ANGELO "READY son?" tanong ni Dad habang tinapik ang aking balikat. Hindi ako sumagot pero binigyan ko siya ng ngiti. Hindi kasi ako makapaniwalang matapos ang maraming pagsubok namin ni Cerise, ay hahantong pa rin kami sa ganitong sitwasyon. Dalawang taon na ang lumipas at marami ring nangyaring pagsubok sa aming relasyon tulad nang pag-aalangan ni Dad kay Cerise nang malaman niyang ama ni Cerise ang pumatay kina mommy at Angela. Ngunit nanatili kaming matatag para sa isa't isa kaya nagawa naming kumbinsihin si Dad na huwag ibunton kay Cerise ang kasalanang nagawa ng kanyang ama. "Papa," mahinang hinila ni Dhane ang gilid ng suot ko kaya agad akong lumuhod upang magpantay ang aming paningin, "lagi po humahawak si Zia sa kamay ko. Ayaw po niyang bumitaw," nakasimangot niyang saad. "Tha

