“Aislinn, magpahinga ka muna.” Sabi ni Ilaria ng makita akong humihikab habang nakaupo sa throne hall habang nagbabasa ng papeles na binigay sa akin ng aking sekretarya. Akala ko sa mga palabas ko lang makikita itong mga nakakalat na mga papeles at akala ko sa opisina ko lang makikita ito, pati pala sa palasyo?! “Okay lang ako, Ilaria. Maaga lang ako nagising kanina kasi may pinuntahan ako.” Sabi ko at ngumiti sa kanya. Hanggang ngayon ay nag a-adjust pa rin ako sa aking pagiging reyna. Hindi na ulit nagparamdaman si Callum at ang mga Ravenian. Pero kinabahan pa rin ako sa pinadalang sulat ni Callum sa akin. Wala akong sinabihan na iba kahit kay Ilaria o kay Seven at Dom man. “Mahal na reyna, gustong kayong makausap ni Madam Lucresia.” Lapit sa akin ng isang kawal.

