*RAYNE*
Mahigpit ang hawak ko sa damit ni Frank, gusto ko syang itulak ngunit hindi ko magawa, nakapikit ang mga mata niya na tila ba ninanamnam ang labi ko, tulala lang ako na nanlalaki ang mga mata nanghihina ang mga tuhod ko mabuti na lang at mahigpit ang hawak nya sa akin.
"Get a room kids" naitulak ko si Frank sa gulat ng may sumigaw sa amin, namumula ang pisngi ko at hindi makatingin sa kanya ng maayos.
"Bakit ka namumula?" Napapikit ako sa inis dahil tinanong nya pa talaga.
"f**k you!" Pikon na sabi ko sa kanya bago sya sinamaan ng tingin ngunit nginitian nya lamang ako.
"First kiss mo?" Pigil ngiting tanong nya bago humakbang palapit sa akin napahakbang naman ako patalikod.
"O-oh a-no n-ngayon k-kung! K-kung f-first k-ki-kiss ko!" Kanda utal-utal na sa sabi ko dahil lumalapit parin sya.
"Ako din first kiss ko yun!" Kilig na sabi nya, napasapo ako sa nuo at hinampas sya sa braso.
"Walang hiya ka hindi nga kita boyfriend! Tapos nagnanakaw la ng halik na hayop ka! Balik mo yun!" Sigaw ko sa kanya habang binabatukan sya, tumatawa lang sya habang iniiwasan ang pag batok ko.
"Hala sya! Gusto pa ng second kiss! Halika dito!" Hinuli nya ang kamay ko at pilit na inilalapit sa kanya.
"Ang manyak- manyak mo talaga!" Tinulak ko sya sa sobrang inis.
"Hindi ako manyak! Hindi naman kita ginahasa!" Seryosong sabi nya.
Kahit na Frank! Hindi ginagawang biro yun!" Sigaw ko sa kanya, sumeryoso naman ang mukha nya.
"At hindi ako mag sosorry dahil ginusto kong halikan ka!" Seryosong sabi nya. "Ang mali ko lang walang permiso galing sayo! Kaso natakam ako sa labi mo ei!" Kunot nuong dagdag na sagot nya, Napamaang naman ako penamewangan sya.
"Natakam amp!" Sarkastikong sabi ko at inambaan sya ng suntok, mabilis parin ang t***k ng puso ko dahil sa halik na yun ngunit napipikon ako sa kanya.
"Dapat kasi sinabi mo agad na crush mo din ako! Limang taon kung hinintay ang araw na to Rayne ka hindi mo talaga ako masisisi!" Mayabang na turan nya sinipa ko naman ng mahina ang binte nya. "Araayyy!!!! Nakakarami ka na ah halikan kita ulit jan! Sige ka!" Banta nya sakin pinakyuhan ko lang sya at agad naman syang lumapit sa akin.
"Sige subukan ko sasapakin na talaga kita!" Banta ko sa kanya ngunit madali nya lang akong nahila at ginulo ang buhok ko.
"Sabihin mo lang kapag ready ka nang makipagrelasyon! Hihintayin kita Architect ko!" Nakangiting sabi nya. Kingina hindi ito ang oras para kiligin Rayne!!.. pinililig ko ang ulo sa mga naiisip ko.
"Gano ka nakakasiguro na ikaw gusto ko sa isang relasyon!" I crossed my arms and raised my eyebrows.
"Sus!!! Ako nga yung gusto mo! Malamang ako din yun!" Mayabang na sabi nya. Inirapan ko naman sya. "Basta pag ready ka na!! Sabihin mo lang!! Wala ng pero-pero! Kung pwede lang kitang angkinin ngayon nasa bio na kita sa f*******:, i********: at Twitter account ko!!!!" Biglang syang tumawa pagkatapos sabihin yun.
" B£b£ kø føř£v£r" binatukan ko sya sa kalukuhan nya, kinikilig na ako sa unang sinabi nya tapos nanggagago na yun huli bwesit.
"Saya ka jan!" Sarkastikong sabi ko na pinanliliitan sya ng tingin.
"Oo!nandiyan ka kaya masaya ako! Walang halong biro na ito huh!" Seryosong sabi nya habang nakaturo sa akin. Napangiti naman ako ng wala sa oras. "Ayan ngumiti na rin!" Pang aalaska nya na naman.
"Pamatay ka ng kilig ano!" Sarkastikong sabi ko.
