````
Dahil sa muling pagkikita ng dalawa, at nalaman ni Randy na dito nagtatrabaho ang dalaga. Nagkaroon siya ng ideya para pagtripan si Selene, pumasok ito sa opisina ng kaibigan.
“Oh sakto nandito ka, may dalawang bago na waitress.” Nakangiting sabi ni Kevin bago ibigay ang resume.
Agad namang kinuha ni Randy at tinignan kung anong pangalan ng babaeng lagi niyang nakakaaway.
Napangiti siya binalik niya kay Kevin ang resume ni Selene.
“Yang babae na yan ang maghahatid ng inumin ko mamaya doon sa taas.” Seryoso niyang sabi, napangisi naman si Kevin.
“Type mo?” Tanong niya kumunot ang noo ni Randy.
“Hindi, pahihirapan ko lang.” Malamig niyang sagot, para kahit papaano ay makaganti siya sa dalaga.
“Sèxy yan si Selene sa personal.” Nakasingi na sabi niya sa kaibigan pero malamig lang siyang tinignan ni Randy.
“Dalawang vip room ang i-reserved mo para mamaya.” Pagkasabi iyon ni Randy ay lumabas na rin siya sa opisina ng kaibigan.
Napailing na lamang si Kevin bago nag-message sa isang waitress na linisin ang dalawang VIP room para mamaya.
Paglabas ni Randy sa club, agad siyang nilapitan ng dalawa niyang tauhan.
“Boss, galing si Rojas kay Tejones mukhang nagtutulungan na naman ang dalawa.” Balita sa kanya, hindi na nagulat si Randy.
“Kahit pa tatlo silang magtulungan, hindi nila ako mapapabagsak. Pasabugin niyo ang isang restaurant ni Rojas!” Malamig na utos ni Randy, dahil hindi siya titigil hanggat walang binabayad si Adler sa kanya. Naging maayos ang kanilang pag-uusap pero ginago lang siya.
“Yung ginagawa palang na restaurant niya para hindi pa nakapag simula lugi na.” Dagdag niyang sabi bago sumakay sa kanyang kotse.
Sakto namang tumunog ang kanyang cellphone, tinignan niya if sino yung tumawag. Hindi alam ni Randy kung sasagutin niya ba, dahil ang kanyang lolo yung nasa kabilang linya.
Huminga mo na ng malalim si Randy bago ito sagutin.
“What?” Malamig niyang bungad sa matanda.
“Kailan ka pupunta dito Randy?” Seryoso na tanong ng ginoo.
“Hindi ko pa alam, puno ang aking schedule ngayon. May inutos sa akin si Holland, ano ba’ng sasabihin mo?” Pabalik niyang tanong, narinig ni Randy ang pag buntong-hininga ng kanyang lolo.
“Tungkol ito sa mapapangasawa mo, makikilala muna siya pwede ka naman siguro sa Linggo?” Muling tanong sa kanya.
“Ilang beses ko na sinabi sa inyo, kung tungkol ito sa pag-aasawa huwag mo ng asahang pupunta ako.” Galit na sagot ni Randy.
“Para ito sa ating kumpanya, kung hindi talaga mag-work ang pagsasama niyo pwede kang makipaghiwalay.” Agad na sagot ng ginoo. Ilang beses na nilang pinagtatalunan ito pero lagi pa ring pinagpipilitan ng kanyang lolo.
“Sana i-respeto mo din ang desisyon ko, hindi na ako natutuwa sa iyong ginagawa. Wala akong pakialam sa mga tao na yan, alam mo rin kung anong pagkatao ko. Pero paulit-ulit ka na lang!” Prangkang sagot niya bago ibaba ang tawag, wala siyang panahon sa mga kalokohan ng kanyang lolo.
Binato niya ang kanyang cellphone bago binuhay yung makina ng sasakyan niya. Hindi big deal sa kanya ang mana na makukuha. Dahil kaya niya namang ang kanyang sarili, mataas masyado yung pride ni Randy dahil marami siyang gustong patunayan.
