*FRANK*
"Ano? naayos nyo na ba yung banner?" Kabadong tanong ko kila Lucas. Ngayon ang laban nila Rayne, nasa room kami katatapos lang ng last subject namin sa umaga, mamayang 2 pm pa ang laro nila kaya makakahabol pa akong manuod. Dito sa school ang unang laban nila kaya madali na lang makakapunta sa gym mamaya, Hindi gaya namin na weekend ang laro, weekdays sila.
"Pwede ba Frank tumahimik ka! pang isang daan mo ng tanong yan! Oo kanina pa tapos tanga!" Binato ako packing tape ni Drake, mabilis ko yung iniwasan at tumawa.
"Tang ina pre! Para kang natatae dyan! Hindi naman ikaw yung lalaban, pre girlfriend mo pre, GIRLFRIEND! G.I.R.L.F.R.I.E.N.D!" natawa ako kay Lucas dahil enespell nya pa talaga yung salitang girlfriend. "May pa banner amp!" Naiiling nya pang dagdag.
"Bakla yan ei!" Mabilis akong lumingon kay Sed na tinaasan ako ng kilay at mapang asar na ngumunguso.
"Songs naman pre!" I said dramatically, mahina nga akong sa balikat at tumawa din kalaunan.
Kinuha ko ang phone ko ng tumunog yun, tumatawag si Rayne. Tumalikod ako bago sinagot yun.
"Babe!"
[Saan ka?"]
"Nasa room! Bakit? Miss mo ako?" Natawa ako ng bahagya ng hindi agad sya sumagot.
["Ang yabang! eww! miss my ass!" ]
"Luh! Asa ka! Bastos 'may pwet din ako noh!" Tumawa ulit ako ng marinig ko ang tawa nya sa kabilang Linya.
[Ediwow! Babye na! Love you!"]
"I love you more! Goodluck babe!" Binaba nya na nga ang tawag.
"Ay labyo morrrr! Kilig t**i amp!" Umiiling iling na lang ako sa sinabi ni Drake at hindi nya pinansin.
Nagkwentohan kami ng kung ano-ano papunta sa gym, dumaan muna kami sa cafeteria para bumili ng pagkain at sa gym na lang namin kakainin mamaya, although maraming kainan dito sa loob ng University mas masarap ang pagkain sa cafeteria at mas maraming pagpipilian.
Pagdating namin sa gym marami ng tao, may naka dilaw na mula sa University, mas marami nga lang ang naka maroon dahil dito sa gym ng University ang first game.
"Daming tao! Hula ko cutting iba dyan!" Hindi namin pinansin si Drake at humanap ng upuan, pumwesto kami sa malapit sa court sa side ng team ng University namin, nandoon sila Merrow na naglaan ng upuan para sa amin, naabotan pa namin silang kumakain ng popcorn . Nandon na rin sila Rayne na nag wawarm-up, sa kabilang side yung kalaban ni. Ngumiti agad ako ng magtama ang mga mata namin, sinenyasan ko syang lumapit kaya umayos sya ng tayo at nagpaalam sa coach nya. Tumayo ako at lumapit sa court sa baba ng mga step ng hagdan.
"Ang cute mo!" Bungad kong sabi sa kanya na pinasadahan ng tingin ang suot nya.
"Do I look like a puppy!" Pinanlakihan nya ako ng mata kaya napangiti ako ng nangaasar.
"Ikaw na nga pinupuri! Ayaw pa! Attitude ka ghorl!" Pikon nya akong hinampas sa braso kaya inilagan ko yun ng tumatawa, hinawakan ko ang dalawang kamay nya at hinalikan sya sa pisngi.
"Ahhhhhhh ang sweet! Gusto ko rin!" Napalingon kami ni Rayne sa mga highschool na nasa likod namin, at awkward na ngumiti.
"Sige na! Galingan mo! Pakitaan mo sila ng malupitang spike!" Tumawa sya sa akin at nag thumbs up pa.
"Ano ka ba engineer! Ako lang to!" I rolled my eyes then I heard her giggles kaya napalingon ako sa kanya at pinaglaruan ang pisngi nya.
"Ang yabang naman Architect! Pasalamat ka mahal!"
"Pasalamat akong mahal ang ano?"
"Mahal ang presyo ng gasolina!" Tumawa ako ng malakas ng samaan nya ako ng tingin.
"Ah ganon!"
"Pero mas mahal! Kita!" I smiled when her cheeks blushed.
"Gagong banat kainis!" Tumawa ako sa sinabi nya, sana ganito palagi, na sa kanya ko nakukuhang maging masaya, na hindi sya magsawa sa mga corny kong banat na hindi ko alam kung saan ko nahanap.
"Sige na! tawag kana ng coach nyo! Goodluck!" I kiss her cheeks once more bago ako bumalik sa upuan ko.
