CERISE "HINDI mo ba ako naiintindihan?" nagising ako dahil sa ingay ng isang babae, "hindi ko kailangan ang therapy na sinasabi mo! Ibigay mo na lang sa akin ang gamot ko!" "Hindi nakakabuti sa’yo ang gamot na ‘yun," nakita kong nagpaliwanag ang isang babae na sa tingin ko ay isang doktor. "Anong alam mo sa kung ano ang nakakabuti sa akin?" matapang na saad ng pasyente, "hindi mo ba nakikita ang paghihirap ko? Ilang gabi na akong hindi makatulog dahil sa mga pesteng panaginip!" "Semira," isinambit ng doktor ang pangalan ng babae, "ang epekto ng gamot na iniinum mo ay ang makalimutan ang iyong nakaraan. Kailangan mong huminto sa pag-inum nito upang maalala mo ang iyong pagkatao." "Nahihirapan na ako," nagsimula nang umiyak si Semira, "m-maawa ka, please. Kailangan ko ang gamot, hindi k

