Kinagabihan nga ay may kumatok.
Yung bago ko sigurong makakasama. Naisip ko.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulantang ako. Dahil nakatayo sa harap ko mismo si Jeremie!
“Oh Liza si Jeremie, Jeremie siya ang makakasama mo sa kwarto si Liza” pagpapakilala samin ni Ate jho, ang kahera namin.
“Akala ko ba____” sasagot pa sana ako nang biglang pumasok si Jeremie at tinakpan ang bibig ko para pigilan ang sasabihin ko.
“Oh! Magkakilala kayo?” takang tanong ni ate Jho.
“Ay! Opo naging magclassmate po kami ni Liza last year sa isang subject” pinalandi ni Jeremie ang tono para maging boses ng isang bading habang kurot kurot niya ako sa tagiliran.
“S-sige na po ate kasi nababanyo na ako ei, sarado ko na itong pinto ah Salamat!” malandi pa sa tono ni Alex ang tono ni Jeremie.
“Hoy! Bakit ka nagsinungaling kay ate Jho na bading ka?! Saka ikaw ang makakasama ko dito sa kwarto!” galit kong sabi pagkasarado ng pinto.
“Sssshhhh wag ka ngang maingay! Baka marinig ka sa labas, let me explain ok?” sabi ni Jeremie.
“Basta ano man yang reason mo ayaw kitang makasama! Isusumbong kita kay ate Jho!” pananakot ko sa kanya.
“Pakinggan mo nga muna ako pwede?”
“Iyan ang problema sa inyong mayayaman ei, hindi niyo pinapakinggan kaming mahihirap!” inis na si Jeremie.
“Oh ano naman ang kinalaman ng status natin sa buhay sa pagpapanggap mong bading sa kahera natin! Aber!” sagot ko sa kanya.
“Ganito kasi iyon, makinig ka muna sa akin. Wala na akong time na maghanap ng dorm malapit sa university dahil naghanap din ako ng trabaho malapit dito, kaya nagpanggap akong bading kasi nalaman ko na ikaw ang nakarenta sa huling available na kwarto dahil nabanggit ni ate Jho ang name mo kaya sinamantala ko na ang pagkakataon, wala na rin talaga akong ibang choice ei” parang iiyak na ang itusra ni Jeremie.
“Alam mo naman ang sitwasyon ko diba? Kaya please pagbigyan mo na ako na dito. Pangako hindi kita bibigyan ng problema.” Pagmamakaawa nito sa akin.
Nabagbag naman ang kalooban ko. At alam ko naman na mapagkakatiwalaan talaga si Jeremie. Heto na naman siya, nagkalapit na naman kaming dalawa.
Kinaumagahan, nakipagkita ako kay Alex at kinuwento ang nangyari.
“Ano?!” gulat na gulat si Alex.
“At pumayag ka naman na makasama siya sa iisang room, tandaan mo lalaki siya at nagpapanggap na bading” sermon ni Alex.
“I know, kawawa naman kasi yung tao. Alam kong self-supporting lang siya. Matatanggihan ko ba siya na nangangailangan din siya. Afterall kaibigan parin naman natin siya. Ako lang ang may problema sa kanya itong lintik na pakiramdam ko na ito” mahaba kong sabi kay Alex.
“Hay naku, sabagay kung talagang pusong lalaki ka hindi ka mafafall sa kaniya pero kung will na ni Lord na mainlove ka sa kanya wala na tayong magagawa pa doon” sagot ni Alex.
“Let’s act normal na lang ok? Forget what I’ve said about him. It’s all in the past wala na yun ngayon. Importante kami ni Christine ay nagmamahalan.” Sabi ko pa.
“Ikaw bahala, basta magsabi ka sakin kung ano man ang magbabago sa sitwasyon, oh diba ngayon ang orientation mo sa trabaho mo sa bar as part time? Baka ma-late ka naman” paalala ni Alex.
“Oo nga alam ko. Sige na mauna na ako sa iyo. Invite ko kayo bago talaga ako magstart sa work sa dorm, para magdinner” sagot ko at umalis na ako para pumunta sa bar. Malapit lang ang bar sa dorm ko pwedeng pwede ko lakarin. Pero dahil panggabi ako sa magiging trabaho ko kailangan ko sumakay kahit sa tricycle lang para hindi ako mapagtripan sa daan ng kung sino man.
Pagdating ko sa bar ay sinalubong agadako ng isa kong kasama na si Vince na isa ring barista.
“Hinihintay ka na sa loob, andoon na rin yung isa pang bagong hired na singer sa banda, sabay na daw kayo kakausapin” sabi ni Vince.
