*Randy’s Pov* __ Nandito ako ngayon sa bodega, tinitignan isa-isa ang mga baril na dahil mamaya sa transaksyon building. Kailangang maayos lahat ng baril para hindi magkaroon ng problema mamaya. “Yung ibang baril ba naihatid niyo na?” Tanong ko sa aking kanang kamay, wala akong ibang pinagkakatiwalaan kundi siya lang. “Yes boss, nandoon na rin ang ibang tauhan para magbantay. Baka kasi may umaaligid na namang kalaban.” Agad na sagot niya napatango naman ako. “Itong mga nasa kabilang mesa, sa araw ng transaksyon niyo ito ihatid. Mas mabuti na yung nag-iingat tayo, masyadong tahimik ang dalawang kalaban. Wala akong nasasagap kung ano'ng kanilang plano, kaya maging alerto na lang tayo.” Seryoso ko na sabi sa kanya bago talikuran. “Alam mo na ang dapat gawin, yung ibang tauhan sa labas

