Kabanata 2 : First Job

1026 Words
Tanya's POV Malakas akong nagpakawala ng buntong hininga. First day ko ngayon sa LS construction bilang architect. Thank you Lord natupad lahat ng goals ko sa buhay sana tuloy-tuloy na po ito. Excited ako dahil natupad din ang pangarap ko na matanggap ako sa kompanyang ito. Actually pangarap namin ito ni bestie Michelle ko kaso nga lang pagkatapos namin makapasa sa board exam isang buwan lang ang nakalipas na mild stroke naman ang tatay niya. Dahil sa nag-iisa lang siyang anak walang mag-aalaga sa tatay niya. Hindi muna siya sumabay sa akin nag-apply ng trabaho. Tinulungan muna niya ang kanyang nanay sa pag-alaga sa ama nito. Salitan narin ang mga ito sa pagbabantay ng maliit nilang puwesto sa palengke. Habang kami naman ng tatay ko napag-usapan narin namin na kapag makapag-ipon na ako pahintuin ko na siya sa trabaho. Patayuan ko nalang siya ng maliit na puwesto ng motor shop. Para doon na siya sa probinsya namin sa Bulacan. Magkapit-bahay lang kami ni Mich kaya paminsan-minsan makisuyo nalang ako sa kanya na patingnan-tingnan ang maliit namin na bahay doon. Tunog ng cellphone ang pumukaw sa pagmumuni ko. " Bestie..." nilayo ko ng kunti ang cellphone sa tainga ko. Kahit kailan talaga itong si Mich patili kung tumawag sa kanya. Akala mo talaga laging may emergency. " Ano kumusta ang first day of work? Toxic ba? Madami bang mga igop? " sunod-sunod na tanong nito. Napangiwi naman ako sa mga tanungan nito. Pambihira talaga itong kaibigan niya pogi agad ang tinanong. " Toxic agad? Siyempre hindi ko pa masabi kung toxic ang work environment ko dito.Hello, first day ko pa nga diba?" pagtataray niya dito na ikinahagikhik sa kabilang linya. " At sa igop naman na sinasabi mo. Babae po ang nagtraining sa akin. Pansin ko din sa department namin sa floor na ito lahat kami babae. May isang lalaki sana kaso mas maarte pa sa akin." mahaba niyang kuwento dito patawa-tawa lang ang dalaga sa kabilang linya. " Ay, seryoso? boring naman pag ganun. Buti nalang pala 'di pa ako nag-apply diyan." pinalungkot nitong boses. " What if sa ibang company nalang ako mag-apply." dagdag pa nito sa kabilang linya. " What? seryoso ka ? Diba pangarap natin ito na dito tayo magtrabaho. Bestie naman." nagpapadyak na ako. Medyo nainis ako sa narinig kahit alam kong nagbibiro lang ito. " Hey, relax ka lang bestie. Siyempre joke lang iyon 'no." wika nito sa kabilang linya na natatawa. " Kung alam mo lang kung gaano ka hot ang CEO ng LS construction makalaglag panty siya teh." dagdag pa nito. Nagpaalam na ito sa kanya na may gagawin pa ito. Napangiti siya habang nagtitipa sa kanyang computer . Naalala ko na naman ang sinabi ni Mich kanina masuwerte na daw ako dahil medyo malapit na ako sa katotohanan na one of this days ma meet ko sa personal ang CEO ng kompanyang ito. Ang dami ko ng narinig at nabasa ng mga articles about sa personal na buhay na nito.Kabilaan ang na lilink na mga babae ma pa beauty queens, model,mga CEO's at pati na rin anak ng mga politician. Pero kahit isa walang confirmation ng binata sa mga na link dito. Nakikita lang niya ito sa tv ng minsan naging guest speaker ito sa isang event na dinaluhan na mga business tycoons. Si Luke Sebastian, CEO of LS Construction. He looks arrogant pero hindi mo mapagkaila ang angking kaguwapuhan nito. Kahit nakasuot ito ng pang business attire mababakas dito ang magagandang pangangatawan sa tindig at porma nito. He looks hot also kaya hindi mo rin masisi ang mga kababaehan na magkarandapa dito. May mga anggulo din nakuhaan ito na naliligo sa isang resort kasama mga kaibigan nito. Subrang hot din nila. Classy handsome rich man 'ika nga. Ano kaya ang hitsura nito kung sa personal na niya itong makita. Sa iniisip niya hindi niya mapigilan ang sariling makaramdam ng pananabik normal ata ito lalo na kung dito ako nagtatrabaho sa kompanya niya. Kasalanan na din ito ni Mich kung ano-ano nalang kasi ang sinabi nito tungkol sa CEO ng LS construction. May pakilig-kilig pa ang babae na iyon.Landi talaga hehe. " Tanya, breaktime na tara na sa canteen." aya sa kanya ni Robert "aka" Roberta. Sabay na silang pumunta sa nasabing canteen. Si Roberta at Linzy na siyang nag-training sa kanya palang ang nakausap niya sa department nila. Nahihiya pa kasi siya na kumausap sa iba niyang kasamahan. Baka sabihin ng mga ito kababago ko palang feeling close na o kaya ang daldal ko. Tahimik lang talaga ako sa umpisa pero kapag napalagayan ko na ng loob may pagka-baliw na din ako minsan. Kaya magkasundo kami ni Mich pareho kaming loka-loka. Pagdating namin sa canteen ang haba na ng pila para bumili ng pagkain. Hindi siya nakapag baon sa araw na ito dahil sa ka excited niyang pumasok kanina. Kaya magtiyaga akong pumila kaysa magutom ako baka mahimatay pa ako malayo pa ang alas singko ng hapon. Napansin ko na may mga kalalakihan na panaka ang tingin sa akin. May grupo naman ng mga kababaihan na nagbubulungan habang lihim ako na sinulyapan. Siguro dahil ako lang ang bago kaya bago din ako sa paningin nila. Ito na ba ang tinanatanong ni Mich sa akin toxic environment? pakiramdam ko naman pleasant naman ang mga tao sa paligid ko. Siguro nga nagagandahan lang sila sa akin. Nakangiti ko ma wika sa sarili. " Pili lang tayo ngayon libre lahat ng pagkain sa canteen." bulong ni Linzy. " Bakit daw? " tanong ko naman. " Birthday daw kasi ng pusa ni Mr.Sebastian." natatawang bulong ulit ni Linzy. " Ay,weh seryoso? Birthday lang ng pusa nagpakain na sa buong empleyado. What a joke." " Pangalawang beses ko pa itong naranasan na nagpakain sa lahat ng empleyado si Sir Luke. Last year noong April 2024 pa ata iyon." Wika ni Roberta. Kasalukuyan na silang kumakain sa mesa. " Baka every year na siya may pa free meals sa atin." nakangiti kong sabad. Swerte ko naman sa first day ko may pa free meals agad.Mabuti nalang talaga hindi ako nakapagbaon. Pagkatapos namin na kumain mabilis na kaming bumalik sa kanya-kanya namin na pwesto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD