Mag ga-gabi na at malapit nang magpakita ang buwan. Nakapwesto na lahat ng mga kawal at mga ibang kasamahan namin sa kanilang mga iba’t ibang pwesto. May mga nakatago sa taas ng puno, mga pwesto sa harapan, sa mga tagong lugar, at sa likuran. “Paparating na sila!” sigaw ng isang kawal kaya nag handa na agad kami. Napatingala ako sa langit at nakitang nagpakita na ang buwan. Naramdmaan ko ang paghawak ni Seven sa aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. “Kaya natin ito.” Sabi niya at ngumiti sa akin. Tumango ako at ngumiti pabalik sa kanya. Napatingin kami sa harapan at nakitang papalapit na sila. Madami din ang mga Ravenian na paparating ngayon. Nakakatakot silang tignan lahat pero hindi dapat matakot sa kanila kasi tatalunin din naman naming sila lahat. Naningkit an