Ilang minuto pa ang lumipas bago nag start ang game, nakatingin lang ako kay Rayne na seryosong kinakausap ang team nya, napapangiti ako dahil naaalala ko yung araw na una ko syang napanuod mag laro, hanggang ngayon, manghang-mangha pa rin ako, hindi ko akalain na darating ang araw na magiging akin sya, na yung pinagdarasal ko lang dati na makasama sya, minsan napapaisip ako kung ilan ba ang niligtas ko sa past life at sobra-sobra ang biyaya ni lord sa akin.
"Yap position herself! Boom! 18- 16."
Naghiyawan ang tao sa side namin ng hindi madepensahan ng blockers ng kalabang team ang atake ni Rayne.
"Go- SPARTAN! Go- Coliman!" Paulit-ulit na cheer ng mga students ng University namin, pati sila Erl nakatayo na at tumatalon pa.
"Go Rayne! Sa mukha dapat!" Sigaw ni Astra, nagtawanan ang mga nakarinig malapit sa amin, hinila naman agad sya ni Merrow paupo at inasar.
Pabor sa kanila ang first at second set ngunit natalo sila sa third set, tumingin ako kay Rayne na Seryosong nakikinig sa coach nila. Time out kaya nag-uusap sila,pang fourth set na at lamang ang kalaban.
"21- 17! Ano ba yan, isang set na lang ey!" Reklamo ni Astra habang nakatingin sa score board!"
"Balita ko may mga national player ang kalaban!" Bulong sa akin ni Sed.
"Kaya ni Rayne yan!" Nakangiti ko sabi habang nakatingin pa rin kay Rayne.
Bumalik na sila sa loob ng court ng matapos ang timeout, nagtayuan ang mga studyante sa side namin ng mabilis na lumipad ang bola at nabasag ang depensa ng kalaban.
"Hoooo! Puta Rayne ang galing mo!" Sigaw ni Merrow habang winawagayway ang cartolina na may nakasulat na GO SPARTAN--- GO CAPTAIN!.
"Nag improve ang Spartan ahh! Sino yung setter nila ang galing!" Kumento ng nasa likuran ko.
"Nagbago ata ng strategies sila Rayne!" Napalingon ako kay Drake na tutok na tutok manuod.
"Manuod kasi kayo minsan sa training nila!" Binalik ko ang tingin kay Rayne na seryoso pa rin ang mukha.
"Yap again!" Nag boom ang boses ng announcer. Nakatayo na ang mga tao sa buong gym dahil dikit na ang score. 22-21, isa na lang. Nilabas ko ang banner na ginawa namin nila Lucas kanina.
"Let's go babe!" Sigaw ko at tinaas ang banner, tumingin sya sakin, marahil at narinig ako, natawa ako ng mag thumbs up sya sa akin.
"Ayiee ang sweet ni Frank! Sana ako na lang!"
"Ang swerte ni ate Rayne gosh!"
" Frank bakit si Rayne pa! Bakit hindi ako?"
"Girls! Baka dito lumipad ang bola pag hindi nyo tinigilan si Frank! Ako na lang! Double na yan si Frank, taken pala mali! " Rinig kong sabi ni Drake sa mga babae sa likuran nya.
Napawi ang ngiti ko ng gumulong si Rayne sa court, sinubukan nyang habulin ang bola. Maagap naman syang tinulungan ng mga ka team nya. Lumingon agad sya sa akin ng makatayo, nag sign ako ng 'you okay?' Na tinanguan nga naman, ngumiti ako at tinaas ang banner natawa naman sya kalaunan.
Mukang na beastmode ata sya dahil nong ma set ang bola ay gad nya iyong pinalo at bumulusok sa kabila. Nagtayuan na naman ang mga tao sa side namin ng mag tie na ang score, 23-23.
Ilang minuto pa ang hinintay namin ng sa huling palo ng isang spiker ng team ng Spartan na hindi nabalik ng kalaban ang syang hudyat na nanalo sila. Umingay ang paligid, nakangiti akong pumapalakpak habang nakatuon ang tingin kay Rayne. Sobra-sobra ata ang tiwala ko sa kanya at alam kong mananalo sila. Tumingin sya sa akin na Nakangiti, nag thumbs up ako sa kanya and mouthed 'Congrats'. Tudo tili naman ang mga kaibigan nya na akala mo sila ang naglaro
Bumaba kami at hinintay si Rayne sa dulo ng step, ineinterview pa sya kaya hindi kami makalapit. May nagpapapicture din, sumasama lang ang mukha ko kapag nagpapapicture sa kanyang lalaki. Naunahan pa ako ng mga gago. Nang mabored ako kahihintay, ako na ang lumapit dahil alam kong hindi sya makakaalis doon. Hinapit ko agad ang bewang nya at niyakap.
