````
Napalunok ng sariling laway si Selene dahil sa sinabi ni Randy. Seryoso namang naghihintay ‘to na maghubad ang dalaga. Nagsalin siya ng alak sa kanyang baso.
“Ayoko ng naghihintay ako, akala ko ba gusto mo ang trabaho ‘to?” Muling tanong niya kay Selene, pagkatapos inumin ang alak.
Naikuyom ni Selene ang kanyang palad habang seryosong nakatingin kay Randy.
“Oo kailangan ko ‘tong trabaho pero wala akong balak i-benta ang aking sarili!” Taas noong sagot ni Selene, bago huminga ng malalim. Ngumisi naman si Randy, bago kinuha ang kanyang cellphone.
Biglang kinabahan si Selene dahil baka tumawag ito sa boss niya.
“Fine, gagawin ko na ang utos mo.” Walang pagpipilian na sabi ni Selene.
Pinatanong niya ang hawak niyang tray sa mesa, bago hinubad ang suot niyang pang i-taas. Bumungad kay Randy ang malusog na dibdib ng dalaga at abs nitong dalawa.
Matapos mahubad ni Selene ang kanyang uniform, tangging bara at panty na lang natira niyang saplot sa katawan.
Nanggagalaiti siya sa galit, dahil hindi niya lubos akalaing unang pasok palang sa trabaho ay kanyang katawan agad ang binabalandra nito.
Kahit nasa madilim ang binata ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Selene yung pagtaas baba ng Adams Apple ni Randy.
Napangisi siya dahil may naisip na kalokohan, lumapit si Selene sa binata kumunot naman ang noo nito.
Nagulat si Randy nang hilain ng dalaga ang kanyang necktie, pero hindi siya nag pahalata bumalik sa walang ekspresyon yung mukha niya.
“Ito naman ang gusto mo ‘diba?” Mapang akit na tanong ni Selene sa binata, akmang hahalikan niya si Randy nang buhatin siya nito at pinaupo sa kabilang sofa.
Mahina siyang natawa habang nakatingin sa binatang nakatayo na.
“Oh, anong problema? Ayaw mo bang halik lang?” Natatawa na tanong niya, inaayo ni Randy yung necktie nito bago talikuran ang dalaga.
“Bakla lang ang hindi naakit sa katawan ko, hmmm don't tell me sir lalaki rin yung gusto mo?” Mapang-asar na tanong ni Selene dahilan para mapahinto sa paglalakad ang binata at napatingin muli sa kinauupuan ng dalaga.
“Ganyan ba kababa ang tingin mo sa iyong sarili? Handang ibigay ang virginity mo sa kahit na sino? Desperada!” Malambing na sabi niya sa dalaga, umigting ang panga ni Selene susugurin na sana niya si Randy pero naalala niyang may mission siya dito.
“Desperada na kung desperada dito ko mabubuhay ang aking pamilya, bakit hindi?” Sagot niya bago pinulot ang kanyang uniporme, ngumisi lang si Randy bago tuluyang lumabas ng VIP room.
Kinuha ng dalaga ang alak at ibinato sa dingding, narinig iyon ni Randy bago siya tuluyang lumakad pababa.
Kahit galit at gusto ng manuntok ni Selene may pinili niyang maging kalmado at nakangiti pa rin.
Pag labas niya sa VIP room, nagpalamig muna siya sa likod ng bar kung saan ang break time area nila.
Ininom niya ang soft drink na naka-can, habang nakatingin sa malayo hindi kayang sikmurain ang ganitong klaseng trabaho.
“Fvck that man! Akala mo naman kung sino, oh sige gwapo na pero walang hiya lalaki rin ata yung gusto!” Inis na inis niyang bulalas sabay bato sa lata ng kanyang pinag-inuman.
Matapos ang five minutes break niya ay bumalik na siya sa loob. Inaabangan niyang lumabas ang kanyang target. Sinabi ng kasama niya ay wala pang lumabas sa dulong VIP room.
Nag-serve muna siya sa ibang customers, ang iba ay mga lasing na halos hubaran na yung babaeng katable nila.
