````
Dahil matagal silang hindi nagkita na magkaibigan, halos nagyakapan at maiyak sa tuwa.
“Sa wakas nakita rin kita.” Naiiyak na sabi Selene, nang maghiwalay sila sa pagkakayakap.
“Kamusta ka, anong ginagawa mo dito sa maynila?” Tanong ni Faeleen sa kaibigan, umupo silang dalawa dahil pa-out na rin naman siya sa part time niya.
“Nagtatrabaho syempre, ako lang ang inaasahan ng umampon sa akin.” Pagsisinungaling niya sa kaibigan, hindi pa siya handang sabihin ang totoo. Nagulat naman si Faeleen dahil sa nalaman, wala siyang ibang alam kay Selene kundi ang ama nito ay nandito sa maynila. Hindi niya akalaing dumating sa pinto na pina-ampon ito.
“Ikaw kamusta ka dito sa Maynila? Alam mo naiinis ako sayo dahil hindi ka man lang nagpaalam sa akin bago umalis!” Dagdag niyang sabi kay Faeleen, bumuntong hininga naman siya.
“Biglaan ang aking pag-alis at saka alam mo naman kung anong sitwasyon ko sa mansyon.” Sagot ni Faeleen sa kaibigan.
“Just kidding, okay lang yon ang mahalaga ay nakaalis ka na sa mala impyerno mong buhay.” Nakangiti niyang sabi, nagkibit-balikat naman si Faeleen.
“Parang hindi, kasi sa akin nakatira sila Addison at tita Barbara.” Nagsalubong ang dalawang kilay ni Selene dahil sa sinabi ng kaibigan.
“What? Bakit ang kapal naman ng mukha ng mag-ina na yan! Don't tell me ikaw pa ang bumubuhay sa kanila?” Galit niyang tanong sunod-sunod namang tumango si Faeleen. Malutong na napamura ang dalaga, binatukan niya si Faeleen dahil sa gigil.
“Nanggigigil ako sayo! Sa sobrang bait mo inaabuso ka na!” Mataray at galit niyang sabi.
“Huwag na natin pag-usapan yan, ano pala ang gusto mo libre ko?” Tanong niya kay Selene, napataas naman ng kilay ang dalaga.
“Sige na nga, itong sisig tapos isang rice.” Turo niya agad namang tumayo si Faeleen sa kinauupuan at nagtungo sa counter para ibigay ang order.
Nakatingin lang ang dalaga kay Faeleen, sa nakikita niya’y mukhang masaya naman ito. Huminga naman siya ng malalim bago nagsalita.
“Wala namang nagbago, ganyan pa rin siya noon kahit may problema na.” Mahina niyang sabi, umayos siya sa pagkakaupo dahil palapit na si Faeleen.
Sinabayan na niyang kumain si Selene, maaga siyang pumasok ngayon sa trabaho dahil mamayang alas dos pa ang klase niya hanggang alas syete ng gabi.
“Dito ka na ba nagtatrabaho?” Tanong ni Selene bago sumubo.
“Part time job ko lang, nag-aaral pa kasi ako. Kailangan kong magsipag, wala naman akong ibang aasahan kundi sarili ko lang.” Nakangiti na sagot niya sa kaibigan.
Napatango naman si Selene, dahil working student pala ang kaibigan niya tapos May binubuhay pang mag-ina.
Naging masaya naman ang kanilang pag-uusap, iniwasan na niyang mapag-usapan yung malungkot nilang buhay noon.
Dahil may kanya-kanya pa silang lakad, pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na siya.
“Sa ibang araw na lang tayo mag-usap, here ang cellphone number ko tawagan mo ako kung day off mo.” Isinulat niya sa maliit na papel at binigay kay Faeleen.
“Sige, ingat ka.” Nakangiting sabi nito, tumango naman si Selene bago tuluyang lumabas ng restaurant.
Kailangan na niyang bumalik sa apartment para tingnan ang kanyang target if nasaan na ngayon.
Pagdating niya sa apartment agad na binuksan ni Selene ang laptop. Natutunan niya sa ina kung paano gumamit ng computer. Lalo na sa pag-hack, dahil isa ito sa trabaho ng kanyang ina sa spy agency. Dahil bata pa lang siya mulat na siya kung anong trabahong meron ang kanyang magulang.
