CERISE
KAKAIBA ang tingin ng mga tao sa akin nang pumasok ako sa unibersidad. Hindi ko alam kung ano ang problema nila pero ramdam ko ang pag-iwas nila sa akin.
Nakita kong sabay-sabay na pumasok sa comfort room sina Yumi at Aislin kasama si Tamara kaya agad ko silang sinundan.
"Yumi, nabalitaan mo na ba?" narinig kong sambit ni Aislin.
"Ang alin? ‘Yun bang nakasulat sa bulletin board?" sagot sa kanya ni Yumi.
"Oo," saad ni Aislin saka nilabas ang kanyang pulbos, "dapat basahin ‘yun ng lahat ng estudyante dito sa university."
"Oo nga," saad ni Yumi, "kawawa naman ‘yung kaibigan natin pero sana maintindihan niya."
"Maiintindihan niya tayo, mabait ‘yun ," saad ni Aislin.
"Actually, hindi ako naawa sa kanya," mataray na saad ni Tamara, "tama lang na mangyari ‘yun para naman hindi na siya magpakamanhid."
"Ayoko sanang sundin ang nakasulat sa bulletin board kaso nangangailangan ako ngayon. Hindi ko kayang magbayad ng fine," saad ni Yumi.
"Ako naman, gagawin ko ito para sa kanya," paliwanag ni Aislin, "kung ito lang ang paraan para mamulat siya sa katotohanan, gagawin ko kahit magalit pa siya sa akin."
Nagugulohan akong sinundan sila ng tingin habang palabas sila ng toilet. Hindi nila ako pinapansin pero halatang sinadya nilang marinig ko ang pinag-usapan nila. Bumuntong hininga na lamang ako saka naisip na tingnan ang sinasabi nilang bulletin board.
"The Central Student Union is happy to announce that your Student Organization fee will be refunded for as long as you do not speak to MISS CERISE ROMIJN BERNARD for one week. Anyone who speaks to her will pay double as fine."
Inis kong tinanggal ang isa sa mga nakapaskil na announcement sa campus saka tumungo sa opisina ng presidente ng unibersidad. Balak kong ireklamo ang announcement ng Central Student Council. Labag ito sa human rights at isa itong ground against bullying pero napahinto ako nang makita ko ang announcement na nakapaskil sa pinto ng presidente.
"All faculty and staff are ordered not to speak to MISS CERISE ROMIJN BERNARD for one week. This is for strict compliance to be awarded with a bonus."
Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko para mangyari ito sa akin. Wala sa opisina ang presidente pero hindi naman ako kinakausap ng kanyang sekretarya. Kahit sa classroom, walang pumapansin sa akin. Kahit mangawit pa ang kamay ko sa kakataas nito upang sumagot sa mga tanong ng mga professors ko, hindi pa rin nila ako pinapansin.
"Hi Cerise," binati ako ni Angelo.
Inirapan ko siya saka nilagpasan pero sumunod siya saka sumabay sa akin ng lakad.
"Hindi mo ba nabasa ang nakasulat sa bulletin board?" inis kong tanong.
"Nabasa," malimit niyang sagot.
"So bakit mo ako pinapansin? Di ba nakasaad doon na may fines ang sinumang papansin sa akin?" saad ko.
"Kaya kong bayaran ang fines," ngumiti siya ng matamis.
"Ewan ko sa'yo!" inirapan ko siya ulit saka nagpatuloy sa paglakad.
"Huwag mo na akong iwasan, Cerise," patuloy siyang sumabay sa paglakad, "ako lang ang makakausap mo sa buong linggo."
"Asa ka!" hinarap ko siya ulit, "mas gugustohin kong mapanis ang laway ko kaysa kausapin ka."
"Hindi pa ako nakatikim ng panis na laway," saad niya na nagpakunot naman ng noo ko.
"Anong pinagsasabi mo!" nagpatuloy akong maglakad.
"Natu-turn-on kasi ako sa pagsusuplada mo baka halikan kita," biglang parang tumalon ang puso ko nang marinig ko ang sinabi niya.
Pakiramdam ko pakana niya ang lahat pero bakit? Ganyan na ba talaga ang mayayaman, pagtitripan nila ang kahit sinong gusto nilang pagtripan at wala silang pakialam kahit magwaldas pa sila ng pera?
Dahil wala akong choice, tiniis ko na lang na pakisamahan ang lalaking linta na parang adik sa kakangiti sa akin.
ANGELO
NATUTUWA ako dahil maraming sumuporta sa ginawa kong plan B. At dahil alam kong walang taong makakatiis na walang makausap sa loob ng isang linggo, kampante ako na hindi magtatagal at kakausapin din ako ni Cerise.