Nilinisan niya na rin ang ibang mesa at upuan, pasimpleng napatingin si Selene sa itaas dahil nakarinig siya ng tawanan. Nakita niya ang isa sa lalaki na kanyang mission. Binuhat na ng dalaga yung tray at naglakad para makasalubong ang matanda.
“Good evening Sir, balik po kayo.” Nakangiting bati niya sa ginoo napatingin naman ang matanda sa kanya.
“Bago ka ba dito, ngayon lang kita nakita?” Tanong nito sa dalaga, nanatiling nakangiti si Selene.
“Opo, ngayon po ang start ng aking training.” Masigla at masaya na sagot niya, napatango naman ang ginoo. Napatingin siya sa kabuuan ng dalaga, lalo sa dibdib nito.
“Nice, here para sayo.” Inabutan siya ng dalawang libo, binitawan ng dalaga yung tray, At agad na kinuha ni Selene, hinawakan niya pa ang kamay ng ginoo at pasimpleng idinikit sa relo yung maliit na tracking device na galing sa singsing niyang suot.
“Maraming salamat po sir, may pambili na ako ng gamot. Mag-ingat kayo sa pag-uwi.” Pasasalamat niya sa ginoo, tumango naman ito bago tuluyang lumabas ng club. Inayos ni Selene ang kanyang sarili bago binitbit yung binitawan nitong tray kanina.
Nagkatinginan silang magkasama at ngumiti sa isa't isa. Hindi na siya mahihirapan kung saan hahanapin ang lalaki.
```
Matapos ang kanyang trabaho, naghihintay na siya ng taxing masasakyan. Saktong ala-una na ng madaling ang kanyang labas. Inaantok na rin siya dahil sa pagod.
Mas gusto niya pang mag-insayo kesa magtrabaho dito sa club. Dahil nahihirapan siyang makibagay lalo na makipag plastikan.
Nang may nakita siyang taxi na paparating agad niya itong pinara, pagkasakay niya’y sinabi nito sa driver ang kanyang address.
Nakatingin lang siya sa labas habang nasa biyahe. May hahanapin pa siya dito sa Maynila, ang kanyang nag-iisang kaibigan.
“Saan ba kita makikita Faeleen?” Mahina niyang tanong habang nakatingin sa labas.
Maya-maya pa'y nakarating na siya sa kanyang apartment, pagpasok nito ay agad niyang ibinagsak sa malambot na kama ang kanyang katawan.
“Hays nakakapagod kumita ng pera, kung maayos lang sana ang pamilya namin at hindi namatay si mommy. Hindi sana ganito ang buhay ko ngayon, nagtatrabaho sa club para lang sa walang kwentang mission!” Halos pabulong niyang sabi habang nakatitig sa kisame.
Naalala na naman niya yung nangyari kanina, halos umusok ang kanyang ilong dahil sa galit. Kung sino pa yung lalaking unang nakakita sa magandang katawan niya ay wala pa itong naging reaksyon. Effort na effort siyang mag-gym para mapanatili ang magandang hubog ng kanyang katawan tapos kanina hindi man lang naakit ang lalaking kinaiinisan niya.
“Humanda kang lalaki ka, araw-araw kitang aakitin tignan natin kung totoong lalaki ka nga ba o lalaki rin yung gusto mo, lintik lang ang walang ganti!” Sigaw niya dahil sa galit, bumangon na siya sa kama at naghubad ng damit. Sanay siyang matulog na Naka-bra at panty lang.
Tinignan niya muna ang tracking device na inilagay nito kanina. Gamit ang laptop ay, mabilis niyang nahanap kung saan ito ngayon.
Nakatira sa isang condominium ang ginoo, pag-iisipan niya kung ano’ng susunod hakbang.
Hindi na niya pwedeng patagalin pa dahil tatlo iyon at dapat bago matapos ang linggong ito namatay na silang lahat.
Napatingin siya sa kanyang cellphone isang unknown number ang tumatawag.
Sinagot niya ito pero hindi agad nagsalita.
“Ako ito yung kasama mo sa mission, ano ang susunod nating plato babalik pa kaya siya bukas?” Pagpapakilala at tanong niya kay Selene.
