Red Pov Nandito siya ngayon sa bahay ng mga magulang ng asawa in short byenan niya. Balak niyang pormal na hingin ang kamay ni Julliana para mapakasalan na sa simbahan. Alam niyang matagal na dapat niya itong ginawa. Dangan nga lang ay madaming mga naging ganap nung mga nakalipas na buwan kaya ngayon palang niya maasekaso ng maayos. "O Red, kasama mo ang mag iina mo?" Si Papa na kakabukas lang ng pinto. Gaya ng hula nila ay di tinanggap ng matatanda ang pamana ng Lola niya sa mga ito. "Hindi po Pa, mag isa lang po ako ngayon na pumunta dito."sagot ko. "Kung tungkol ito sa pamana Red, naku anak nagsasayang kalang ng oras. Matatanda na kami ni Mama mo, aanhin naman namin ang pera na ganun kalaki?" Sabi nito agad sa akin. "Di naman po tungkol doon ang sadya ko Pa." Sabi ko agad dito. Ba

