*RAYNE *
"Bakit namumula ang tenga mo?" Tanong ko kay Frank, nahihilo na ako pero alam kong hindi ako lasing.
"L-lasing k-kana kung ano-anong sinasabi mo!" Umiwas sya ng tingin at kinuha ang isang bote ng beer at nilagok yun ng tuloy-tuloy. Kumunot naman ang nuo ko sa kanya.
"Totoo naman ah! You must be suffering from a lack of vitamin Me!" Nadura nya ang iniinom nyang beer, umayos sya ng upo at humarap sa akin, umiling-iling sya na para bang may gusto syang sabihin. "Tsk may pasabi-sabi ka pang m-mi p-piaci! Parang tanga!hindi na lang sabihin na gusto kita ganon!" Napamaang sya sa sinabi ko at biglang sumeryoso.
"Lasing ka lang Rayne!" Seryoso nyang sabi bago uminom ulit ng beer, namumula pa rin ang tenga nya.
"Sabi na joke mo lang yun ei!" Tumayo ako dahil bigla akong nahiya sa kanya, siguro nga pinagtritripan nya lang ako nong nakaraan, masyado lang akong nag assume na gusto nya nga ako, tumalikod ako sa kanya at aalis na sana nang hawakan nya ang kamay ko.
"Saan ka pupunta?" Nakunot nuong tanong nya sa akin.
"Wala kang paki alam!" Naiiyak kong sigaw sa kanya bago lumabas ng Bar at dumiretso sa Kotse ko.
"Rayne sandali!" Sigaw nya sa akin ngunit hindi ko sya nilingon, hinahanap ko ang susi ng kotse ko sa bag ngunit hindi ko makita. Lentek naman asan na ba yun?.... Hinila nya ang kamay ko at hinarap sa kanya, yumuko lang ako dahil nahihilo ako. "Rayne" Pagtawag nya sa akin ngunit hindi ako kumibo. "Sorry na!" Malambing na sabi nya, ngunit hindi ko pa rin sya pinansin. Anong nangyayari sayo Rayne ang arte mo ngayon hanep ka. Ipinilig ko ang ulo ko at tumalikod ulit sa kanya. "Ano bang gusto mong sabihin ko?" Mahinahon nyang tanong sa akin.
"Wala!" Masungit na sabi ko at hinanap ulit ang susi ng kotse ko. Naiiyak ako sa di malamang dahilan.
"Rayne!" Seryosong tawag nya sa akin.
"Ano?" Iritabling tanong ko at humarap sa kanya, humikbi ako na parang bata naiiyak ako sa inis,Hindi sya agad sumagot at tinitigan lang ako, tatalikod na sana ako ng magsalita sya.
"Oo gusto kita!" Seryosong sabi nya, lumapit sya sa akin , Hinawakan nya ang pisngi ko at pinupunasan ang mga luha ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Tangina sapakin ako ngayon din.
"Ano!" Kinagat ko labi ko para pigilang ngumiti kaso hindi ko kinaya. Hanep yun palang kinikilig na ako.
"Ano!" He mocked me. Tumawa ako parang tanga. "Ang panget mong umiyak!" Nakangiting sabi nya. " panget ka na nga pumangit ka pa lalo! lugi ka!" Hinampas ko ang kamay nya ng sabihin nya yun.
"Pakayabang mo! Ako lang to! Crush mo!" Mayabang na turan ko at tinuyo ang mga natitirang luha sa mga mata ko, hinila nya naman ako at ginulo ang buhok ko.
"Kape muna tayo para mahimasmasan ka!" Hinila nya ako papunta sa kotse nya.
"Hoy teka pano kotse ko?" Tanong ko sa kanya.
"Ipapakuha ko bukas!" Balewalang sabi nya bago ako inalalayan papasok sa kotse nya. "Sa Cafe's Caśa tayo! Masarap hot chocolate nila doon!" Nakangiting sabi nya.
"San yun!" Nakakunot nuong tanong ko. Tumawa naman sya.
