“Brigantia.” Pagtawag ko sa kanyang pangalan. Pinalabas ko muna si Ilaria sa pavilion upang makausap si Brigantia ng pribado. Hindi ko akalain na magpapakita siya sa akin ngayon. “I heard your cry, Queen Aislinn. Hindi naman ako masamang nilalang kaya nakipagkita na ako sa iyo. May kailangan ka ba sa akin?” nakangiti niyang sabi. Ang ganda ganda niya talaga. Para siyang anghel kapag nakangiti at hindi mo kayang magalit sa kanya kasi sa isang ngiti niya pa lang ay tunaw ka na. “Gusto ko malaman kung paano maalis ang dark king sa katawan ni Callum. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. Magkaiba ang lalaking minahal ko sa dark king.” Tumango siya at muling ngumiti. “Maaga mong nalaman ang katotohanan, Queen Aislinn.” “I want to help Callum, Brigantia.” Ngumiti si

