ANYA POINT OF VIEW "Jessa, p-pwede ba akong magpasama sa'yo papuntang Estrella Village?" Si Jessa ay yong babaeng bumungad sa akin pagkagising ko kahapon pati na din siya yong babaeng nasa party. Siya yong head dito sa bahay ni Oliver. Nakakapagtaka nga eh, kasi di'ba karamihan matatanda na ang mga head sa bahay. Pero siya hindi pa naman siya matanda parang nasa 30's nya pa lang siya. "Pwede ka naman Ma'am Anya umalis. Tatawagin ko lang po si Austine siya ang maghahatid sayo. Hindi kasi ako pwedeng umalis. Marami kaming inaasikaso dito sa bahay tsaka baka maabutan rin kami ni Sir na wala ako dito." "Sigurado ka bang 'di ka pagagalitan ng amo mo once na umalis ako?" ngumiti ito sa akin at umiling. Mabuti naman kong gano'n, at least malaya pa rin naman pala akong makakagala. Ayaw ko ka