"Yung totoo Rayne! Taga dito ka ba!" Tumatawa parin sya, Binigyan ko naman sya ng bored look. "Hays sige after ng laro sa sunday igagala kita!"
"Libre mo!" Nakangiting sabi ko, excited ako nyemas na yan. Mabilis lang kami nakarating sa Cafe's caśa na sinasabi nya. Pumasok na kami sa loob at ganon na lang ang pagkamangha ko sa ganda ng ambiance, maraming painting sa isang pader kaya lalo akong namangha, umupo kami malapit sa malaking glass wall kung saan nakikita ang mga sasakyang dumadaan. Lumapit sa amin ang waiter, si Frank na pumili ng order namin, nakatingin ako sa mga paintings ng kalabitin nya ako.
"Ang seryoso mo jan!" Tumatawang sabi nya.
"Pag nakagraduate na talaga ako! Magpapatayo ako ng art gallery" mahinang sabi ko na nakatingin parin sa mga paintings, sinundan nya rin ng tingin ang tinitignan ko.
"Pwede mo namang pag ipunan ngayon pa lang!" He suggested.
"Akalain mo yun may sense ka kausap!" Sinamaan nya naman ako ng tingin dahil sa sinabi ko.
"Tsk ang yabang mo ah! porke crush kita ginaganyan mo na ako!" Napawi ang ngiti sa labi ko at umubo kunwari, he crossed his arms and smiled to me playfully. "Umamin ka nga! May gust-!"
"Assuming ka!" Pinutol ko na ang sasabihin nya, iniwas ang tingin ko sa kanya dahil paniguradong aasarin nya na naman ako.
"Defensive amp!" Pigil ang tawang sabi nya, babarahin ko sana sya ng lumapit sa amin ang waiter at nilapag sa harap namin ang mga inorder nya. "Tikman mo masarap yan!" Inihipan ko muna ang hot chocolate bago hinigop ito ng kunti.
"Masarap!" Nangiting sabi nya.
"Yeah!" Tipid na sagot ko bago humigop ulit.
"Ako!" Napaso ang dila ko ng magulat sinabi nya. Tumatawa naman nyang inabot sa akin ang tissue, pinapaypay ko ang kamay ko sa bibig ko at sinamaan sya ng tingin.
"Ang baboy mo peste ka!" Tumawa lang sya at inabot sa akin ang baso ng tubig.
"Sorry! Ampikon mo kasi!" Tumawang sabi nya inirapan ko naman sya.
"Saya ka!" I said sarcastically.
"Saya ka!" He mocked me. Hinila ko naman ang buhok nya...
"Naiinis na ako sayo huh!" Pikon na sabi ko, hindi naman sya tumugon at nakatingin lang sya sakin, huli ko na napansin na sobrang lapit ng mukha ko sa kanya, nakaawang pa ang labi ng titigan ko sya pabalik napalunok ako ng bumaba ang tingin nya sa mga labi ko, mabilis kong binitawan ang buhok nya at lumayo ng tuluyan.
"Sayang!" Rinig kong bulong nya na napabuntong hininga pa, binatukan ko naman sya.
"Anong sayang!" Tinaasan ko sya ng boses at sinamaan sya ng tingin.
"Sayang? Sayang na sayang talagaaaaa" tumatawang kanta nya, punyeta pati boses maganda sanaol. "Na starstrack ka! Ako lang to Rayne!" Umiling-iling na lang ako at inubos ang hot chocolate ko, Medyo nawala na ang sistema ng alak sa katawan ko. Umalis na din kami aagad ng maubos namin yun.
"Hatid na kita oh may gusto ka pang puntahan?" Tanong nya ng makasakay kami sa kotse nya.
"Maaga pa tara plaza muna tayo!" Aya ko sa kanya. Gulat naman syang tumingin sa akin.
"Alam mo yun!" Nanlalaki ang mga mata nya, inirapan ko na lang sya.
