Chapter Four

1131 Words
CERISE "EVERY woman has her imperfections but we are phenomenal in our own way," saad ni Professor De Jesus, "We are beautiful inside out so there is nothing to fear. All we have to do is bring out the best in us." "Miss Bernard," tawag niya sa akin, "tell us about your insecurities." Nanginginig akong tumayo, "I lack many things.” "Would you allow that to consume you?" tanong niya. "Excuse me, Professor De Jesus," sabat ko, "I don’t feel comfortable about using my insecurities to discuss the meaning of the poem.” "Okay," bumuntong hininga si Dr. De Jesus, "for your writing requirement, I want you to write a 500-word paragraph about your analysis on the poem. I want you to include your personal thoughts about the poem in relation to yourself and to your experience." Agad na nagsi-ayos ng mga gamit ang mga kaklase ko habang napatitig ako sa tula na pinag-uusapan namin. Paano ko masasabi na isa akong kanais-nais na babae? Kahit hindi ako ang pinakapangit sa mundo, isa naman akong maruming babae. Sino ba naman ang magmamahal sa isang babaeng katulad ko? ---flashback--- Dinig na dinig ko ang masayang hiyawan ng mga kalalakihang nakapalibot sa amin ngayon. Katabi ko ang ibang mga babaeng pagpipilian nila. "Siya," isang matanda ang pumili sa akin. "No, I'll take her," sabat ng mas nakababatang boses. "Ako ang nauna!" galit na saad ng matanda, "magbabayad ako ng sampung libo para sa kanya," pagpapatuloy ng matanda. Sampung libo? ‘Yan lang ba ang halaga ng pagkatao ko? Gusto kong umiyak. Gusto kong maglaho. "Dodoblehen ko ang bayad niya," saad ng binata. "Wow! Ayos yang napili mo, Pare," magiliw na saad ng mga kasama ng binata. Pakiramdam ko nakadruga sila dahil kahit walang nakakatawa, tumatawa sila. "Wala na bang may mas mataas pang alok?" tanong ng bakla. "Fifty thousand!" pagmamalaking saad ng matanda, "siguro naman Totoy, aatras ka na." "One hundred thousand!" agad na sagot ng nakababatang lalake. "One hundred thousand?" gulat na saad ng bakla, "Money down muna." "I will pay in cash," seryosong saad niya. Kinuha ako ng isang bouncer at pinapunta sa dressing room ng mga dancers. "Inumin mo 'to," utos ng bakla. "Ano ‘yan?" tanong ko nang makita ang tatlong pirasong kulay asul na maliliit na tabletas. "Basta inumin mo na lang," saad niya, "makakatulong ‘yan." Wala akong magawa kundi sundin ang utos niya. Noong una ay parang wala lang pero matapos ang ilang sandali, naramdaman ko ang pag-init ng aking katawan. Lumalabo rin ang paningin ko at parang dumodoble ang mga taong nakikita ko. "All right!" saad ng isang magiliw na binata, "ang seksi ng napili mo." Hindi malinaw ang paningin ko pero alam kong napapalibutan nila ako. “Hanep pare! Inumin mo muna ‘to, vitamins ‘yan para mas maganda ang performance mo," saad ng isa sa kanila. Hanggang doon lang ang naaalala ko. Nagising akong mag-isa sa isang silid. Hubo't hubad na nakadapa sa kamang may puting mattress. Mabigat ang ulo ko at halos hindi ko magalaw ang aking katawan. Nararamdaman ko ang lamig ng aircon at ang katahimikan ng paligid. Pinilit kong bumangon pero napaimpit ako nang maramdaman ko ang sakit sa pagitan ng aking mga hita saka ko nakita ang bakas ng dugo sa putting mattress. Hindi ako makapaniwala na nakuha ang p********e ko ng ganun-ganun lamang. Ni