"Oo naman! Tignan mo patay na patay ka nga sa akin!" He chuckled, I rolled my eyes and mocked his word. "Tara na hatid na kita sa condo mo!" Hinawakan nya ako sa balikat at inakay sa kotse nya. Mabilis kaming nakarating sa building ng condo ko dahil malapit lang naman ang plaza, nagtalo pa kami dahil gusto nyang ihatid pa ako sa unit ko at dahil sa hindi sya magpatalo at sobrang kulet nya ay hindi na ako nagmatigas pa.
"Heps umuwi ka na! wag ka ng pumasok!" Hinarang ko ang kamay ko sa pintuan ng tangkain nyang pumasok sa loob ng buksan ko ang pinto.
"Andamot pa inom lang ey!" Parang batang maktol nya. Tinaasan ko agad sya ng kilay. "Promise makikiinom lang ako tapos uuwi na!" Parang batang itinaas nya pa ang kamay nya at nag pout pa talaga. Napangiti naman ako, ang husky kasi ng boses nya tapos nag aasal bata.
"Hintayin mo ako sa sala kukunan kita ng tubig!" Nakangiti pa rin sabi ko bago tuluyang pumasok sa loob, sumunod naman sya sakin at tuwang-tuwa na dumiretso sa sala, pumunta na ako ng kusina at nagsalin ng tubig sa baso at hinatid sa kanya, inabot nya naman yun at mabagal na inom.
"Oh! Umuwi kana! Ubos na yan!" Nag pout naman sya agad ng iabot sa akin ang baso, inilapag ko naman yun sa center table at binalik ang tingin sa kanya, nagulat pa ako ng bigla nya akong yakapin, Medyo yumuko pa sya dahil mas matangkad sya sa akin, hinigpitan nya ang pagkakayakap sa akin at isiniksik ang mukha sa leeg ko, nagsisitayuan ang balahibo ko sa batok dahil nararamdaman ko ang hininga nya sa leeg ko.
"Pa charge lang saglit!" Mahinang sabi nya.
"Nasa kwarto ang charger ko!" Natawa naman sya ng mahina sa sagot ko.
"I mean payakap! Ang hina mo naman!" He Chuckled . Napangiti na lang ako at niyakap sya pabalik, abay minsan lang tayo magtalandi noh, sagarin na natin.
"Tama na ang charge! Full charge kana!" Hinigpitan nya pa lalo ang pag yakap sa akin.
"Ayaw! dito na lang ako! Sobrang comfortable!" Parang batang sabi nya.
"Tyansing na yan!" Natatawang sabi ko. Kumalas naman sya nakalulukong tumingin sa akin.
"Gusto mo naman!" Mayabang na sagot nya, kinurot ko naman ang tagiliran nya. "Oo na uuwi na atat na atat lang!" He laughed so loud kaya tinulak-tulak ko sya hanggang sa pinto.
"Mag ingat ka okay!" Concerned na sabi ko.
"Tsk! Kahit di mo sabihin! Mag iingat talaga ako lalo't may siguradong hihintay na ako!!" Seyosong sabi nya. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko para mapigilan ang ngiti ko.
"Oo na! Sige na! Basta ingat" Sabi ko na lang ngunit hindi pa rin sya umaalis at deritso lang syang nakatingin sa akin.
" I can't take this anymore!" Mahinang sabi nya, hindi na ako nakasagot ng mabilis nya ako hinalikan sa pangalawang pagkakataon, magaan at damping halik lang yun. "Sige Pasok kana sa loon aalis na ako!" Niyakap nya pa ako ng mahigpit bago tuluyang umalis. Mabilis kong isinara ang pinto ng unit ko at mabigat na sumandal dito. Nakatulala lang ako sa kawalan at pilit na inaalala ang mga nangyari ngayong araw, nagtatalon ako sa kilig na parang tanga.
"Ang lambot ng labi nya king ina!" Nagsisigaw na sabi ko, pumapadyak pa ako. "Ang bango pa ng yawa kainis lang !" Sauvage cologne sanaol mayaman hanep!"kinikilig na sigaw ko. Kung nasa bahay lang ako malamang sinigaw-sigawan na ako ng Bryte. Dumiretso na ako sa bathroom pagkatapos kong mag wala sa sala, may pakanta-kanta pa ako habang naliligo hanggang sa pag totoothbrush. Masaya akong nakatulog ng gabing yun. Kinabukasan maaga akong nagising dahil maaga ang pasok ko. Pagbaba ko sa parking lot nandon na ang kotse ko kagaya ng sinabi ni Frank kagabi. Ito na naman ako at parang tangang ngumingiti hanggang sa pagdrive ako papuntang school. Natapos ang morning class na puro discussion lang, kinukulit pa rin ako at dinadaldal ni Merrow kapag wala pa ang prof namin. Nauna syang umalis sa room dahil mag lulunch daw sila ng tita nyang galing Canada, si Erl at Astra nag chat sa akin na hindi sila makakasabay dahil may tatapusin daw silang papers para wala ng gawin sa araw ng laro nila Frank sa sunday. Napatalon ako sa gulat ng makita ko si Frank sa gilid ng pinto ng Room namin. Tinawanan naman ako ng walang hiya.
