CHAPTER 18

1847 Words
*RAYNE* ["Road to finals na babe!] Mahina akong natawa sa boses na iyon ni Frank, last game na nila for semi finals at nanalo sila, hindi ako nakapanuod dahil may training kami ngayon at may laban din kami bukas. Sa CIU (Central Island University) ang game nila today, hindi din kami natuloy na mag dinner sa bahay dahil may urgent meeting sila mom and dad, pati yung plano ni Frank na pupuntahan namin na cancel dahil may laro sila at may training din ako, nanuod na lang kami ng sine at kumain sa isang restaurant at dahil kasama namin ang squad pinili nila ang mahal, sa loob ng tatlong lingo naging busy kaming dalawa kaya isa o tatlong beses na lang kami magkita. "Congrats! sorry hindi ako nakapanuod!" matunog akong bumuntong hininga at tinanaw ang mga ka team ko na nagpapahinga sa gilid ng court. ["hey! okay lang! don't be sad susunduin kita mamaya!" ] Napangiti na lang ako at nagpaalam na sa kanya dahil start na ng training. Habang naglalakad ako palapit sa mga ka team ko napapaisip ako kung bakit sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit ako yung nagustuhan nya, anong meron sa akin na wala sa iba, yung pagmamahal na pinaparamdam nya, pang matagalan ba? Ngayon ko naisip na................ hanggang kilan? ........ hanggang kilan nya ako mamahalin, sana hindi sya mapagod! Kasi ngayon hindi ko alam kung anong gagawin kapag nawala sya sa akin. "Okay ka lang Cap?" Nag alalang tinapik ni Yanna ang balikat ko, napalingon ako sa kanya at nilibot ang paningin ko sa iba pa, nasa harap na pala nila ako! Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na napansin nasa harap na pala nila ako. "Okay lang! Ano ka ba! Napapa kape lang ako!"tumawa pa ako kaya lumiwanag ang mukha niya. Nagfocus ako sa training ngunit nasa isip ko parin ang mga iyon. "Yap ano bang ginagawa mo?" Napalingon ako kay coach ng bigla syang sumigaw, napakunot ang nuo ko at nagtataka kung bakit hinayaan ko ang bola na bumagsak sa gilid ko. "Kung may problema ka anak wag mong dadalhin sa loob ng court dahil lahat kayo papalya, isang team kayo at kapag pumalya ang isa damay ang lahat." Napayuko ako at bumuntong hininga. "Nandito lang kami Cap! Laban tayo!" Ngumiti ako kay Janine at tinanguan ang iba. Humingi ako ng despensa kay coach at bumalik sa pwesto ko............ bakit ko nga ba iniisip yun? Pinilig ko ang aking ulo at pumikit ng mariin. Sinikap kong mag focus at itawid ang training namin sa araw na iyon. Inaalalayan ako ng team na para bang alam nilang lutang ako. Nang matapos ang training at nagsiuwian na ang iba. "Yap pwede ba kitang makausap?" Palabas na ako sa gym ng makasalubong ko si coach. Tinanguan ko siya at umupo kami sa bleachers. "Hindi maganda ang performance mo netong mga nakaraang araw!" Hindi pwedeng ganito rin bukas! May problema ba?" Napayuko ako dahil alam kong may mali sa akin this past few days. "Ilabas mo yan! Dahil hindi ka matatahimik hanggat hindi mo nasasagot yang problema mo!" Napatingin ako kay coach na nasa kabilang bleachers naka tingin. "Coach diba may asawa kana! Gaano no sya kamahal? Hindi ba nakakagod mag mahal?" Napalingon sya sa akin at ngumiti. "Hindi nasusukat ang pagmamahal Rayne! Kagaya ng kung bakit mahal natin ang isang tao!" Tumingin muli sya sa harapan. "Kung napapagod ka nang magmahal, balikan mo kung paano kayo nagsimula, kung paano mo minahal itong taong ito." Napayuko ako dahil tinamaan ako sa sinabi ni coach, bakit nga ba ako nangangamba? "Sa totoo lang coach natatakot ako! Natatakot ako na baka isang araw, mawala sa akin yung isang tao na minamahal ko! Baka hindi ko kayanin!" "Si Frank ba!" Napalingon agad ako sa sinabi ni coach ngunit napayuko ulit ako ng tumingin sya sa akin at mahinang tumawa. "Yung batang iyon! Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong nahuli na nanunuod ng training nyo, minsan pa napagalitan ng coach nila dahil late sa training. Ilang oras ba namang nakatambay dito at nanunuod lang." Matunog na tumawa si coach na umiiling pa. "Bakit nya ginagawa yun coach?" Takang tanong ko. "Ikaw yung palagi nyang pinupuntahan dito sa training! Ikaw yung palaging pinapanuod! Makinig ka Rayne! Nakita ko kung paano ka titigan mg batang iyon. Hindi nagsasawang makita, hindi nagsasawang panuorin ka araw-araw......... hindi sa kinakampihan ko sya ngunit sa mahabang pahanon na hinihangaan ka nya, iyon yung pagmamahal na hindi nakakasawa! Dahil minahal ka nya araw-araw ng hindi mo nalalaman." Tinapik ni coach ang balikat ko at tumayo. "Hindi mawawala ang pagdududa sa pagmamahal pero hanggat maaari iwasan mo ito dahil hindi kayo magtatagal kapag yung isa mahal na mahal ka tapos ikaw laging iniisip kong totoo ba yung pagmamahal na pinapakita nya." Tinanguan ako ni coach at pumasok sa locker room. "Ako ba yung mali?" Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Na miss ko lang siguro sya kaya ako nag iisip nang ganito! Tama si coach hindi maganda sa relasyon ang pagdududa! Nagsisimula pa lang kami!" Napatingala ako sinampal ang sarili ko. "Mag kang nag iisip ng kung ano- ano Rayne!" Sinampal ko muli ang pisngi ko para mahimasmasan. "Babe!" Napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Frank. "Bakit mo sinampal ang sarili mo?" Nakakinot nuong tanong nya ng makalapit sya sa akin. "May problema ba! May masakit ba sa-" Mabilis ko syang niyakap at parang bata na umiyak. "Shss! Iiyak mo lang! Kung may problema ka iiyak mo lang! Nandito lang ako!" Niyakap nya ako at hinahaplos ang buhok ko. Bakit ko ba sya pinagdududahan! Kung sa lahat ng lungkot nandyan sya para alisin yun! Mahal ko lang talaga siguro sya at takot akong mawala sya sa akin. "Mahal na mahal kita!" Pabulong king sabi habang umiiyak pa rin. "Umiiyak ka dahil mahal mo ako! Mahal din kita kaya wag ka ng umiyak!" Malambing nyang sabi ngunit nasa tuno nya ang pang aasar kaya binatukan ko sya. "Wag ka ng umiyak anak! Nandito na si Daddy!" Inis ko syang tinulak ngunit niyakap nya ulit ako habang tumatawa. "I hate you!" "Hate daw! Kasasabi mo nga lang kanina na MAHAL NA MAHAL mo ako!" Kinurot ko sya sa tagiliran dahil sa pang aasar nya. "Tama na yan umuwi na kayo gabi na!" Mabilis akong humiwalay kay Frank ng marinig ko ang boses ni coach. Nginitian nya lamang kami at tinanguan ako na para bang pinahihiwatig nya sa akin ang mga sinabi nya kanina. Ginantihan ko ang ngiti na iyon at nagpaalam na nauuwi na kami. "Mag ingat ka sa pag dadrive!" niyakap ko sya muli ng makarating kami condo ko. "Hindi ako magdadrive pauwi!" Natatawang sabi nya. "Huh bakit?" Takang tanong ko. "Dito ako matutulog!" Confident na sabi nya kaya napakunot ang nuo ko. "Anong dito? Hindi ko pa nalilinis yung kabilang kwarto!" "Hindi naman ako sa condo mo matutulog! Nakita mo itong pinto na ito?" Turo nya sa kabilang pinto na kaharap ng unit ko. "Unit ko yan!" Napamaang along tumingin sa kanya. "Bumili ka ng unit?" Gulat na tanong ko. "Surprise! obvious ba?" Natatawang tanong nya sa akin. Mahina ko syang sinuntok sa balikat. "Kainis ka" tinawanan nya lang ako at niyakap. "Sige na goodnight!" Hinalikan nya ako sa labi na tinugunan ko naman. Hinaplos nya ang buhok ko matapos ako halikan at