Napataas siya ng kilay dahil nasa lumang building ang kanyang target. Agad kinuha ni Selene yung cellphone niya para tawagan ang kanyang kasama.
Sumagot naman ang dalaga. “Hello, may problema ba?” Agad na tanong nito kay Selene.
“Alam mo ba itong abandonadong building? Send ko sa'yo.” Seryoso na sagot ng dalaga, tinignan naman ‘to ng kasamahan niya yung kanyang senend.
“Dito nagkikita kapag may mga iba pa silang illegal transactions, malamang kagabi napag-usapan na nila ito.” Paliwanag sa kanya, napatango naman si Selene bago kinuha ang kanyang susi ng motor at helmet.
“Pupunta ako sa building na ‘to para malaman kung anong ginagawa nila.” Seryoso niyang sabi.
“Huwag kang pumunta dahil hindi pa natin alam kung ilan kalaban ang nandyan.” Agad naman pigil sa kanya.
“Paano malalaman kung hindi ko pupuntahan, wala akong ibang gagawin kundi tignan if anong nangyayari doon.” Pagmamatigas niya, dahil iba ang kanyang kutob. Parang may nagtutulak sa kanya na puntahan ‘to.
“Mag-message ako sayo.” Malamig niyang sabi bago ibaba ang tawag. Kinuha na ni Selene ang bag niya kung saan nakalagay yung kanyang mga gamit.
Desperada na matapos ang kanyang mission, lumabas si Selene mula sa kanyang apartment at sumakay sa kanyang motorsiklo, inilagay ang kanyang telepono sa lalagyan. Walang pagkaantala, pinaandar niya ang makina at umalis upang subaybayan ang kanyang unang target. Kumunot ang noo niya nang tumunog ang kanyang telepono, napatingin siya sa screen upang makitang if sino’ng tumatawag walang iba kundi si Mr. Tejones, nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil ipinaalam na agad ng kanyang kapareha kung anong plano nila.
Hindi niya sinagot ang tawag hinayaan lang ni Selene na kusang mamatay.
Pagkarating niya sa nasabing lugar, nag park siya katabi nitong building pinasok ni Selene ang kanyang motorsiklo para hindi makita ng kalaban.
Kinuha niya yung telescope sa kanyang bag, tinignan ng dalaga ang paligid may mga men in black na nagkalat. Sunod niyang tiningnan ang nangyayari sa loob ng building. Nakita niya doon yung lalaki kagabi, may mga baril na nagkalat sa mesa.
“Mukhang dito sila laging gumagawa ng ganito.” Mahina niyang sabi, ang gamit niyang telescope ay pwedeng mag captured ng pictures kaya iyon ang kanyang ginawa para may maipakita siyang ebidensya sa ama.
Muling tumunog ang kanyang cellphone kaya sinagot na niya ‘to.
“What the fvck are you doing Selene?!” Sigaw na tanong ng kanyang ama mula sa kabilang linya.
“Mission.” Tipid niyang sagot, lalo namang nanggalaiti sa galit ang ginoo.
“Mission? Na wala akong sinabi na pumunta ka? Club lang ang binigay ko sayo, doon ka gagawa ng hakbang! Yang ginawa mong kumilos ng walang pasabi, ano ka matagal na?!” Muling sigaw sa kanya ng ginoo.
“Ginagawa ko lang kung anong alam kong tama, ano ba ang ikinagagalit mo? Binigay mong mission ko ‘to ngayon gumawa ako ng hakbang, nagagalit ka? Ano ba ang mali sa ginawa ko?” Pabalik niyang tanong sa kanyang ama.
“Pumunta ka dito ngayon sa agency! Now, Selene!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Mr. Tejones sa kanyang opisina.
“May ibang grupo ang naka-assign dyan, hindi ka dapat nakikialam!” Dagdag na sabi niya, napataas ang kilay ni Selene bago ibaba ang tawag.
“So may access sila sa ibinigay nilang tracking device? Tuso!” Mahina niyang sabi, inis na inis siyang tumayo sa kanyang kinauupuan.