"Pano yung gulat! Isa pa nga!" Hinampas ko naman agad sya ng librong hawak ko. Nambuburaot na naman.
"Bakit ka kasi nandito!" Sarkastikong sabi ko at naglakad palayo sa room, mahirap ng ma issue noh.
"Sinusundo ka!" Patay malisyang sagot nya at sinabayan ako sa paglalakad. "Saan mo gustong kumain?" Sunod na tanong nya sa kain.
"Cafeteria na lang!" Bored na sagot ko pero deep inside kinikilig ako. Hello may pag sundo si mayor nyo HAHAHAHA.
"Anong gusto mo? Tanong nya sa akin ng makahanap kami ng upuan sa dulo malapit sa glass wall.
"Ikaw!" Mayabang na sabi ko. Tinaasan nya naman ako ng kilay at mahinang tumawa.
"Ahh! Bumabanat kana ngayon!" He smiled to me playfully.
"Small things ano ka ba!" Tinawanan nya naman ako at umiling-iling pa. Tumayo na sya ng hindi nagtanong pa. Pagbalik nya napanganga ako sa dami ng dala nya. "Ang dami naman!" Reklamo ko agad pagkaupo nya.
Oo! Nakikita ko din at ikaw lang ang uubos nyan!" Nakangisi nyang sabi, pinanlakihan ko naman sya ng mata.
"Wag kang kumain huh!" Panghahamon ko sa kanya.
"Joke lang! Hehe!" Mabilis nyang kinuha ang isang styrofoam na may laman ng kanin at ulam. Umiling na lang ako sa kakulitan nya. Mabilis lang namin naubos yun dahil may gagawin pa sya, hindi ako nagreklamo dahil busy rin ako. Hanggang sa matapos ang afternoon class, hinatid lang ako ni Frank sa gymnasium bago sya dumiretso sa basketball court sa likod ng gymnasium. 10 pm na kami natapos . Paglabas ko nakita ko agad si Frank na nakasandal sa gilid ng pader lumapit ako sa kanya at sinalubong nya naman ako ng masayang ngiti.
"Akin na bag mo" hindi na ako nakapagreklamo sa kanya ng kuhain nya ang bag ko. Pagkarating namin sa parking lot bago nya lang inabot sa akin ang bag ko. "Gagawa ka pa ng plate mo mamaya?" Tanong nya sa akin ng maiabot nya ang bag ko.
"Oo! Kulay na lang din naman ang kulang doon!!!!" Sumandal ako sa pinto ng kotse habang nakaharap sa kanya.
"Wag kang magpapakapuyat! Baka mag collapsed ka sa training nyo!" Paalala nya sa akin.
"9am pa pasok ko kaya don't worry okay!" Ngumiti ako sa kanya.
"Oo na lang!" He smiled to me cheerfully. "Payakap!" Hindi na ako nakapagreklamo ng hinalin nya ang kamay ko ang mahigpit na yumakap as akin. Katulad kagabi ay isiniksik nya ang mukha ang leeg ko, mabuti na lang at naligo ako psgkatapos ng training. Ginantihan ko ang yakap nya. Nagtagal pa ng ilang minuto ang yakap na iyon bago sya kumalas ang mariin along hinalikan sa nuo. "Sige na ! Ingat sa pag- uwi!" Humabol pa sya ng yakap bago ako inalalayang pumasok sa kotse ko.
"Mag ingat ka din tukmol" tumawa lang sya sa sinabi ko bago kumaway, nginitian ko lang sya bago ko pinaandar ang sasakyan at nagdrive na paalis. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang nag dadrive.
"Sinong babae ang hindi ma fafall kung ganyan ka sweet ang hayop na Frank yan. Malakas na sabi ko sa sarili ko at parang tangang kinakagat ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti.
------------------------------------------------------