CHAPTER 9

2431 Words
*RAYNE* "M-mi piaci! Ano daw?" Naguguluhan kong sinara ang pinto ng condo, "minumura nya ba ako? Gagong yun ah!" Agad kung kinuha ang phone ko at nag search sa Google. "I like you!" Basa ko sa lumabas na sagot sa akin ng google" Ah yun pala yun! Pinahirap pa ako ng lukong yun! pwede nya namang sabihing Rayne I lik-! Putang ina!" Binasa ko ng paulit- ulit yun. Napahawak pa ako sa bibig ko at impit na tumili, agad kung tinawagan si Astra. ["Hoy! Nanjan lang kami kanina Miss mo na ag-"] "Anong ibigsabihin kapag sinabihan ka ng lalaki ng I like you!" Pinutol ko na ang sasabihin nya. ["Umamin na sayo si Frank!"] Pasigaw na sagot nya. "Huh!pano mo nalaman! I mean hindi! Hindi si Frank gagang to!" I hysterically said that. ["HAHAHAHAHAHAHA ang isda nga naman nahuhuli sa sariling bibig! Bahala ka mamroblema sa lovelife mo!"] Pinatayan nya ako ng tawag. "Abat! Binabaan ako ng tawag!" Napasandal ako sa pinto ng condo ko at parang tanga na ngumingiti, huminto lang ako sa pagmumuni-muni ng tumunog ang phone ko,agad na kumunot ang nuo ko ng may tumatawag sa aking unknown number, yung nagtetext sa akin noon!. [Hello kuya Will!] Bungad ko ng sagutin ko ang tawag, tumawa lang sakin ang caller. Amp ["Sino si kuya Will!"] Tumatawang sagot ng caller. ["Then who are you?"] Masungit na tanong ko. [" Tsk! Hindi mo man lang ako kilala huh Ms. Architect!] Napamaang ako ng mapagtanto kung sino ang kausap ko, agad kong binaba ang tawag at aligagang kumuha ng tubig sa Ref. "Peste talaga! Kahiya!" Binatukan ko ang sarili ko at bumalik sa sofa. "At kilan ka pa nahiya Rayne?" Turo ko sa sarili ko. "Mamaya prank lang yun! It's a FRAANNNKKKK!" Binatukan ko ulit ang sarili ko sa mga naiisip ko. Binaling ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng kung ano-ano. Lumipas ang isang linggo na hindi ko nga nakita si Frank, nasa likod lang sila ng Gym nag tetraining pero hindi kami nagkikita, naging busy din ako sa mga plate at assignment ko, late na rin ako umuwi dahil sa training namin. Nakakapagtaka lang dahil matapos nyang sabihing gusto nya ako ei hindi na sya nagpaparamdam,tsk! Sabi na prank lang yun ey. "Ano Rayne! Hindi ka pa talaga kikilos, baka ang lapit lang ng FAU huh! Mga 1 hour ang byahe!" Pagbubunganga sa akin ni Astra, ngayon ang laro nila Frank pero tinatamad ako manood,pagkatapos nyang sabihing gusto nya ako biglang manggoghost! Hindi ko na lang pinansin si Astra at kinuha ang twalya ko at dumiretso sa bathroom. Pagkatapos kong maligo sinuot ko ang binigay na damit ni Merrow, maroon shirt yun na may tatak ng school namin, tinack in ko yun sa black high waisted jeans at pinaresan ko ng white nike rubber shoes. Nag lagay din ako ng light make up.Asus nagpaganda talaga! Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa naiisip ko. Lumabas na ako ng kwarto ng makuha ko ang sling bag ko. "Nag make up pa nga" bungad sa akin ni Erl. "Nagpaganda pero walang jowa!" Dagdag ba pang aasar ni Merrow. "Di ka sure!" I chuckled. "Ay malandi! Naglilihin na!" Hinampas ako ni Astra.Kanina pa to ah. "Coming from you huh!" Balik asar ko sa kanya, tinawanan lang ako ng walang hiya. "Asan banner mo?" Tanong nila sa akin. "Tsk! Kailangan ba yun!" Maang- maangan ko, duh pagkatapos nyang mangghost gagawan ko pa sya ng banner! Tae nya. "Hays! Iwan sayo! Tara na nga!" Lumabas na kami ng condo ko at sumakay sa kotse ko, isang sasakyan lang ang gagamitin namin dahil tinatamad daw sila mag drive. ------------------------------------------------------ *FRANK* "Hoy Lucas tara na mag estart na ang game!" Sigaw ni Drake. Nasa HQ kami kami ngayon nag aayos na dahil mag sisimula na ang