*Selene's Pov* __ Madilim ang mukha kong pumunta ng Agency, pinatulog ko muna yung bata sa aking apartment. Mamaya ko na siya kakausapin dahil wala itong ibang ginawa kundi ang umiyak. Paglabas ko ng elevator ay agad akong nagtungo sa kanyang opisina. Kakatok na sana ako pero napansin kong nakabukas ng kaunti ang pinto. Nanatili akong nakatayo sa harap ng pinto at sinisikap na huwag makalikha ng ingay. “Boss, hindi namin mahanap yung anak nila mukhang nakatakas na ng tuluyan.” Seryosong sabi ng isang tauhan niya, lalo akong nakaramdam ng galit dahil sa kanyang ginawa. “Hanapin niyo ang anak nila at patayin din, kailangan na nilang magpahinga dahil masyado na silang maraming alam.” Narinig kong utos niya, naikuyom ko ang aking palad pati bata idadamay! “Kung hindi sana tatanga-tangà

