Episode 1
Riley's P. O. V.
I was driving carelessly. I don't care what might gonna happen to me.. After all I have nobody. The only woman I wanna spend the rest of my life has cheated on me. My family wasn't proud of what I've done. Hindi ako tulad ni Kuya Charlie, matalino, madiskarte at masunurin na anak. Achiever, talented at huwag na natin isama ang looks dahil may lahing Espanyol ang Dad namin. Matangkad, ang kulay ng balat namin iyong sakto lang manly ala Richard Gomez . Tall dark and handsome. lahat napapalingon kapag napadaan siya.. Pati bakla napapatili, kumbaga total package.. Kamukha ni Kuya si Dad ako naman kamukha ni Mama. Hindi naman masama ang loob ko kay Kuya lumaki kaming close hanggang pumunta siya ng U. S. para doon mag aral..
Paminsan minsan dinadalaw ko naman siya doon. Pero kailangan pa niya magstay ng matagal doon para sa expansion ng business nila at malapit na niya maibigay ang pangarap nila Daddy. Nakipagmabutihan siya sa anak ng pulitiko dun para lang makapagpatayo ng business kahit alam ko labag sa loob niya. Ako? Natupad ko na rin ang pangarap ko pero hindi masaya si Dad kasi ang gusto ko ang sinunod ko at hindi ang gusto niya. Kaya parang sumpa ako sa pamilya namin ganun lagi ang pakiramdam ko, simula pagkabata namin lagi si kuya ang apple of the eye nang lahat. Habang ako nasa sulok tahimik naghihintay na may makapansin. Kung buhay lang sana si Mama sigurado ako anuman ang gusto ko maging susuportahan niya ako. Di kaya ay sana may kapatid akong babae para mahingahan ko ng sama ng loob.
I attempted suicide twice before but it wasn't successful. First nag overdose ako pero nagising pa rin ako siguro kulang pa iyong nainom ko. The last one I tried to drown my self but still hanggang ngayon humihinga pa ako. God bakit po kasi maaga mo kinuha sa akin ang superhero ko. Nausal ko nalang bigla habang patuloy parin sa pagmamaneho. Lahat ng galit at sakit ng loob ko sa manibela ko binubuhos. Magpahanggang ngayon malaki na kami ni kuya, siya ginawa niya ang gusto ni Daddy. He make him "the proudest dad in the whole wide world". I smirked at the thought.
This is one of the worst day of my life. Pinatawag ako ni Daddy sa mansyon akala ko babatiin nya ako dahil sa sariling sikap bilang part time sa pagmomodel at full time employee ng sariling company ni Dad.. Haha yes employee dahil nagsimula ako sa baba I've been a receptionist, parang ayaw pa nga niya parang mas gusto niya magsimula ako sa pagiging janitor.. tinransfer sa H. R. Department, ngaun medyo maganda ang pwesto ko dahil nilagay ako sa marketing department nasa clothing line ang business ng Family namin ginagamit lang nila ang mukha ko kasi sabi ni Daddy natutulog kasi ang utak ko buti nalang napakinabangan pa ang mukha ko. Ouch! Sapul! It broke my heart into pieces lalo na pagbumuka ang bibig niya at ang comment patungkol sa akin. Kapag may mga meetings, parties or gatherings na nagaganap lagi niya ako pinapahiya.. Which is parang nakasanayan ko na kumbaga kumapal na ang mukha ko sa dalas ba naman gawin at iparinig sa akin sino ba ang hindi masasanay? Nakapagbukas ako ng sarili kung fitness center. I want to hear the same line he used to say to Kuya. That I make him "the proudest Dad in the whole world. Pero hindi pala ako'y nagpadala sa maling akala.. Kanta na umaalingawngaw sa utak ko.
Pinatawag niya ako para utusan na i-date ang anak ni tito Manolo, kaibigan siya ni Dad at sabi pa niya kung kaya kong mapa-oo ng mabilis para mapabilis din ang merger ng business nila, nasa shoe industry sila tito Manolo. Winner nga naman kapag pinagsama ang negosyo nilang damit at sapatos. Pero hindi ko talaga masikmura makepagrelasyon dahil lang sa business. Hindi iyon masaya I'm sure. My phone beeps, nagmessage si Ate Leia she's a model siya ang nagpasok sa akin sa agency niya bilang model pinsan namin anak ng kapatid ni Dad..
"Pinatawag ka daw ni Tito.. Anong balita?.. hang in there just like what I'm doing, alam ko matatag ka mana ka kaya sakin(smile emoji). Binaba ko ang phone.. I didn't bother to reply. Pagod na ako maikumpara ky Kuya.. I want to end it here, now.. Maluwag ang daan its 1:55 A. M. Walang gaanong makakapansin sa gagawin ko. Masakit man isipin na puro bali at mabasag ang bungo ko di ko rin naman na iyon mararamdam..
"See you soon Ma". Pinikit ko ang mata ko nang dumilat ako after a couple of minute I saw someone running, she got my attention, yeah she I guess because she have a long hair and that's all I can see because of my speed nagtaka ako walang tao ang magtangkang maglakad dito sa ganitong oras papuntang coastal area ito at maliban sa kanya wala na akong nakita pang ibang tao.. I lessen my speed until I stopped. Umatras ako wala namang sasakyan sa likuran ko. What am I doing? Malapit na ako sa sea wall..
What about my plans, maybe there's always be a second time?.. I saw her, bumaba ako ng kotse i approached her "Miss ayos kalang?" but she didn't bother to answer. Judging here looks she is a total mess.. Punit ang kabilang manggas ng white T-shirt niya at may dugo. May malaking print sa harap ng suot niya"P. E", magulo ang buhok, yakap yakap ang sarili and i know she is crying and trembling.. "Are you ok? Huminto siya halata ang takot sa mukha hinawi niya ang konting buhok na nakatabing sa mukha niya.. "T-tulongan nyo po ak-".. Oh F*ck! She passed out.. Buti na lang malapit ako sa kanya nasapo ko ang ulo nya bago tumama sa semento. Binuhat ko siya papasok sa kotse and saw my phone ringing si Ate Leia ang tumatawag.. I take the call "where are you?..hindi na niya natapos ang sasabihin "Ate I need your help".