Tanya's POV
Mataman siyang nakaupo sa may lobby habang hinihintay ang kanyang ama. May usapan kasi kami ngayon ng tatay ko na samahan niya ako mamili ng kaunting gamit para sa bago kong nilipatan na apartment. May kaunti pa naman akong pera naipon mula sa allowance ko nung college. Todo tipid ako nung nag-aral pa ako dahil ayaw ko palagi naghihingi kay itay.
Siyempre alam ko kung gaanong hirap ang pinagdaanan niya para mairaos lang niya ang pag-aaral ko kahit sabihin pa natin na scholar ako.
Malapad akong napangiti ng makita ko na siyang papasok sa loob ng lobby.
" Tay mano po." agad kong wika dito. Sinalubong ko din siya ng mahigpit na yakap. Subrang na miss ko ito.
" Kumusta ang unang araw ng trabaho mo 'nak? " nakangiti nitong tanong habang papalabas na sila sa building.
Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling upuan dito niya namana sa tatay niya ang angking ganda nito. Hindi naman siya katangkaran sakto lang ang kanyang height sa tulad niyang full blood pinay. Matangkad kasi ang tatay niya.
Namana naman daw niya ang magandang pangatawan at makinis na maputing balat sa kanyang inay sabi ng tatay niya. Kaya dun siguro na inlab ang tatay niya.
" Ang bait naman ng amo niyo 'tay. Pinahiram pa niya sayo ang kanyang kotse." agad niyang sabi habang nagsusuot ng seatbelt. Tumikhim lang ito.
" Hindi ba masyadong nakakahiya sa amo mo? Mapagkamalan pa tayo nito na mayaman sa subrang ganda ng sasakyan nito." dagdag pa niyang sabi. Ang ganda naman kasi ng sasakyan mahalata mo talagang mamahalin at mayaman ang nag mamay-ari nito.
Malakas na tumikhim ang tatay ko na para bang binalaan niya ako na tumigil na sa pagsasalita.
" Kumusta ang unang araw ng tarabaho mo 'nak? " paiba na naman nito sa usapan. Natanong na niya ito kanina. Sa pagka alam kong nasagot ko na din siya.
" Ay, naku tay alam niyo po bang masuwerte ang unang ng pasok ko sa trabaho may pa free meals agad ang CEO. Mantakin niyo po birthday lang daw ng pusa nun nagpakain na sa lahat ng empleyado." palatak niya pa. Hindi niya talaga mapigilang matawa din sa kwento niya.
" Mabait naman pala ng may-ari ng pinagtrabahuan mo anak." natatawang sagot din ng tatay ko.
" Wala lang siguro magawa sa buhay tay. Mga mayaman talaga eh no, kung ano-ano nalang pinag gagawa sa pera nila." nakanguso ko ng wika.
Bigla naman napaubo ng malakas ang tatay ko.
" Nak, saan mo ba plano pagkatapos ng pamimili natin? "
" Sa apartment na po tay para makapagpahinga na po ako." sagot ko habang nakatingin na sa may bintana. Tahimik na kami ni tatay habang seryoso naman itong nagmamaneho.
Biglang may tumikhim sa likuran nila. Agad akong napatingin sa may side mirrow ng sasakyan. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya ng marealize niya na may tao pala sa kanilang likuran.
" s**t! may sinasabi pa naman ako kanina tungkol sa CEO namin. Kahihiya ka Tanya." bulong niya sa sarili.
" You can drop me in my condo nalang Mang Lito." sabi nito sa baritonong boses.
Hindi man niya makita ang buong pagmumukha nito dahil nakasuot ito ng dark shade. Batid niya na ang guwapong mukha nito at malinis tingnan. Naka casual lang ang suot nito na naka black shirt na litaw ang kaputian nito at namumutok na muscles sa braso na halatang alaga sa gym.
Biglang tumibok ulit ng mabilis ang puso niya ng matanaw niya sa side mirrow na nakangiti sa kanya. Kahit nakasuot ito ng salamin naramdaman ko parin ang diretsahang tingin niya sa akin.
" Call me when your done to accompany with her, Mang Lito. May iutos lang ako sayo." dagdag pa nito.
Napapikit siya, kaysarap sa tainga ang boses nito. Tumingin siya sa tatay niya na may kasamang dilat at napakagat-labi ako.
" Masusunod po Sir Luke." agarang sagot naman ng tatay niya.
" Tay naman eh, 'bat di mo sinabi sa akin kanina na may kasama pala tayong pogi sa likuran." gusto sana niyang isatinig dito. Nakangiti lang ang tatay niya sa kanya na nakuha yata nito ang nais niyang iparating.
Nakakahiya talaga ang pinagsasabi ko kanina.
Maya-maya pa huminto na ang sasakyan sa mataas na building. Ito na siguro ang condo building kung saan nakatira ang amo ng tatay ko.
Narinig ko iyong pag click sa pintuan ng kotse hudyat na lalabas na ito. Pero bago pa ito tuluyang lumabas tumikhim muna ito at may sinasabi.
" Thanks Mang Lito ingat kayo. By the way Lito, you didn't tell me na may maganda dilag ka pala." wika nito na tuluyan ng bumaba sa kotse.
Nagkatinginan kami ni tatay. Humahagalpak naman ito ng tawa. Kainis naman itong tatay ko pinagtatawanan pa ako.Habang ako heto hindi na makapagsalita sa subrang hiya. Tiningnan ko pa nga ang mukha ko sa salamin parang hinog na kamatis sa subrang pula. Pakiramdam ko sa mga oras na ito umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.
Nagpapadyak siya sa upuan. " Tay naman eh, gusto kong magtampo sayo." wika ko na hindi ko mawari kung iiyak nalang ba ako o tatawanan ko nalang. I'm so embarrassed this time. Kung kwento ko ito kay Mich malaman pagtatawanan din ako 'nun kaya 'wag nalang.
" Nak, okay lang iyan. Mabait naman ang amo ko." natatawa parin nitong wika.
" Hindi naman iyan ang ibig kong sabihin 'tay eh. Hindi mo man lang ako sinabihan na kasabay pala natin ang boss mo." nakanguso ko ng sabi.
" Sorry nak nakalimutan kong sabihin saiyo kanina. Huwag kanang magtampo sinabihan ka nga niya na maganda ka."
" Tay....." halos pasigaw na niya. Napuno ng halakhak ang loob ng sasakyan.
Natatawa nalang din ako sa sarili ko. Hanggang ngayon naramdaman ko parin ang pag-iinit ng magkabilang-pisngi ko.
Shemay, ang gwapo naman ng boss ng tatay ko.
" May asawa na ba iyong boss niyo po tay?" hindi ko mapigilan na tanungin ang tatay ko.
" Single pa si sir Luke,anak. Walang time iyon sa mga babae." nakangiti naman sagot ng tatay niya.
Sa gwapong iyon single pa? Ano raw walang time sa babae? kahit hindi ko pa nakita ang buong mukha nun pakiramdam ko ang hilig nun sa mga babae. Tatay ko talaga niloloko lang ako.