Pag kahawak palang niya sa door knob ay dinadaga na siya. Di nya alam kung masyado lang ba talaga siyang in love sa asawa niya at ganun nalang ang kalabog ng kanyang dibdib. O sadyang na nerbiyos lang siya. Nasa nursery room na ang kambal at kanugnog lang naman iyon ng silid nila. Pag magising ang mga bata ay kaagad nilang maririnig. Nandun din naman ang mga Yaya kaya lang ayaw talaga ni Julliana na ipagkatiwala ang mga anak sa Yaya lang. Which is ayos lang naman sa kanya na ganun dahil at least nababantayan nilang maigi ang mga bata. "Hi!" Bungad ko sa asawa na masama na agad ang tingin sa akin. "Saan ka nanggaling?" Tanong nito. Sa halip na sumagot ay nahiga ako sa kama at tumitig dito. "Tinatanong kita? Saan ka galing?" Nakataas ang kilay na tanong nito. "May pinuntahan ako. Ikakas

