Charlie's P. O. V. Isang linggo nang nailibing ang kapatid nang kaibigan Ehra pero parati pa rin niya itong binibisita. "Babe please try to understand me. I've been in this situation before alam ko ang hirap. Nagsuicide pa nga ako." Katwiran niya nang minsang pinuna ko siya sa madalas na pagpunta niya sa bahay nila Aaron. "Baby baka kasi malipat ang attention mo sa kanya tapos makalimutan mo na ako". Nasa condo ko siya ngayon dahil, nagrequest ako nang tanghalian sa kaniya. Para-paraan lang para masolo ko siya. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa at nakahilig ang ulo niya sa balikat ko. "Ano ka ba malayong mangyari iyan noh! Ganito na lang para mapatanag ka. Manunumpa ako." Tumayo siya at nilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. "Ako si Emerald Bautista nanunumpa na ikaw Ch