Walang nagawa si Selene kundi umalis sa lugar, ang mahalaga ay alam na niya kung saan matatagpuan at aware na siyang may access si Mr. Tejones sa tracking device.
Pagdating niya sa agency, malamig na tinignan ni Selene ang kanyang kasama sa mission napayuko naman ang dalaga.
Pagpasok palang ni Selene sa opisina ng kanyang ama, ay isang malakas na sampal na agad ang bumungad sa kanya.
Umigting naman ang kanyang panga dahil sa galit at naikuyom yung palad niya.
“Wala akong utos sayo na makialam ka sa trabaho ng iba!” Sigaw sa kanya ni Mr. Tejones. Nag-init agad ang kanyang tenga dahil sa narinig. Nanatili lang siyang tahimik, muling nagsalita ang kanyang ama.
“Ang tanging mission mo lang, manmanan sila sa club. Huwag kang masyadong magmadali Selene! Ilang linggo ka palang pero nagmamagaling ka na.” Muling sigaw sa kanya, hindi na kayang magtiis ng dalaga. Huminga ng malalim si Selene, dahil talagang nanggagalaiti na siya sa galit.
“Binigay mong mission sa akin tapos may iba pa palang nakahawak, edi sana sila na lang ang gumawa lahat. Ano naman kung baguhan ako? Iyon ba ang batayan dito? Alam natin pareho kung ano'ng kakayahan ko, pero ang mga binibigay mo sa akin mga walang kwentang mission. Paano ako matututo, sige nga? Kung ikaw mismo walang tiwala sa kakayahan ko! Ang misyon ko lang pala ay magpaka pókpok sa club, ganu'n?” Nanginginig sa galit niyang sigaw kay Mr. Tejones, talaga kumukulo na ang kanyang dugo sa gigil.
Muli siyang sinampal ng ginoo, this time hindi na nakapagpigil si Selene. Galit ang mga mata niyang tinignan si Mr. Tejones.
Akmang hahawakan na niya sana yung kwelyo nito at susuntukin nang hawakan siya ni Butler Billy. Napaatras naman ang kanyang ama.
“Bitawan mo ako, nakakadalawang sampal na siya sa akin!” Nagpupumiglas niyang sigaw. “Ang kapal ng mukha mong saktan ako! Ama lang kita pero wala kang kwenta at lalong walang karapatang saktan ako!” Muling sigaw niya, dumilim ang mukha ng ginoo habang nakatingin sa kanyang anak.
“Kumalma ka Miss Selene!” Mariin na sabi ni Butler Billy sa kanya bago siya bitawan, dahil sa galit ay sinipa ni Selene ang basurahan at hinampas sa pader yung isang halaman.
Doon niya binuhos ang galit na kanyang nararamdaman. Sumenyas naman si Mr. Tejones kay Butler Billy na hayaan lang ang dalaga.
Halos maiyak sa galit si Selene idagdag pa ang sama ng kanyang loob. Hindi tumigil ang dalaga hanggat may mahawakan siyang pwedeng ihampas sa pader.
Hingal na hingal siya dahil sa pagod, pinunasan niya ang kanyang luha.
“Tapos ka na ba?” Malamig na tanong ng ginoo, nanlilisik ang mga mata ni Selene na tumingin sa kanyang ama.
Napa-ayos ng wala sa oras ng necktie si Butler Billy, kung hindi niya napigilan ang dalaga siguradong madugong labanan yung nangyari dito sa opisina.
"Huwag ko lang malaman na pumalpak ang mga inutusan mo! Oras na nasayang ang effort ko sa misyong ito, pagsisisihan mo Welson!" Mariin na sabi ni Selene bago tinalikuran ang kanyang ama.
Paglabas niya ng opisina ay nakatingin sa kanyang ang ibang kasamahan sa trabaho.
Narinig kasi nilang may nabasag at sigawan sa loob.
Napa punas sa gilid ng labi si Selene dahil may nalalasahan siyang dugo.
"Damn it! Hindi pa ako tapos sa matandang yan! Baguhan pala hah, ako mismo ang sisira sa plano niyo!" Mariin niyang sabi bago sinuot ang kanyang helmet.
Lintik lang ang walang ganti Welson Tejones!
TO BE CONTINUED.