"Leo!" Ha! Bigla akong napabalikwas nang bangon. Umikot din ang mga mata ko sa buong paligid. Tiningnan ko rin kung may bakas ba ni Leo na pumunta rito. Oh, nahiga sa aking tabi. Ngunit kahit isang bakas ay wala akong makita. So, hindi pa nga dumarating ang aking asawang hilaw. Hanggang sa marinig ako nang ugong ng mga sasakyan sa labas ng bahay. Kaya naman dali-dali akong tumakbo upang makarating agad sa labas. "Rc!" pagtawag ko sa babae nang mamataan ko ito. Kaya naman maliksi akong lumapit dito. May ngiti rin sa aking mga labi. "Na saan Leo? Kasama na ba ninyo? Bakit ngayon lang kayo?" sunod-sunod na tanong ko sa babae. Kumunot ang noo ko. Dahil hindi agad nagsalita si Rc. Parang naghahagilap pa ito nang sasabihin sa akin. "Rc, ayos ka lang ba?" muling pagtawag ko sa pangalan ng

