Isang linggo matapos na nanganak si Julliana ngunit nanatili itong tulog. Nandiyan sa kanya ang pagtatanong kung magigising paba ito o hindi na, natatakot siyang isiping baka isang araw ay bumitaw nalang ito bigla. "Salamat Red." Sabi ni Kuya Jessie isang araw na ito ang kasama niyang nagbantay sa kanyang mag ina. "Salamat saan Kuya?" Tanong ko dito. Napatingin ako dito, kagaya ko tila nangangalumata din ito. Napaayos na ni Julliana ang pag bahagi ng pera nito sa mga kapatid nito. Ayon kay Jessie nung isang araw ay dumating ang ilang tao upang ayusin at gawing bigasan ang harap ng bahay ng Kuya nito katabi ng shop nito. Mabuti at may katiwala ito upang magbantay ng negosyo nito kahit wala ito. Ang asawa nito ang nag inspection. Sa kay Jelliene naman ay isang boutique at parlor. Di na

