Nangunot ang noo ko ng hindi ako hinatid ni Austine sa mismong bahay ni Oliver. Ibang bahay ang pinuntahan namin at halata din na yayamanin ang may-ari. Mas malaki ang bahay na 'to at puno ang security guard ng nasa gate pa lang kami. May pinakita pa si Austine na ID nya bago kami naka pasok. Bigla akong kinabahan, ito na ba yong mansion ng mga Carter? Pinag buksan ako ni Austine ng makarating na kami sa parking area. May sumalubong din sa amin na mga maid at ginabayan ako kong saan papunta. Napatingin ako sa napakalaking chandelier na bumungad sa akin. Mukhang dito nakaraan ang party kong saan nagising akong naka gown na. "Maiwan ko na po muna kayo ma'am Anya." Paalam sa akin ni Austine kaya naman kinabahan ako kasi wala na akong kakilala. Napakalawak ng buong bahay kahit nandito pa l

