"Mrs. Galven. Huwag ka sanang magbintang! Lalo at bago ka pa lang hahawak sa grupong ito!" biglang singit din ng isang lalaki. Kumunot ang aking noo. Habang nakatingin sa lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay kaedad din ito ni Leo. "Hmm! Teka lang! Bakit parang ang daming natamaan sa aking sinabi? Guilty ba kayo? Ang daming pumutak, ah!" palatak ko. Wala akong pakialam kung magalit sila. Saka hindi naman ako sinaway ni Rc sa aking mga tinuran. "Talagang aangal kami. Kasi nang bibintang ka Mrs. Galven!" galit na sabi ni Lady Boss. "Hind ako nangbibintang! Then I didn't even mention a name, did I? Nasa inyo na iyon kung tinamaan kayo, oh, hindi!" malditang sabi ko. Napansing kong balak pa sanang magsalita ni Lady Boss. Ngunit pinigilan na ito ng isang lalaking pumutak kanina. Hmmm! Mukh

