Chapter Three

1308 Words
ANGELO MAINIT ang pagsalubong ng mga tao sa hall nang tawagin ang aming grupo. Nakakatuwa dahil kahit tatlong taon na kaming grumaduate, marami pa ring nakakakilala sa amin sa unibersidad. Marahil nakakatulong ang pagiging sikat na recording artist ni Kaz. Dahil sa kanya, inaabangan kami sa homecoming. Tulad ng nakasanayan ko, tahimik lang akong umakyat sa entablado. Ako ang keyboardist ng grupo at hindi katulad nina Kaz, Mago at Marco, I stayed in my place during the whole performance. Nilibot ng paningin ko ang buong hall. Kitang-kita ko sa mga mata ng mga babae ang pagnanasang sana’y mapansin namin sila pero hindi ang mga mata nila ang nais kong makita. Isang pares lang ng mga mata ang inaasam kong manood sa akin pero hindi ko nakita ang mga matang ‘yun. Nasaan kaya si Cerise? Napansin ko si Sky malapit sa entrance ng hall. She was trying to point at someone. Sinundan ko ang direksyong iyun at nakita ko sa isang sulok kung saan hindi masyadong natatamaan ng mga sumasayaw na ilaw, nakatayo ang future wife ko. Gusto ko pa sana siyang titigan kaso may biglang humarang na babae. Noong una, akala ko mag-uusap lang sila pero napansin ko ang pagpapahiya sa kanya ng babae. As much as I want our relationship to be in a low profile, ayoko namang hayaan lang na mangyari ito sa kanya. I stopped playing the keyboard in the middle of our last song and went down the stage. Maraming nagtatanong na mga mata ang sumalubong sa akin pero wala akong pakialam. I wore my fierce look as I walked towards her. Nararamdaman ko ang kakaibang takot na pumalibot sa bawat taong nadadaanan ko. Kilala ako sa university bilang tahimik pero kakaiba kung magalit. Siguro nakatatak pa rin sa utak ng mga nakakaalala kung paano ko sinira ang pagmumukha ng kalaban naming quarterback noon dahil sinadya niyang balian ang tailback namin. Tahimik ang buong paligid nang marating ko ang kinaroroonan ni Cerise. Pati ang malditang babae ay napaatras sa takot. I gave her a watch-out-later look habang hinubad ko ang suot kong suit saka ipinatong ito sa balikat ni Cerise. Nanginginig ang maliit niyang katawan habang inalalayan ko siyang tumayo. She looked at me and my world suddenly stopped. She is still as fragile and as tender as she was the first time I met her. Gusto kong ngumiti pero hindi ko ginawa dahil ayokong isipin ng iba na may kahinaan ako. Mas gusto kong manatiling kinakatakutan nila ako para kung sakaling maulit ito kay Cerise, alam nilang hindi basta-basta ang binabangga nila. Napaawang ang baba niya nang makita ako at gusto kong matawa dahil sa napaka-inosente niyang tingin sa akin. Yumuko na lamang ako para kargahin siya. Alam kong nasa state of shock pa siya kaya mas mabuting kargahin ko na lang siya upang mapadali ang pag-alis namin sa hall. "I-ibaba mo ako," bulong niya nang makalabas na kami. "Ihahatid kita sa inyo," saad ko na hindi siya nilingon. "M-may driver na nag-aabang sa akin," saad niya, "ibaba mo na ako." "Ako bahala sa driver mo," nilingon ko siya, "ako ang maghahatid sa’yo." "Ibababa mo ako o sisigaw ako dito?" matapang niyang saad. Hindi ko akalaing masasabi niya ‘yun sa akin. Unang-una, it was so goddamn sexy. Pangalawa, wala pang nangahas na taasan ako ng boses. Pangatlo, she’s hot whenever she’s mad. Ayokong mabawasan ang pogi points ko kaya ibinaba ko siya saka ko inayos ang gusot ng aking polo. Humakbang siya ng ilang metro saka biglang pumihit para bumalik sa kinaroroonan ko. "Sorry, nakalimutan kong isuli," saad niya habang inabot ang suit ko. "Sa’yo na ‘yan," saad ko. "Hindi ko naman magagamit ‘to kaya kunin mo na," pamimilit niya. Tututol pa sana ako kaso ayokong isipin niyang mapilit ako kaya tinanggap ko ang isinuli niyang suit. _______________________________________________ “Sir, nandito na