Kumatok ako sa pinto ng office. Pagkarinig ko ng salitang “tuloy” ay pumasok na rin ako. Nagulat ako pagpasok ko dahil nandoon si Jeremie. Parehas kaming hindi makapaniwala na magkakasama kami sa iisang working place. Na-hired pala siya doon as singer, nakita daw niya na may nakapost sa social media kaya inaplayan niya na. Same as her, sa social media niya rin nakita yung hiring na barista kaya nag-apply na rin siya. At dahil may konting nalalaman sa pagiging barista dahil nag-aral siya noon ng pagbabarista dahil binalak niyang mag-open ng business noon while studying na hindi naman natuloy.
Sabay na silang umuwi, nakamotor pala ito kaya inalok siya nito na sumabay. Sumabay naman siya para tipid na rin sa pamasahe at oras. Pagdating namin sa dorm ay tumikhim si Jeremie sabay sabi ng “Akyat na tayo?” sabi ni Alex sa tono ng isang bading. Oo nga pala alam ng kahera namin bading siya. Natawa na lang ako sa inasal niya.
“Ayaw mo talagang mabuko ka ah, kaya in character ka na agad kahit andito pa tayo sa parking lot” tukso ko sa kanya.
“Siyempre naman nu?” sabi pa ni Jeremie sabay hawak sa braso ko.
“Let’s go” sabi niya pa at pakendeng kendeng na siyang lumakad papunta sa elevator.
Natawa na lang ako sa inasal niya at sinakyan ang pagpapanggap niya. Hanggang sa nasalubong na nga namin si ate Jho na doon lang din nakatira sa isa sa mga kwarto sa dorm na iyon.
“Hello po” sabay naming bati ni Jeremie.
“Ate Jho ang bongga mo today bagong rebond, halatang nakatanggap na ng 13th month pay charot!” malanding sabi ni Jeremie sa kahera namin.
“Ay hindi ah I woke up like this” sakay naman ng kahera sa pagbibiro ni Jeremie at nag-apiran pa ang dalawa.
Nagkatawanan na lang kaming tatlo. At paglampas lang ni ate Jho ay sumakay na kami sa elevator. Pagpasok sa kwarto ay nakahinga ng maluwag si Jeremie.
“Ang hirap pala maging artista” sabi ni Jeremie.
“Ginusto mo yan eh, panindigan mo. Tandaan mo mahaba pa ang school year haha” sabay bunghalit ko ng tawa na kanina ko pa pinipigilan sa labas. Tawang-tawa talaga ako sa acting niya bilang bading badingan.
“Tuwang-tuwa Liza Monteverde????” asar na siya sakin.
Patakaran kasi talaga ng mga dorm na bawal pagsamahin sa iisang kwarto ang lalaki at babae pwera na lang kung bading ang kasama ng isang babae sa kwarto at kakilala pa.
Natigil lang ang tawa ko nung nagring ang cellphone ko. Si Alex tumatawag, oo nga pala may usapan kami na dito sa dorm magdidinner.
“Hello Alex, yes nakauwi na ako dito sa dorm. Bumili ka na lang ng food sa labas take-out mo na lang, alam mo naman bawal dito magluto” sabi ko.
After ko magshower ay nagshower na rin si Jeremie. Hindi ako nakakaramdam ng pagkailang, kaya sa isip ko siguro over-acting lang ako nung una kaming nagkasama. Siya rin naman ramdam ko na hindi siya naiilang na para bang wlang nangyaring halikan sa pagitan naming dalawa. Ilang minuto pa ay kumatok na si Alex, hinanda naman ni Jeremie ang malambot niyang boses kung sakaling ang kahera naming ang kumakatok.
Pagbukas ko ay nabungaran ko si Alex kasama si Christine. Pinapasok ko sila sa loob.
“Long time no see my frenny” sabi ni Alex kay Jeremie sabay kindat. Halatang nang-aasar ito dahil alam nito ang pagpapanggap na ginagawa niya. Napatingin sakin si Jeremie na para bang nagtatanong.
“Oo sinabi ko sa kanya. Kasi alam kong lagi yan tatambay dito, baka dahil sa kanya mabuking ka kaya sinabi ko na” sabi ko.
“Siya nga pala meet Christine. Jeremie si Christine girlfriend ko, Christine si Alex former classmate ko sa isang subject last year.” Kaswal kong sabi.
Halata ang pagkabigla sa mukha ni Jeremie pagkarinig sa salitang “girlfriend”.