Maaga akong nakauwi sa palasyo kaya nakahinga ng maluwag si Ilaria nang makita ako. Pero kahit nakauwi na ako dito sa palasyo ay hindi ko pa rin mapigilang maging matamlay. Hindi muna ako pinayagan ni Callum na bumalik sa Ravenia dahil delikado. Madalas nang lumalabas ang dark king at hindi na niya ito nakokontrol kaya para makaiwas sa gulo ay hindi niya muna ako pinayagan na pumunta doon. “Aislinn!” napatingin ako kay Ilaria nang makapasok ito sa aking kwarto. “Bakit?” “May problema.” Napatayo agad ako at napalabas sa aking kwarto. Pumunta agad ako sa throne hall at nakita ko kaagad si Seven na kausap ang general. Mabilis akong lumapit sa kanila. Napasulyap sa akin si Seven. “What happened here?” Bahagyang yumuko ang general upang pag galang sa akin.