po si agent Akie,” saad ni Sky. "Papasukin mo siya," utos ko. Tumango si Sky bilang sagot saka nilakihan ang pagbukas ng pinto para makapasok si Agent Akie, ang secret agent na naging suki na rin ng barkada. "Ano ang maipaglilingkod ko sa’yo, Mr. Cruz?" tanong niya. "I want you to go undercover and be one of the professors of St. Mary's University," panimula ko, "Nakahanda na ang posisyon mo and you will be teaching literature. Gusto kong manmanan mo si Cerise Romijn Bernard. Report to me every detail of her activity, including all the people that she talks to as well as those who bullied her. " "’Yun lang ba ang gusto mong ipagawa sa akin?" walang emosyon niyang saad. "Barahin mo rin ang sinumang lalaking magtatankang manligaw o magpapansin sa kanya," patuloy ko. "Noted," tumango siya saka tumayo. "And one more thing agent Akie," tawag ko sa kanya, "alamin mo rin kung ano ang gusto niyang katangian sa isang lalaki." "Would you like to know if she liked you?" agad niyang tanong. "If you could do that, I'll give you a bonus." CERISE AYOKO sanang pumasok sa university ngayon dahil alam kong malaking balita ang grand exit ko sa homecoming noong sabado. Sino ba naman ang hindi makakaalam sa nangyari? Bahagyang nahinto ang kasayahan dahil sa nangyaring katangahan ko pero ang mas malaking balita ay tungkol sa pagkarga ni Angelo Cruz sa akin palabas ng hall. "Cerise," sumabay sa paglakad si Aislin, "kumusta na?" "Huwag mo akong tanungin dahil alam mo naman ang sagot," sagot ko. "Ang sungit mo girl," natatawa niyang saad, "matuto ka kasing ngumiti para hindi matakot sa’yo ang mga lalaki sa campus." "Oo nga, Cerise," saad naman ni Yumi, "at saka bumili ka na ng contact lense. Nagmumukha ka kasing manang diyan sa salamin mo." "Huwag niyo nga akong gawing Barbie," inirapan ko sila, "I like the way I look at kung hindi man ito nagugustohan ng mga tao sa paligid ko, problema na nila ‘yun!" "Ang sungit!" narinig kong saad ni Yumi. "Red tide siguro," sagot naman sa kanya ni Aislin. “But anyway,” pagpapatuloy ni Aislin, “narinig niyo ba ang usap-usapan sa campus? Nag-sabatical leave daw si Dr. Ferrrer kaya bago na ang professor natin sa literature.” "Alam ko, nakita ko nga ang bagong professor. Dalaga pa," sagot ni Yumi, "mukhang model pero halatang mahigpit sa klase.” “But that’s not the only news,” saad ni Aislin, “siya din ang bagong adviser natin sa campus publication.” Nalungkot ako nang marinig ko ang balita. Malapit ako kay Dr. Ferrer. Siya kasi ang nanghihikayat sa akin na magsulat. "Magmadali tayo, napapagalitan daw ang malelate sa klase," hila sa amin ni Yumi. Nakaupo na ang bagong professor sa harap ng klase nang dumating kami. Nakayuko kaming dumaan at tinungo ang mga pwesto namin sa loob ng silid-aralan. Sobrang tahimik ng paligid na kahit siguro tunog ng nahuhulog na karayom ay maaaring marinig. "Goodmorning," bati niya sa lahat, "I am Professor De Jesus and beginning today, I will be handling all the classes that Dr. Ferrer handled, which means I am your new literature teacher," huminto siya para ilibot ang paningin sa buong silid saka nagpatuloy, "whether you like it or not." Nakikita ko ang pagbagsak ng mga balikat ng mga kaklase ko habang napalunok na lamang ang mga lalaki nang umupo ang seksi pero astig na professor sa mesa. "I want you to open your workbooks and turn to page 108," utos niya na agad naman naming sinunod. "Phenomenal Woman," umaalingawngaw ang boses niya sa buong silid, "by Maya Angelou." Binasa namin ang laman ng tula at iniisa-isa niya kaming tinawag upang magbigay ng sarili naming paaninaw tungkol sa tula. Hindi ko maiwasang ihango sa sarili kong karanasan sa tula dahil matagal na akong walang bilib sa sarili mula noong nangyari ang gabing ‘yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD