Simple at solemn ang kanilang pag iisang dibdib. Pinag talunan pa nila ang bagay na iyon. Gusto kasi ni Red na engrande ang kanilang kasal kasi ayon dito ay once in a lifetime ng isang babae ang maikasal. Pero nagpumilit siya na simple at private ang kanilang maging kasal. Though pumayag siyang may mga mangilan ngilang reporter, para malaman ng mga malalanding babae na may asawa na ang isang Christian Red Rivera. Di niya mapigilang mapaluha ng makita ang pagdadausan ng kanilang kasal. Alas tres ng hapon idadaos ang kanilang kasal, kasabay ng kanyang Mama at Papa na maghatid ang kanyang lolo at Lola na ngayon ay naka wheelchair. Sinabihan na ito ng lolo niya na wag nang maghatid pero nag insist ito. "Di ko naranasan na maihatid ang anak ko sa altar, hayaan nyo na akong ihatid ang mga a