"Anong tingin mo sakin mang-mang!" He nodded playfully, kunyari naniniwala sya bwesit!....... Dumiretso nga kami sa plaza at umupo sa bench sa harap ng fountain. May nagtitinda ng balut na naka bike kaya pinara yun ni Frank at bumili ng apat na piraso.
"Paunahan maka ubos neto tapos ang matatalo may dare! Ano palag!" Tumataas baba ang kilay na sabi nya.
"As if naman mananalo ka sa akin!" Mayabang na sabi ko.
"Tsk daming alam!" Inirapan nya ako kunwari. Inayos nya ang balut sa pagitan naming dalawa ng maayos ay saka sya bumilang. "Pag bilang ko ng tatlo bago magsimula huh wag kang madaya!"inirapan ko naman sya ako pa talaga!. "1,2-go". Napamaang ako ng mabilis nyang damputin ang isang balut. Hanep wala daw dayaan pero gago na yan. Mabilis kong kinuha ang isa pang balut at sinapak sya sa braso. Muntik nya ng madura yung kinakain nya. Mabilis kong sinubo ang isang buong balut matapos kong matanggalan ng shell. Lumulubo ang pisngi ko sa bilis ng pagnguya ko. Tinanglan ko ulit ng shell ang isa pa at nagmamadaling ngumuya ng makita kong paubos na ang natitirang balut na kinakain ni Frank.
"Oy awat na talo ka na!" Bumelat sya sakin at ngumiti ng nakaluluko. Umalis sya saglit para bumili ng tubig pagbalik nya saktong kauubos ko lang ng balut. Inabot nya sa akin yung isang botle water at ininom nya naman yung kanya." Pano ba yan talo ka!" Mayabang na sabi nya.
"Kung hindi ka ba naman madaya!" Sarkastikong sabi ko.
"Talo ka lang!"
"Madaya ka!" Hindi nagpapatalong sabi ko.
"Tsk! Mag twerk it like Miley ka!" Tumatawang sabi nya hinampas ko naman sya sa braso.
"Ang baboy mo talaga!" Pikon na sabi ko, tinawanan lang ako ng abnoy.
"Ok sige ei message mo na lang yung taong gusto mo sa i********:!" Sabihin mo na gusto mo sya!" Tumatawang sabi nya, kinabahan naman ako.
"H-huh! B-bakit g-ganon a-ang d-daya mo naman!" Nauutal na sabi ko habang nakaturo as kanya. Tinawanan nya ako lalo ng malakas.
"Wag kang weak Rayne sisiw lang yun! Hindi naman ako magseselos!" Nakangiting sabi nya pero iba ang nababasa ko sa mga mata nya. Bumuntong hininga ako at kinuha ang phone ko at nag compose ng message, tumingin pa ulit ako sa kanya Nakangiti pa rin sya, bumuntong hininga ako ulit at senend ang message sa taong gusto ko. Tumunog ang phone ni Frank kaya kinuha nya yun. Gulat syang tumingin sa akin at sa phone nya. Pabalik-balik ang tingin nya sa akin at sa phone nya ng bigla syang tumayo at diretsong tumingin sa akin.
"Prank ba to!" Seryosong tanong nya sakin. Hindi ko magawang magbiro dahil ang seryoso nya. Tumayo din ako at nilabanan ang titig nya. "Ang panget mo mag prank!" Seryosong sabi nya.
"Mukha ba tong prank?" Seryosong tanong ko sa kanya, hindi sya sumagot at seryoso parin akong tinititigan, napayuko na lang ako at nilaro ang mga daliri ko. Hanep na yan nakakakaba syang tumingin." Hindi to Prank!" Mahinang bulong ko at itinaas muli ang ulo ko para salubungin ang titig nya. " uutusan mo akong umamin tapo--!".... Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang pininulupot ang kamay nya sa bewang ko at hapitin palapit sa kanya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maramdaman ko ang malambot nyang labi sa labi ko.
------------------------------------------------------