CERISE
NAKAPALIBOT kami sa working table ng publication office dahil nagpatawag ng meeting si Professor De Jesus.
"Sa susunod na linggo na ang ground breaking ceremony ng HRM hotel laboratory kaya gusto kong magtalaga sa inyo ng mga gagawin," panimula ni Prof. De Jesus, "si Aislin ang magsusulat tungkol sa mismong ceremony at si Cerise ang gagawa ng feature article tungkol sa sponsor nito na si Angelo Cruz."
Nagulat ako sa sinabi ni Prof. De Jesus kaya agad akong napasambit ng, "Prof, news writer po ako, hindi po ako feature writer."
"The publication club is a place for development," panimulang sermon ni Prof. De Jesus, "kaya hindi ibig sabihin na news writer ka, hindi ka magiging feature writer. Be open to changes and improvements."
Nagkatinginan kami nina Aislin at Yumi saka sabay na yumuko. Hindi na namin kailangang mag-usap dahil sa tinginan lang namin ay alam na namin kung ano ang gusto naming ibig sabihin sa isa't isa. Marami kasing binago si Prof. De Jesus sa mga nakasanayan namin sa publication kaya medyo labag sa kalooban namin ang mga pagbabagong ginawa niya.
"So anong impormasyon ang dapat kong alamin tungkol kay Angelo Cruz?" saad ko habang pilit na tinatago ang inis sa boses.
"Feature article ‘yun , ibig sabihin, kilalanin mo si Angelo," napangiti ito sa akin, "alamin mo ang mga hilig niyang gawin, mga pinaggagawa niya araw-araw at mga balak niya."
Ito ang unang feature story na gagawin ko kaya sinulat ko na lang lahat ng mga suhestiyon ni Prof. Dela Cruz. Si Tamara kasi lagi ang binibigyan ng assignment na tulad nito. Hindi naman kasi ako sanay makisalamuha sa mga high profile sa university. Mas gusto ko ‘yung news writing dahil nasa gilid lang ako nanonood habang si Aislin naman ang laging nag-iinterview.
"Naiinis ako sa bagong publication adviser natin," saad ko habang nilagay ang mga gamit sa locker.
"Naiinis ka dahil sa assignment na binigay niya sa’yo," sambit ni Yumi.
"Eh bakit ikaw? Graphic artist ka pero ganun pa rin ang assignment mo. Si Aislin, ganun din. Bakit ako lang ang nabigyan ng assignment na hindi naaayun sa orihinal kong posisyon?" reklamo ko.
"Hayaan mo na," natatawang saad ni Aislin, "pakiramdam ko shipper ng CerLo loveteam si Prof. De Jesus."
"Kilabutan ka sana sa sinasabi mo, Aislin," inirapan ko siya.
"Huwag ka ngang manhid, Cerise," tinapik ako ni Aislin, "halatang may pagtingin sa’yo si Angelo. He is smitten by you."
"Gino-good time lang ako ‘nun," saad ko, "baka nga nakipagpustahan lang ‘yun sa mga kaibigan niya."
"Matitino at successful sa kani-kanilang mga buhay ang mga Adonises, malayong magpakababa ang mga ‘yun para magpustahan lang," sambit ni Aislin.
"Alam mo naman pala, eh kung ikaw na lang kaya ang magsulat ng tungkol kay Angelo," sabi ko.
"Huwag ka ngang tanga!" mahina akong pinalo ni Yumi sa braso, "maraming gustong mapalapit kay Angelo pero wala siyang ibang nilalapitan dito kundi ikaw lang kaya i-enjoy mo na lang."
"Para ano?" saad ko "para pagtawanan sa huli?"
"Aist! Napaka-nega mo talaga," inis na saad ni Yumi, "umayos ka na nga! Paparating na prince charming mo."
Biglang tumigil ang paghinga ko at alertong napalingon sa likod ko. Agad na nagtawanan sina Yumi dahil wala namang Angelong paparating kaya inis kong isinarado ang locker at naglakad palayo sa kanila.
"Cerise!" habol sa akin ni Aislin, "ang pikon mo."
"Affected ka masyado," saad ni Yumi. Pinagitnaan nila ako habang naka-abre siyete sa magkabilang braso ko.
"Masaya lang naman kami dahil nagkaroon ka na rin ng lovelife," humilig si Aislin sa balikat ko.
"Eh hindi nga ako naniniwalang seryoso ang tao," saad ko, "dalawang taon ako sa college na naglalakad na parang hangin. Walang pakialam ang mga tao sa ayos ko pero nang dumating siya, naging sentro ako ng usap-usapan. Ang masakit pa, nangungutya pa sila sa ayos ko."
