The goodbye “Mahina ka, Aislinn. Hinding-hindi mo ako matatalo! Papatayin na kita!” Ramdam ko na ang aking pamumutla at hirap na talaga ako sa paghinga pero pinipilit ko pa rin na mahawakan ang balikat ni Callum. Nang mahawakan ko ito ay agad kong pinalabas ang aking kapangyarihan upang makawala sa pagsakal niya sa akin. Nabitawan niya ako at malayo ang kanyang binagsakan. Napahawak ako sa aking leeg at huminga ng malalim. Nang maging maayos na ang aking paghinga ay agad kong hinanap ang aking sandata at nang mahanap ko ito ay dali-dali kong kinuha at umatake kay Callum. Mabilis din siyang nakatayo habang dumudugo ang kanyangnoo at ang kanyang braso. Hindi ko mapigilang mag-alala habang nakatingin sa mga sugat niya pero lagi kong iniisip ngayon na hindi si Callum itong kaharap ko nga

