“Callum!” sigaw ko at tinulak siya palayo. Masama pa rin ang kanyang tingin sa akin ngayon. “Ano bang ginagawa mo dito?! Umalis ka na!” galit kong sabi at pinalabas ang aking kapangyarihan sa aking kamay. Napatingin naman siya dito. “Are you going to hurt me with your power? Kaya ka din ba nagpakasal sa lalaking ‘yun kasi hindi mo na ako mahal?!” “What are you talking about?! Mind your own business, Callum! We’re already done!” Aakmang aalis na ako nang mahawakan niya ang aking braso at mas nilapit pa ako sa kanya. Itutulak ko na sana siya ulit nang mahigit niya ang aking baywang at mas idinikit ako sa kanya. “Callum, ano ba!” “Aislinn…” Natigilan ako nang marinig ko ang kanyang malambing na boses. Nakayuko siya ngayon at hinay-hinay akong tinig