"Maganda ka, Cerise. Hindi kwestyonableng nagugustohan ka ni Angelo," saad ni Aislin.
"Oh ayan na ang loverboy mo," saad ni Yumi na ngayon ay nakatingin sa papalapit nang si Angelo.
Handa na sana akong pumihit pero hinigpitan ng dalawa ang pagkahawak sa akin kaya napako ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong maglaho dahil ngumiti siya sa akin. Pakiramdam ko hinihigop ako ng malagkit niyang titig at para akong mahihilo nang tumayo na siya ng sobrang lapit sa amin.
"Hi Cerise," saad niya sa nakakatunaw na boses.
"Hi Angelo," magiliw na saad ni Yumi, "may assignment si Cerise at kailangan niya ang tulong mo."
"Talaga?" saad niya na hindi inalis ang titig sa akin.
"Oh-kay," namanhid ako kaya hindi ko gaanong naramdaman ang pag-alis ng mga abre-siyete ng aking mga kaibigan, "iiwanan na namin kayo para magawa na ni Cerise ang assignment niya."
Mahinang tumawa si Angelo saka sinabing, "may mapa ka ba?"
"Huh?" napakunot ang noo ko.
"Nawawala kasi ako sa titig mo," saad niya kaya agad akong napayuko.
"A-available ka ba?" tanong ko.
"Oo, bakit? Gusto mo na ba akong i-syota?" pilyo niyang sagot.
"Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin," inis kong saad, "i-interbyuhin sana kita ngayon, kung pwede."
"Pwede," saad niya, "pero may kapalit ang bawat tanong mo."
"Huh?" napatingala ako sa kanya. Bakit ba ang gwapo ng kaharap ko? Pakiramdam ko nagiging gulaman na ang aking mga paa dahil parang hindi na sapat ang lakas nito para suportahan ang katawan ko.
Napalunok ako nang mas lumapit siya at yumuko kaya halos ilang sentimo na lang ang pagitan ng mga ilong namin.
"Ang sabi ko," I felt his breath on my skin, "may kapalit ang bawat tanong mo."
Hindi ko kinaya ang posisyon namin kaya umatras ako, "pasensiya na Mr. Cruz, nakasaad sa code of ethics ng journalism na bilang manunulat, I have the right to resist pressure that limits communication. Kung gusto mong makipaglaro, iba na lang ang paglaruan mo. Masyadong magulo na ang buhay ko para makisiksik ka pa!"
"Malay mo, ginulo ang buhay mo para ayusin ko," humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ulit ako.
"Pwede bang hayaan mo na lang ako na gawin ang naka-assign sa akin? Huwag mo na akong lokohin," saad ko habang patuloy sa pag-atras pero hindi ko napansin na may bag palang nakaharang kaya nawalan ako ng balanse.
Mabilis ang kilos ni Angelo dahil agad niya akong nasalo. Nakayakap siya ngayon sa akin habang magkalapit naman ang mga mukha namin, "hindi kita niloloko. Hindi lang kita crush, mahal kita kaya kahit ilang beses kang mahulog, sasaluhin at sasaluhin pa rin kita."
Mula sa pagkatitig sa mga mata ko ay bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Bahagya siyang yumuko pero bago magdampi ang mga labi namin ay buong lakas akong umiwas saka lumayo sa kanya.
"Diyan ka lang!" saad ko nang magtangka na naman siyang lumapit sa akin, "one meter is the proper distance between the interviewee and the interviewer kaya hanggang diyan ka lang!"
Hindi siya kumibo kaya nagpatuloy ako, "ihahanda ko pa ang mga itatanong ko sa’yo kaya mamaya na kita kakausapin," saad ko saka pumihit para maglakad palayo sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya kaya agad ko siyang hinarap. Agad din siyang huminto saka yumuko.
"Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko.
"May problema kasi ang cellphone ko," saad niya habang namulsa.
"Ano naman ang pakialam ko sa cellphone mo? Hindi ako technician kaya huwag ako ang sundan mo," tinarayan ko siya.
"Ikaw lang naman ang solusyon sa problema ng cellphone ko," saad niya.
"At bakit naman ako ang solusyon sa problema ng cellphone mo? Ano ang alam ko sa pagrerepair diyan?" namaywang ako.
"Sinabi ko bang sira ang cellphone ko?" saad niya na kahit isang metro ang pagitan namin ay para pa rin akong hindi makahinga sa presensiya niya.
"S-sabi mo may problema ang cellphone mo," nagugulohan kong tanong.
"May problema nga," saad niya, "wala kasi ang number mo dito."
