glass vase na nakapatong sa divider para panlaban ko in case na may mangyaring hindi maganda. Pagsilip ko sa kusina ay naaamoy ko ang mabangong niluluto ni Jeremie, Nakita ko siyang busy sa pagluluto sa kusina habang naka-apron. “ Napatulala ako, ibang side ng ugali ni Jeremie ang nakikita ko ngayon”. Isang gwapong lalaki na nakaapron sa kusina, isang mabuting asawa. Walang-wala sa Jeremie na laging tulog, tahimik, at hindi namamansin sa mga girls sa school. “Ay ano ba!” sabi ko sa sarili ko. Ano ba tong iniisip ko? “Hoy! Nakatulala ka diyan” gulat niya sakin. Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na napansin na niya pala ako sa pintuan ng kusina. Sa gulat ko nabitawan ko ang vase na hawak hawak ko at nabasag yun sa paanan ko. Dali-dali ko yun dinampot na naging dahilan para masugatan ako. “Oh s**t! Ayan nasugatan ka na tuloy” sabi niya. Dali dali niya akong inalalayan papunta sa lababo at doon hinugasan ang sugat ko. “Ouch! Ang sakit!..” sigaw ko, habang patuloy na nakasahod ang kamay ko sa gripo. “Ano ba kasing iniisip mo? Bakit may dala kang vase?”sabi niya. Hindi ako nakaimik. Hindi ko masabi sa kanya na napaparanoid ako sa pag-iisip na baka masamang tao siya. “ Paggising ko nakita kitang natutulog kaya hindi na kita inistorbo. May nakita akong nakasampay na kumot sa labas kaya yun ang pinang kumot ko sayo” sabi niya. “Pinakialaman ko na ang kusina mo para makapagluto ako ng makakain natin”. Dagdag niya pa habang hawak hawak niya parin ang kamay ko na patuloy niyang hinuhugasan sa gripo. Napatitig ako sa kanya, hindi ko alam bakit hindi ako makapagsalita. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ko alam kung bakit. Bago sa akin ang nararamdaman ko. “Tara sa sala lagyan natin ng gamot yang kamay mo” sabi niya. At para lng akong tuod na sunod sunuran sa lahat ng mga sinasabi niya. Hanggang sa paghahanda niya sa lamesa ng pagkain na akala mo siya yung may-ari ng bahay ay hindi parin ako umiimik. Nalilito ako sa nararamdaman ko, humahanga ba ko sa kanya? Pwede bang humanga ang isang babae na babae din ang gusto sa isang lalaki?. Dahil never in my whole life na nagkagusto ako sa isang lalaki. Nagkaroon ako ng girlfriends and lahat yun sigurado akong minahal ko ng totoo. Ano ba talaga ‘tong bagong pakiramdam sa akin? Saka lang ako natauhan nang muli siyang nagsalita. “Gabi na pala, pwede ba dito na lang ako magpalipas ng gabi?” aniya “Hindi umuwi ka na” sabi ko. Ayokong mas lumawak pa itong nararamdaman ko. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. “Ang harsh mo naman sakin, pagkatapos kitang ipagluto” sabi niya. Naalala ko na hindi pa nga pala kami kumakain at ramdam ko na rin ang kalam ng sikmura ko. “Pagkatapos nating kumain umuwi ka na, pwede?” “Ako na magtatapos ng plot natin, remind na lang kita bukas kung paano gagawin” sabi ko. Habang kumakain panay ang tingin niya sakin. “Problema mo?” sabi ko “Wala” aniya sabay ngiti “No offense meant ah?, lesbian ka ba?” sunod niyang sabi. “It’s not of your business!” sabay taas ng kilay ko. Tumayo ako sabay sabing “Tutal mukhang tapos ka na kumain, makakauwi ka na” dagdag ko pa. Naramdaman niya siguro ang pagkainis ko sa tanong niya kaya napilitan na siyang magpaalam pauwi. Maya-maya nagring ang phone ko, tumatawag ang pinsan ko na isang bading si Alex. “Oh napatawag ka?..” kahit ayoko makihalubilo sa mga nasa third s*x eh pagdating kay Alex komportable naman ako, huwag lang ako talaga sasama sa grupo nila na maiingay lagi. “Pwede ba akong mag-overnight diyan sa bahay mo? Naiinis ako sa bahay kaya ayoko pa talagang umuwi”. Nagmamaktol na sabi ni Alex “Sige, nasaan ka ba? Bilisan mo at inaantok na ako, walang ibang magbubukas ng gate para sayo” sabi ko. “Ok” sabi niya sa napalambot na boses. Sinimulan ko ng ligpitin ang pinagkainan namin ni Jeremie at naghugas ng mga pinggan. Malinis siya gumawa sa kusina dahil wala akong nakitang nakatambak na pinaggamitan niyang hugasin sa pagluluto. Maya-maya pa ay dumating na si Alex, tipsy ito at amoy alak kaya pala ayaw umuwi dahil nagbreak sila ng boyfriend niya. “ Sinabi ko naman kasi sayo na kilalanin mo muna yung tao bago ka pumasok sa isang relasyon” sermon ko. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya dahil halos sabay kaming lumaki. “Hayyyyy… nasasabi mo lang yan kasi hindi ka pa nalalove at first sight at lahat ng nililigawan mo noon eh puro reto lang naman sayo kaya mo niligawan” sabi niya “Magpakalalaki ka na lang para hindi ka na masaktan” biro kong sabi. “ Bakit ikaw kaya mo bang magpakababae?” biglang sabi niya. “Eh bakit ako? Never pa naman akong sinaktan ng mga naging girlfriends ko ah” sabi ko. Pero sa loob loob ko may isang strange feeling na hindi ko maipaliwanag. Naalala ko yung kakaibang pakiramdam nung nakikita ko si Jeremie na nagluluto sa kusina, at hindi ko maintindihan kung ano yung pakiramdam na yun. Napapikit ako at naaalala ko yung amoy ng pabango niya na dumikit pa yata sa unan na nasa sopa kung saan siya natulog. Ikukuwento ko sana kay Alex yung nangyari pero dahil sa kalasingan ay humihilik na ito. Sana hindi na bumalik bukas si Alex, sasabihin ko na lang na ako na lang gagawa ng project namin pero ilalagay ko parin sa credits ang name niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD