Chapter 44 “Bakit ang dilim?” wika ko kay Manong Gener. Pagdating namin sa bahay ay napakadilim ng paligid. Paglingon ko wala ang driver namin sa likuran ko. Baka pumunta sa likod-bahay para tingnan ang breaker ng ilaw, isip-isip ko. Itinapat ko ang susi sa pintuan at saka iyon itinulak pabukas. “Manong Gener! Pakibilisan po!” sigaw ko. Pero walang Mang Gener na sumasagot sa akin. Napansin kong parang may munting liwanag na nagmumula sa kwarto namin. Dahan-dahan ko iyong pinuntahan. Pagbukas ko ng pintuan ay nabungaran ko ang mga nakasinding kandila na nakaheart-shaped sa lapag. Punong-puno ng pulang lobo ang kisame. Pagpasok ko sa loob napansin kong sa ibabaw ng kama ay may mga nakasabog na petals ng pulang rosas. Sa taas ng headboard ng ka

