“She’s doing fine. She’s now a survivor. Thanks to your dad and thanks to you.” Seryosong-seryoso ang mukha ni Jeremie. Gusto ko sana siyang tanungin kung may girlfriend na ba siya pero naunahan ako ng hiya. Ibang tanong ang lumabas sa bibig ko. “So, what brings you here? Are you here for good? Or anything else?” tanong ko sa kanya. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya, sobrang namiss ko talaga siya. “I’m here for business. Ilang days lang uuwi na rin kami sa Pilipinas” Tipid na sagot ni Jeremie. “Ikaw? Kumusta ka na? I heard that you’re doing good in fashion world.” tanong niya sakin. Lingid sa kaalaman ko lagi pala siyang nakasubaybay sa bawat achievements ko. No wonder dahil front page ako lagi sa halos karamihan ng fashion

