Kaagad na nalapatan ng lunas si Julliana kaya naman ay nasa loob na ito ng emergency room. Sa loob ng hospital nila Dos dinala si Julliana kaya tiwala siyang di pababayaan ng mga doctor ang kanyang nobya. Kanina pa siya pabalik balik at balot na balot parin ng takot ang kanyang puso. Lalo at isang oras na itong nasa loob. "Kumusta si Julliana Red?" Si Kuya Jessie na humahangos hangos pa, isinabay ito ni Jules papunta sa hospital. Di pa niya nasabihan ang mga magulang ng mga ito. Natatakot siyang baka atakihin ang mga ito oras na malaman ang nangyari kay Julliana. "Nasa loob pa Kuya." Sagot ko. "Kaya niya yan, nakaya nga niyang makaligtas sa pagsabog. She is a fighter ever since kaya tiwala akong malalampasan niya ito." Sabi nito na tila may garalgal sa boses. Alam kung pinapagaan lang