binuksan ang pinto ng condo ko. "Pasok na at magpahinga ka!" Kumaway ako sa kanya at pumasok sa unit ko pagkasara ko pa lang ng pinto binuksan ko ulit Ito. Naabutan ko pang binubuksan na ni Frank ang unit nya na kaharap ko. "Engineer ko!" Lumingon sya sa akin. Goodnight labyo!" Tinawanan nya ako ako humarap sa akin. "Goodnight babe! My Architect! My spiker!" Masaya ang mga sumunod na linggo puro panalo kami sa volleyball, busy pa rin as always ngunit palagi na kaming nagkikita ni Frank dahil sabay kaming uuwi. Nawala na sa isip ko ang pagdududa nawala na ang agam-agam. "Rayne nakapasa kana ng plate!" Tanong sa akin ni Merrow, nasa room kami ngayon at may klase ako hanggang 5 pm. "Oo!" "Hala ako minus five! Nakalimutan ko kasi! na late tuloy ako ng pasa!" Naiiyak na sabi ni Merrow na umupo sa tabi ko. "Kung hindi ba naman kayo uminon nila Astra kagabi edi sana naalala mo!" Napasimangot sya sa sinabi ko. "Kunti lang naman eh!" Pagdadahilan nya pa. "Ah kaya pala sinundo ka pa ni Drake at gumagapang ka na daw palabas ng bar!" Natatawang sabi ko. "Ang o.a mo sa part na gumapang ako ah! At wag mo ngang banggitin yung hayop na yun!" Inis na sabi nya kaya lalo akong natawa, tumahimik din kami ng pumasok na ang instructor namin. Mabilis na sumapit ang hapon at natapos na ang klase namin, nag text sa akin si Frank na may klase pa sya, Kaya bumili muna ako ng milkshake sa cafeteria at pumunta sa room nila, saktong naglalabasan na rin ang mga engineering student. Sumandal muna ako sa railing at hinintay sya lumabas ng room nila, nang matanawan kong palabas na sila ni Sed ay ngumiti na ako ngunit nabura din iyon ng may makita akong babae na kasunod nila at hinabol si Frank. Nagpaalam si Sed sa kanila at dumaan sa kabilang pasilyo. Maganda, matanggad, makinis ang balat, mukhang may lahi, kaklase nya siguro dahil parehas sila ng uniform, ngunit naaasar ako sa uri ng pag ngiti, pagtawa at paghaplos nya sa braso ng BOYFRIEND ko. Ito namang isa tumawa din, kinuha ko ang phone ko at tinawagan sya. Huminto sya saglit sa pagtawa at kinapa ang phone nya na nasa bulsa nya. Napangiti ako ng ngumiti sya ng tignan nya ang screen at sinagot ang tawag sa harap nong babae. [Babe!] Lalo akong ngumiti ng sumimangot yung babae habang nakatingin sa kanya. "Nandito ako sa katabing room nyo! Hinihintay kita!" Nakangiti pa rin ako at natutuwa dahil nababakasan ko ang eretasyong sa mukha nong babae. Itinaas ko ang kamay ng makita kong luminga-linga si Frank sa paligid, ngumiti sya sa akin ng makita ako at mabilis na lumapit sa akin. Natutuwa ako hindi dahil Nakangiti si Frank, kundi doon sa mukha ng babae matapos iwan ni Frank doon ng hindi nagpapaalam, bastos din tong boyfriend ko but still okay. Ang akin, Akin lang! "Kanina ka pa dyan?" Nakangiti nyang tanong. "Hindi naman!" Kinuha nya ang bag ko, Hinawakan ang kamay ko at inakay paalis. "Ipapaalam kita sa coach nyo!" Taka akong tumingin sa kanya. "Huh! Why?" "We're going to Mindoro!" Napahinto ako bukod sa hindi pa ako makakapunto doon! Bakit kami pupunta doon. "Bakit? Ngayon agad?" Humarap sya sa akin at nginitian ako. "Happy monthsarry babe! Nagulat ako ngunit ngumiti din agad, bukas pa naman ang monthsarry namin pero binati nya na ako. Niyakap ko agad sya dahil sa sobrang tuwa. "We will celebrate the day you let me in to your heart. We will celebrate that in every places that you want! But now! let me take you to the place that will make you happy."niyakap nya ako at hinaplos ang buhok ko. "Be with you is enoughed!" ________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD