CERISE ISANG psychological exam ang pinasagot sa akin bago kami nagkaroon ng isa na namang counseling session. Ito ang pang-apat kong session sa counseling at isa sa mga pakay ng nito ay ang maalala ko ang nangyari noon. Inaalam kasi ng awtoridad kung saan nanggaling at kung sinu-sino ngayon ang may access sa druga. Itinuturing kasi itong biochemical weapon dahil sa hypnotic effect nito. "Naalala mo ba kung paano mo nainum ang gamot?" tanong ni Dr. Elydz "Pinainum sa akin ng baklang nakausap ng tiyahin ko," mahina kong sagot. "Anong naramdaman mo nang inumin mo ito?" muli siyang nagtanong. "Para akong nakalutang pero alam ko pa ang ginagawa ko," sagot ko, "tapos pinatayo niya ako saka pinaharap sa mga lalaking bumili sa akin." "Nakita mo ba kung sinu-sino ang mga kasama ni Mr. Cruz?"