hindi ko kilala kung sino ang nakauna sa akin. Niyakap ko ang aking sarili hindi lang dahil sa sobrang ginaw kundi dahil din sa sobrang sakit ng aking katawan. Sino kaya ang lalaking umangkin sa akin kagabi? Hayok siguro sa laman ang taong ‘yun dahil gigil na gigil niyang sinipsip ang maseselang parte ng katawan ko. Napuno ako ng tsikinini – sa hita, sa puson, sa dibdib at sa balikat. Paikod-ikod akong naglakad upang pulutin ang mga damit kong nagkalat sa sahig ngunit wala nang silbi ang mga ito. Gutay-gutay ang blouse na ginamit ko kagabi at punit din ang panty ko. Para namang basahang hindi na magagamit ang sira kong bra habang tanggal naman ang butones at sira ang zipper ng shorts ko. Sumatutal, walang ni isa sa mga ito ang pwede ko pang pakinabangan. Puno ng luha ang mga mata ko habang nilibot ng tingin ang buong silid hanggang sa biglang bumukas ang pinto. "Mabuti at gising ka na!" saad niya, "Kumain ka na at maligo kaagad. Pinapabalik ka sa club." "Akala ko ba isang beses ko lang gagawin ‘yun?" reklamo ko. "Unang gabi mo pa lang ay pinag-aagawan ka na, " saad ni Tiya Melba, "may matandang nag-aabang sa’yo kaya pinababalik ka." "A-ayoko na po," iyak ko. "Huwag ka na ngang maarte! Wala nang mawawala sa’yo. Saka ano pa ang pinagmamalaki mo? Pinagsawaan ka na ng pitong kalalakihan kagabi.” Wala akong nagawa kundi ang gawin ang utos ni Tiya Melba pero hindi natuloy ang muling pagbenta niya sa akin dahil sinalakay ng kapulisan ang club at nagawa akong i-rescue ng DSWD. Hindi ko na nakita ang tiyahin ko mula noon ---end of flashback--- ANGELO "MAY initial report na po ako tungkol kay Cerise," pagsisiwalat ni Akie sa akin, "gumamit po ako ng isang tula upang ilabas ang kanyang saloobin tungkol sa sarili. Tama po kayo. Malaki ang epekto ng kanyang nakaraan sa pakikipagsalamuha niya sa ibang tao." “Was she an anti-social?” pag-alala ko. “Hindi naman,” sagot ni Akie, “may mga kaibigan siya na kasama din niya sa publication club.” “Anything else?” "Wala akong narinig na nagkainteres sa kanya," sagot niya, "pero usap-usapan ng buong campus ang tungkol sa nangyari sa Homecoming." "Sa tingin ko, mas nakakasama sa kanya ang ginawa niyo,” saad ni Akie, “lalo siyang kinaiinisan ng kanyang mga kaaway dahil sa nangyari.” Napaisip ako sa sinabi niya. Mukhang kailangan kong pag-aralang mabuti ang mga kilos ko upang ligawan siya. “Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?” tanong ko. “Sa tingin ko, kailangan mo munang tulungan siyang mahalin ang sarili bago ka umasang mamahalin ka niya," sagot ni Akie. "I think I know what to do," saad ko saka pinindot ang intercom, "Sky," tawag ko sa sekretarya ko. "Sir?" sagot niya. "Tawagan mo ang chancellor ng St. Mary's University, sabihin mo sa kanya na itutuloy natin ang ground breaking ceremony ng laboratory hotel na hinihingi nila." "Okay, sir," saad ni Sky. "And by the way," saad ko, "i-enroll mo ako sa mga Literature classes ni Cerise." "Mag-aaral kayo ulit?" gulat na tanong ni Sky. "Hindi academics ang pag-aaralan ko," napangisi akong tumingin kay agent Akie, "pag-aaralan ko kung paano ko gigibain ang pader na pinalibot ni Cerise sa puso siya." "Ayee!" naramdaman kong kinilig ang sekretarya ko, "may iba ka pa bang ipapagawa?" "Meron," saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD