Nangyayari na ang lunar eclipse ngayon at hindi ko mapigilang kabahan. Muli kong sinulyapan ang wala nang buhay na si Miaveria. Nagulat nang bigla nalang naging abo si Miaveria at nawala. Anong nagyari? Ganoon ba talaga kapag namamatay? “Aislinn.” Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses na iyon. “Callum!” mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “I missed you so damn much.” Sabi ko habang nakayap pa rin sa kanya. “I missed you too.” Bulong niya at hinalikan ako sa aking pisngi. Tinitigan ako ni Callum at hinaplos ang aking pisngi. Nakita ko sa kanyang mukha ang lungkot at pagkamiss sa akin. Napunta ang kanyang tingin sa aking tiyan at nakita ko ang pagkagulat ng kanyang mukha. Napakurap siya sa kanyang mga mata at muling napatingin