``
Habang si Selene, pagdating sa kanyang apartment diretso siya sa kusina dahil may binili itong makakain. Wala siyang alam pagdating sa pagluluto kaya lagi ‘tong bumibili.
Nang maihanda na niya ang kanyang pagkain, pumunta siya sa sala para manood ng teleserye habang kumakain.
Nasa magandang part na siya ng pinapanood niyang drama nang may kumatok sa pinto. Napatingin doon si Selene, tumayo siya at naglakad palapit sa pinto para buksan.
Pagbukas niya ay agad dumilim ang kanyang mukha, dahil yung taong kumatok ay walang iba kundi ang pangalawang asawa ng ama nito.
“So, totoo ngang nandito ka na at pinatira ka ng iyong ama sa ganitong lugar. Deserved mo naman.” Mataray nitong sabi, ngumiti naman si Selene bago nagsalita.
“Baka nakakalimutan mong galing ka rin sa ganitong lugar baka nakatapak sa tiles. Huwag kang mag-alala dahil balang araw ibabalik kita sa pinanggalingan mo.” Malamig na sabi si Selene, umpisa palang ay hindi na sila magkasundong dalawa.
Malakas na tumawa ang ginang habang nakatingin kay Selene, wala namang ekspresyon yung mukha ng dalaga.
“Nahihibang ka na naman Selene, kahit kailan hindi na yan mangyayari. Alam mo kung bakit? Kung talagang mahal ka pa ng iyong ama, hindi ka dito ilalagay. Pwede namang condo, sa laki ng perang kinikita niya. Sa ganitong lugar ka lang itinapon, tapos nagtatrabaho ka pa sa agency. Bakit hindi mo na lang tanggapin na wala ng pakialam ang Tejones sayo. Kung ako sayo babalik na ‘ko sa probinsya.”
Mapang-asar niyang sabi sa dalaga, lalo namang dumilim ang mukha ni Selene.
“Bakit ako babalik? Natatakot ka bang baka balang araw sa akin pala mapupunta lahat ng mana? Yung inaasahan mo para tuluyang magbago ang iyong buhay. Sabihin natin asawa ka, baka nakakalimutan mong anak niya pa rin ako. At ako ang panganay na apo ng Tejones, nakalimutan muna ba yung sinabi. Ang unang apo ng Tejones ay mas malaki ang makukuhang mana? Kaya tigilan mo ako, hindi ka nababagay sa ganitong lugar lalong umaalingasaw ang bago dito!”
Hindi nag patalong sagot ni Selene, wala sa kanyang bokabularyo ang salitang magpatalo.
“Umalis ka na, baka tuluyang mag-dilim ang paningin ko sayo! Huwag mo ng susubukang bumalik dito, sasabihin ko sa asawa mong ginugulo mo ang mission ko rito. Alam mo kung paano siya magalit, ‘di ba?”
Hindi nakapagsalita ang ginang, tiningnan niya ng masama si Selene bago ito talikuran.
Napataas naman ng kilay si Selene bago sinara ang pinto. Nawalan na siya ng ganang kumain at manood.
Dahil alas sais ang kanyang pasok, naligo na siya para magbibihis na lang ‘to mamaya.
Nakahiga lang sa sofa si Selene, nakatingin sa kisame hinihintay na mag five-thirty para makagayak na siya.
Pagtunog ng kanyang alarm clock ay agad na siyang tumakbo papunta sa kwarto para magpalit. Matapos ay, nag-retouch na siya ng kanyang make-up.
Kinuha na niya ang kanyang bag bago tuluyang lumabas ng apartment. Magta-taxi siya hindi pwedeng mag-motor baka makita nila ay mag hinala pa ang iba niyang ka-trabaho.
Pagdating niya may sumalubong sa kanyang babae.
“Ikaw yung bagong isa ‘di ba? Sumunod ka sa akin dahil ikaw ang naka-assign sa isang VIP room.” Seryoso niyang sabi na naging dahilan para napakunot ng noo si Selene.
“Ayusin mo lang dahil training ka palang, yung ibang bago dito hindi pumasa dahil hindi nagustuhan ng lalaking nasa loob ang kanilang service.” Kwento ng babae sa kanya, bigla naman siyang kinabahan baka iyon pa ang maging dahilan para masibak siya.