“Hindi ko pinamimigay ang number ko!"
"Eh paano mo ako i-interbyohin kung hindi mo alam kung paano ako makontak?"nakanguso niyang tanong.
"M-magkikita naman tayo sa campus at saka di ba kaklase kita sa tatlo kong subjects?" sagot ko.
"Eh paano kung mag-aabsent ako?" tanong niya ulit.
"P-pupuntahan kita sa opisina mo?" agad kong sagot.
"Eh paano kung sa bahay ako mag-oopisina?" pilyo siyang ngumiti kaya padabog akong lumapit sa kanya, "akin na nga ‘yang cellphone mo!"
Binigay niya ang cellphone niya saka ko nilagay ang numero na ginagamit ko para sa school. May iba kasi akong gamit na numero para sa clan ng readers ko. Naramdaman ko naman ang pagsilay ng kanyang ngiti kaya napabuntong hininga akong ibinalik sa kanya ang kanyang cellphone.
"Ako ang magtetext sa’yo. Huwag kang tumawag at huwag kang magtetext ng kung anu-ano. We will have a pure interviewee-interviewer relationship," saad ko.
"At least may relationship status na tayo," malambing niyang saad.
"Ewan ko sa’yo!" saad ko saka tumalikod.
ANGELO
"MALIBAN sa football at pagbabanda, ano pa ang mga kinahiligan mo?" tanong niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Negosyo," malimit kong sagot, "ikaw, maliban sa journalism, ano ang pinagkakaabalahan mo?"
"Mr. Cruz," sa wakas ay tumingin na rin siya sa akin, "ako po ang interviewer dito at ang buhay niyo po ang pinag-uusapan natin kaya labas na po ang tungkol sa akin."
"Di ba unfair ‘yun?" humilig ako sa sandalan ng upuan, "marami ka nang alam tungkol sa akin pero ako konti lang ang alam ko sa’yo."
"Walang magbabasa kung buhay ko ang isusulat kaya sagutin mo na lang ang tanong ko para matapos na tayo," mataray niyang sagot.
"May private island ako," sabat ko.
"Hindi ko ‘yan tinanong," saad niya.
"Sinabi ko lang," agad kong sabi.
"Puwes, wala akong pakialam," bumalik siya sa pagsusulat.
"Talaga?" may pilyo akong naisip, "Ayaw mong malaman ang tungkol sa private island ko?"
"Wala akong pakialam kung may private island ka at kung ilang babae ang nadala mo na doon," saad niya.
"You sound jealous," I teased her.
"Anong jealous? Wala akong dahilan para magselos," bahagyang tumaas ang kanyang boses.
"Huwag kang ganyan, Cerise," patuloy ko siyang tinitigan, "natuturn on ako sa mga babaeng pakipot."
Nakita ko ang paglunok niya kaya tumayo ako para lapitan siya. Ipinatong ko ang isa kong kamay sa armchair habang ang isa ay nasa sandalan ng upuan kaya naikulong ko siya. Napatingala siya sa akin habang yumuko ako. Ang ganda ng mga mata niya pero naglalaway ako sa mga labi niya. Hindi siya nakagalaw nang nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya saka bumulong, "at kapag sobra akong naturn on, dinadala ko sa private island and only God knows kung ano ang pwede kong gawin sa kanya. So be good to me, Cerise. Kaya kitang dalhin sa private island ko."
"P-pwede ba!" tinulak niya ako pero hindi ito sapat para maalis ko ang kamay ko sa armchair at sandalan ng upuan, "pwede kitang i-charge na kidnapping."
Natawa ako dahil naramdaman kong apektado siya sa ginawa ko kaya tumayo ako ng tuwid saka sinabing, "darating ang araw na dadalhin kita sa private island and for your information, wala pa akong nadalang babae sa private island na ‘yun."
Agad akong lumayo dahil baka ano pa ang magawa ko sa kanya. Nakakahiya mang isipin pero sa simpleng pagkagat lang niya ng kanyang labi ay binuhay niya agad ang natutulog kong alaga.
______________________________________________
"Sky," tinawagan ko ang sekretarya ko nang makalayo na ako kay Cerise, "gawin mo na ‘yung sinasabi kong ipapagawa ko sa’yo."
"Bakit? Hindi ba umobra ang plan A?" tanong niya sa akin.
"Wala akong napala. Lumalayo pa rin siya sa akin. Gawin mo na ang plan B," saad ko.
'Tingnan lang natin kung hanggang saan ang pagmamatigas mo, Cerise. Sa naisip kong plan B, siguradong wala kang kawala sa akin,' bulong ko sa isip ko.