Nameet niya ang lola ni Red kanina. Nilapitan sila nito kanina at nilait lait siya, although siya lang naman ang nakarinig. "Gold digger, akala mo ba matatanggap ko ang batang nasa sinapupunan mo?" sabi pa nito. Nasaktan siya sa sinabi nitong iyon. "Di naman po kayo ang asawa ko, ang apo niyo naman." sabi ko dito sa mahinahon at magalang na tono kahit napakasarap patulan ng matanda. "Di ko matatanggap kahit kailan ang isang oportunista sa pamilya namin." sabi nito, mukhang wala talagang ka bait bait sa katawan ang matanda. Binalaan siya ng Mommy ni Red nung nagpunta sila nung isang araw na baka makasalubong ko ang lola ni Red ay wag ko nalang daw pansinin. Hayaan ko lang dumakdak at supalpalin kung kinakailangan. Di biological grandmother ni Red ang babae. Step mother ito ng Daddy ni