“Ito ang uniform mo, magpalit ka na dahil nag-o-open na tayo mamaya. Maraming tao ngayon.” Kinuha niya ang uniform at pumasok sa isang kwarto para doon magpalit.
Hindi maalis sa isipan niya ang taong nasa VIP room. Ngayon lang siya kinabahan, dahil importante ang mission na ‘to.
Paglabas niya ay may mga tao na rin, tumingin siya sa paligid. Muli siyang napatingin sa pinto dahil bumukas ito, sumingkit ang kanyang mata dahil nakilala niya yung lalaking pumasok. Isa ito sa mission niya.
“Huwag kang masyadong magpahalata, dahil bawat sulok ng club may cctv.” Seryoso na sabi ng babaeng lumapit sa kanya, napatingin naman si Selene.
“Mainit sa mata nila ang gaya natin, kaya ingatan mo bawat kilos at dahilan para paghinalaan kang spy.” Muli niyang sabi bago iniwan si Selene, lumapit na siya sa babaeng sumalubong sa kanya kanina.
“Oh nandito ka na pala, here yan ang order sa 00 VIP room.” Ibinigay kay Selene yung tray na may Red wine, Chivas Regal at pulutan na sisig.
Habang paakyat siya sa hagdan ay lalong bumibilis ang t***k ng puso ni Selene. Kailangan na niyang matapos dito dahil nandito sa loob ng club ang kanyang target.
Pagdating niya sa 00 VIP room kumatok muna siya bago pinihit yung doorknob. Medyo madilim sa loob kaya hindi niya masyadong kita ang mukha ng lalaking nakaupo sa sofa.
“Good evening sir, ito na po ang order mo.” Masiglang bati niya habang may mga ngiti sa labi.
Napataas naman ng isang kilay si Randy, dahil ngayon lang niya nakitang nakangiti ang dalaga at malambing yung boses nito.
Dahil kanina ay ang tapang at laging seryoso yung mukha.
“Nagmumukha ka palang tao kapag nakangiti” Malamig niyang sabi, dahilan para huminto si Selene sa kanyang ginagawa at tiningnan ang lalaki.
Gusto niyang magmura nang makita ang lalaking malas sa kanyang buhay. Kahit kumukulo ang dugo niya ay ngumiti lang siya.
“Ikaw pala, enjoy your ME time, Sir!” Nakangiti niyang sabi naalala ng dalaga ang sinabi ng babae kanina.
Ngayon naiintindihan na niya kung bakit nasisibak sa trabaho ang ibang waitress. Kaibigan ng boss nila ang pagsisilbihan niya.
Tinalikuran na niya si Randy, at akmang lalakad na siya nang magsalita ito.
“Gusto mo ang trabaho ito ‘di ba?” Malamig niyang tanong sa dalaga, napatingin naman si Selene at tumango bilang sagot.
“At kailngan mo ng pera para sa iyong ama?" Muli niyang tanong, napalunok ng sariling laway si Selene ngayon lang siya kinabahan.
Ano bang problema niya? Aniya sa isipan mahina namang tumawa si Randy dahil nababasa niya ang isipan ng dalaga.
"Anong problema ko? Gusto ko lang malaman kung totoong kailangan mo ang trabahong 'to. Dahil una sa lahat, duda na ako sayo, maganda yung motor na ginamit mo at hindi basta lang na motorsiklo."
Seryosong sabi ni Randy habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.
"Hindi ba pwedeng hiniram ko lang iyon sa aking kaibigan? Dahil nung araw na iyon inutusan akong bumili." Sagot niya hindi alam ng dalaga kung lulusot ito. Mabuti na lang at natapat na puro alak lang ang binili niya.
"Okay." Tipid na sabi ni Randy, nakahinga naman ng maluwag ang dalaga. Dahil akala niya ay mabubuking na agad siya, isa lang dapat niyang gawin iwasan ang lalaking nasa harapan niya.
"Take off all of your clothes in front of me!"
TO BE CONTINUED.