"Ate ‘yung meal three nga," saad niya sa babaeng nasa cafeteria.
Napangiti ako dahil tiningnan lang siya nito saka tinanong kung ano ang order ko.
"Meal three at Meal one," nakangiti kong sagot.
Binigay sa akin ang order ko saka ko nilagay ang mga ito sa iisang tray.
"A-ako na ang magbayad," saad niya.
"Order mo ang bayaran mo," pilyong saad ko, "ako ang umorder nito kaya ako ang magbabayad."
Hindi na siya kumibo pero nakayuko siyang sumunod sa akin hanggang marating namin ang isang pandalawahang mesa na nasa pinaka-gilid ng cafeteria. Siguro nagutom na ang reyna ko dahil para siyang batang walang reklamong sumusunod sa akin.
Nilapag ko ang pagkain namin saka hinila ang upuan para maupuan niya. Hindi man maganda ang ambiance at hindi ko man matatawag na date ito, masaya ako dahil ito ang unang beses na magkakasabay kaming kumain.
"Meal three ba lagi ang ino-order mo?" tanong ko.
"Minsan meal one kapag mejo malaki ang budget," napahinto ako sa narinig ko. Hindi ba sapat ang allowance na pinapadala ko sa kanya? Bakit kailangan niyang magtipid sa pagkain?
"Hindi ba gaano kalaki ang allowance mo?" tanong ko.
"Sapat naman," saad niya habang inayos ang pagkalagay ng kanyang pagkain, "ayoko lang umabuso sa tumutulong sa akin kaya tinatabi ko ang allowance ko para sa mga projects."
Lalo akong napahanga sa kanya dahil kahit nagsusungit siya sa akin, alam kong mabait siya.
"Magdasal muna tayo," pinigilan niya ako nang akma kong simulan ang pagkain.
Kung ibang babae ang kasama ko, puro pa-cute lang ang gagawin at baka makalimutan pang magdasal pero humanga ako sa kanya dahil hindi niya ikinahiyang magdasal bago kumain.
"Gusto mo ng dessert?" tanong ko nang magsimula na kaming kumain.
"Saka na," first time siyang ngumiti sa akin, "baka nga hindi ko maubos tong inorder mo."
"Okay lang ‘yan," saad ko, "kailangan mong kumain para naman magkalaman ka ng konti."
"Nakakainis ka!" saad niya pero nakangiti pa rin, "huwag mo ngang ipaalala sa akin na maliit akong babae."
"Sakto lang ang liit mo," saad ko, "sapat lang para magkasya ka sa puso ko."
"Linta ka nga talaga," tawa niyang saad.
“’Yan na ba endearment mo sa akin?" tanong ko.
"Bakit magkakaroon tayo ng endearment? Tayo na ba?" tumatawa pa rin siya.
"Eh di ba, may relationship status na tayo?" saad ko, "malay mo nag-level up na ang interviewee-interviewer relationship natin."
"Huwag kang sira!" malawak na ang ngiti niya, "relationship status ba tawag dun?"
"Oo," saad ko.
"Aba, bakit napunta sa relationship status ang usapan? Di ba pwedeng getting-to-know stage pa tayo?"
"Hmm," tumango ako, "okay na ‘yan at least hindi na ako seenzone."
"May choice ba ako?" saad niya.
"Wala ka ngang choice," saad ko, "ako lang makakausap mo eh."
"Pero nakakamiss ang mga kaibigan ko," saad niya habang napabaling ang tingin sa gawi kung saan masayang nag-uusap ang kanyang mga kaibigan.
"Pwede naman natin ‘yan magawan ng paraan eh," saad ko dahil hindi ko kayang ipagdamot sa reyna ko ang kaligayahan niya.
"Anong paraan?" tanong niya.
"May tiwala ka ba sa akin?" tanong ko.
Nakangiti siyang napaisip saka sinabing, "anong balak mo?"
"Huwag ‘yan ang itanong mo," saad ko.
"Eh ano dapat ang itatanong ko?" tanong niya.
"Itanong mo ang kapalit ng gagawin ko," sagot ko.
"Ano ba ‘yan? Lahat na lang may kapalit," saad niya.
"Natural, wala nang libre sa mundo," nagkibit balikat ako.
"Eh ano tawag nito? Di ba libre ‘tong pinapakain mo sa akin?" tinuro niya ang mga pagkain sa mesa.
"Kapalit naman niyan ang makasama kang mananghalian," agad kong sagot.
"Hayz," napabuntong hininga siya, "sige na nga, anong kapalit?"
"Isang date," agad kong sagot.
"Ayoko," agad din niyang sagot.
"Okay lang," nagpatuloy akong kumain, "either way, pabor pa rin sa akin."