CERISE “GOOD MORNING, Reyna ko,” napabuntong hininga ako habang binabasa ko ang sulat ni Angelo na iniwan niya sa ibabaw ng aking pinggan. Tulad ng inaasahan ko, sulat niya na lang ang makakasama ko ngayong almusal. He was too busy with his project habang ako naman, tinatamad bumangon ng maaga kahit maaga akong natutulog sa gabi. Dahil hindi kami laging nagpapang-abot, nagsusulat ng note si Angelo at nilalagay niya sa pinggan ko upang mabasa ko ito sa almusal. Sasagutin ko naman ang sulat niya at nilalagay sa pinggan niya bago ako matulog para mabasa niya ito pagkakain na siya ng hapunan. Sumatutal, wala na kaming quality time. Ang totoo, namimiss ko na ‘yung mga nakakaloko niyang galaw makuha lang ang pansin ko. Sweet pa rin naman ang Linta ko, ‘yun nga lang, hanggang sa sulat na la
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