"Gago! Akala ko kung sino!" Hinampas nya ako sa braso. Tumawa lang ako, nagulat ko ata sya dahil basta ko na lang sya hinila, napasimangot ang ilang nagpapapicture sa kanya at umalis.
"Congrats! Nag dive ka pa doon, wala namang tubig!" Hinampas nya na naman ako.
"Ang epal!"inirapan nya ako. "By the way thanks!" Niyakap nya ako.
"Ew amoy pawis!" Mabilis syang kumalas at inamoy ang Jersey shirt nya.
"Hindi naman ahh! Sarili mo lang naamoy mo!" Natawa ako sa reaction mg mukha nya.
"Joke lang!" Hinila ko sya at niyakap ulit.
"Hoy tama na yan! Kami din!" Pinaghiwalay kami ni Merrow at agad akong tinulak.
"Ang galing-galing bes! Sabi ko diba sa mukha mo patamaan! Next time huh!" Natawa si Rayne sa sinabi ni Merrow.
"Hoy magpakain ka! first game 'first win." Inirapan lang ni Rayne si Astra.
"Saan nyo gusto!"
"s**t! Manlilibre nga! Sa bahay nyo na lang Rayne!" Suhestyon ni Erl, natahimik ako bigla, hindi pa kami pormal nag sabi kila ninong na girlfriend ko si Rayne.
"Sige tetext ko si Mommy na doon tayo mag dinner."
"Sure ka! Hindi pa diba alam nila ninang n--!"
"Alam na nila!" Pagputol nya sa sinasabi ko.
"Huh! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin! Nakakakaba naman!" I said dramatically.
"Don't worry nagalit lang naman si kuya!" Seryosong sabi nya.
"Hoy! Scammer ka!" Turo ko sa kanya na tinawanan nya naman.
"Oo nga!" Labas sa ilong na sabi nya.
"Ayaw ko mabubog, hindi ako ready!" Kabadong sabi ko.
"Pre ipaghuhukay ka namin mamaya!" Natatawang sabi ni Drake.
"Anong design ng casket ang gusto mo!" Binatukan ko si Lucas sa sinabi nya.
"Tang ina nyo!" Pinakyuhan ko sila na tinawanan lang nila.
"Don't worry! You'll be fine!"she squeeze may arm and smile.
"Alam ko! Hindi ko lang enexpect na meet the family na pala!"
"Yabang mo!" Inirapan nya naman ako, Pinitik ko ang nuo nya.
Hindi na sya nakaganti ng tawagin sya ng coach nya, nagpaalam nya sya sa amin at magbibihis daw muna sya, nagpaalam na din ang mga kaibigan ko na may kanya-kanyang lakad dahil wala na rin namang klase, magkita-kita na lang daw kami mamaya sa bahay nila Rayne para sa dinner. Nag hintay muna ako saglit sa parking lot dahil matatagalan pa daw si Rayne. Ilang saglit pa ay natanawan ko na sya palapit sa kotse ko.
"Sorry! Nag meeting pa kami!" She kissed me on my cheeks bago sumakay sa passenger seat. "Na text ko na si mama at excited na makita ka!" Dagdag nya. Ngumiti na lang ako para matago ang kaba ko.
"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Condo ko na lang! Mamaya na tayo mag punta sa bahay!" Tumango na lang ako.
Bumili muna kami ng pagkain sa isang restaurant, tinake out na lang namin para sa condo na lang kami kakain.
"Any plans this sunday?" Tanong ko sa kanya, nasa kusina sya inaayos ang pagkaing binili namin.
"Wala kang laro!" Takang tanong nya sa akin.
"Wala pa next- next week ata!" Kibit balikat kong sagot.
"Wala naman akong gagawin sa sunday, bakit!"
"I'll pick you up sa sunday! Wag mo ng itanong kong saan! Hindi ko sasabihin." Inirapan nya agad ako.
"Whatever engineer!" Natawa ako sa sinabi at agad na lumapit.
"I'm so lucky to have you!" Pabulong kong sabi bago sya niyakap mula sa likod.
"Sa ganda kong to! Talagang lucky!" I chuckled.
"Ang yabang naman!" Hinarap ko sya at hindi na pinasagot ng halikan ko sya sa labi, pinulupot nya agad ang mga kamay sa batok ko. I caressed her hips at pinaupo sya sa mesa. I angle my face para mahalikan nya lalo, I groaned when she suck my lower lips, hinapit ko sya palapit sa akin at hinalikan ng mas mapusok. I go crazy when I heard her moan inside my mouth. Bumaba ang halik ko sa leeg nya, balak ko sanang markahan yun ngunit pinigilan ko ang sarili. Ako na din ang huminto dahil baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko at maangkin ko sya dito.
"I hope that... we'll be like this forever!" Mahina kung bulong habang maglapat ang aming mga nuo.
"I hope too! I love you!" She whispered and kiss me again.
-------------------------------------------------