“Magkita tayo bukas sa restaurant malapit sa agency, doon natin pag-usapan ang susunod nating hakbang.” Malamig na sagot ni Selene.
“May dalawa pang target, at hindi pa nagpapakita. Sino ang nakatoka bukas ng gabi sa VIP room na iyon?” Dagdag na tanong ni Selene sa kasamahan.
“Yung mataray na babae, iyon yata ang pinaka-head doon mayabang kung mag-utos eh.” May pagkairita niyang sagot, napataas naman ng kilay si Selene.
“Dapat palitan ko iyon pero mukhang malabo dahil baguhan lang tayo.” Seryoso niyang sabi. “Bukas na natin to pag-usapan magpahinga na ako.” Paalam niya dahil inaantok na talaga siya.
Maagang nagising si Selene, habang naggagayak siya at magkikita sila ng kasama niya sa mission may natanggap na message ang dalaga. Galing ito kay Butler Billy, pinapapunta siya sa agency dahil may importanteng sasabihin ang kanyang ama.
Kinuha na niya ang Helmet at lumabas ng kanyang apartment. Pagkasakay at nang mabuhay na niya ang makina ng motorsiklo, pinaharurot na ni Selene paalis.
Pagdating niya sa agency, agad siyang nagtungo sa opisina ng ama. Kumatok muna siya bago pinihit ang doorknob.
"Kamusta ang unang araw mo sa mission?" Tanong agad ni Mr. Tejones sa kanyang anak, napairap ang dalaga dahil mission agad.
Napatingin siya sa isang babae, iyon yung kasama niya sa mission.
"Anong susunod niyong hakbang?" Muling tanong ng ginoo, nagkatinginan silang dalawa tumango ang dalaga kay Selene.
"Alam ko na kung saan siya nakatira, bali ang gusto kong mangyari habang abala ako sa taong iyon siya naman yung bahala sa dalawa. Maglalagay lang siya ng mga tracking devices, ako na ang papatay sa kanila."
Seryoso niyang sagot sa ama, pinagpapawisan naman ang kasama ni Selene dahil wala man lang kagalang galang kung 'to'y sumagot .
"Kung hindi babalik mamaya ang lalaking kagabi, wala akong choice kundi puntahan siya sa condominium nito." Muling sabi niya, walang mangyayari kapag dalawa silang nasa club. Dapat isa sa kanila ay gumawa ng ibang hakbang. Ayaw niyang pumalpak, dahil may gusto siyang patunayan sa ama.
"Tuwing gabi may transaction sila so aasahan niyong nasa club lang ang tatlong iyan. Kailangan niyo rin alamin kung sino ang pinuno ng nasa transaction na 'yun!" Seryoso na sabi ng ginoo sa kanila, napataas naman ng kilay si Selene.
"Okay, kami na ang bahala sa kanila." Malamig niyang sabi habang nakatingin sa ginoo. Napapalunok na lang ng laway ang kasama ni Selene, dahil mukhang mapapahamak pa siya.
"Hintayin mo na lang ang report namin, sana huwag kang lagi nagpapunta dito sa amin. Baka mamaya nasa paligid lang ang kalaban, malaman nila ang tunay kong pagkatao." Dagdag na sabi ni Selene bago talikuran ang ama.
"Ikaw, magkita na lang tayo sa club mamaya." Aniya sa kasamahan bago tuluyang lumabas ng Opisina.
"Makakain na lang sa restaurant." Mahina niyang sabi bago sumakay sa kanyang motor at tumawid sa kalsada.
Pagparada niya ng motorsiklo ay agad na siyang pumasok sa loob ng restaurant. Agad namang may lumapit sa kanyang waitress.
"Good morning ma'am, ano po ang order nila?" Tanong ng isang babae, napatingin si Selene sa waitress nagulat siya nang makilala ang babaeng nasa kanyang harapan.
Hindi alam ni Selene kung anong mararamdaman niya, napakunot naman ng noo ang waitress. Dahil parang namumukhaan niya kung sino ang kanyang customer ngayon.
"Faeleen/Selene?!"
TO BE CONTINUED.