game. "Saglit lang pre! Di pa nagrereply si Astra!" Aligagang sabi ni Lucas, napatawa naman kami. "Wag kang O.A pre! Baka nasa bleachers na yung mga yun!" Imiiling na sabi ni Drake. "Tsk! Sinusuyo pa nila siguro Rayne! Hindi na naman siguro manunuod yun kagaya last year!" Napakunot naman ang nuo ko dahil sa sinabi ni Lucas, sabi nya manunuod sya. "Tsk! yun pa! malamang hindi!" I sighed heavily dahil sa sinabi ni Sed, kinuha ko ang phone ko at tinawagan sya, nag riring ang phone nya pero hindi nya sinasagot, tinawagan ko pa sya ng ilang beses pero wala talaga. Tinago ko na lang yun sa bag ko ng tawagin na kami ni coach. Pagdating namin sa Gym ng FAU nilibot ko ang paningin sa bleachers, hindi ko sya makita, napabuntong hininga na lang ako bago umupo sa players bench. "Hoy! Anyari sayo?May sakit ka ba?" Hinampas ko ang kamay ni Sed na nasa nuo ko. "Wala! Naiinis lang ako!" Nakakunot nuong sagot ko, sabi mo pupunta ka. "Hoy! Hoy! Frank! Lucas! Umayos kayo first game pa lang baka talo na agad tayo!" Pinagalitan kami ni Drake pero di ko sya pinansin. "Hindi ko makita si Astra Drake!" Nababadtrip na sabi ni Lucas. "Gago! ayon oh! May banner pa nga!" Napatayo si Lucas sa sinabi ni Drake at lumingon sa kabilang side ng bleachers kung saan naka pwesto ang mga student ng School namin, si Merrow, Erl at Astra lang ang nandon, Nasaan sya? Agad na lumapit si Lucas kay Astra at niyakap ito. "Sabi sayo hindi manunuod si Rayne!" Rinig kong sabi ni Sed kay Drake, napabuntong hininga na lang ako bago umupo ulit. Tumayo lang ako ng tawagin kami ni coach, sinubukan kong mag focus sa sinasabi ni coach pero lutang talaga ako. Magsisimula na ang game wala pa rin sya , nakapwesto na kami sa loob ng court at kinakausap na ng referee si Drake at yung kalaban namin nang mapalingon ako sa babaeng naka suot ng maroon shirt na naglalad sa bungad ng gym, may dala-dalang itong milk tea at chips, napangiti ako ng wala sa oras ng lumingon sya sa akin at nag thumbs up, para akong naexcite bigla maglaro at magpakitang gilas sa kanya. Pumito na ang referee at hinagis ang bola pataas agad na tumalon si Drake at pinalo ang bola papunta sa akin agad kong nakuha ang bola at humarang sa akin ang kalaban ngunit umikot ako at pinasa kay Sed ang bola pumwesto ako sa gilid kung saan ang 3 points at tinanguan si Sed,pagpasa sa akin Sed bumwelo ako at hinagis ang bola sa basket. "Menorca for threeeeee pointsssssss" Dumagondong ang gymnasium sa lakas ng sigawan ng mga tao. " Go papa Frank!" "Let's go babe!" "Asawa ko yan hooooo!" " let's go SPARTAN" Bawat assist sa akin ni Sed na shoshoot ko ang bola, para akong tanga na ngumingiti at tumingin sa pwesto nila Rayne,para syang nanunuod ng sine na nakaupo lang at kumakain inaantok pa ata, wala syang pakialam sa ingay ng paligid, napailing na lang ako at nag focus na sa laro. Natapos ang first quarter na natambakan agad namin ang kalaban, 34- 12. "Puta ganado si Frank!" hinampas ako ng towel ni Sed na tumatawa pa. "Dami kasing chicks na nanunuod!" Pang aasar pa ni Drake, babaero talaga amp. "Isa lang chicks nyan!" Nakangising sabi ni Lucas na nginunguso ang pwesto nila Rayne. Nagsilingunan naman ang mga gago. "Naks! Cap! Yung Ulan mo nanunuod" Kantyaw ng isa namin ka team. Napakunot naman ang nuo ko, anong ulan?. "Tama na yan! Makinig kayo sa akin!" Lumapit naman kami kay coach at pinakinggan ang sinasabi nya. " Bilog ang bola wag kayong papakampanti! First quarter palang! Benedict bantayan mo si Mendez! Lucas bantayan mo yung dalawang humaharang kay Frank! Ikaw Sed pagpatuloy ang pag assist kay Frank! Drake sa baba ka para maka rebound agad! Tumango na lang kami kay coach at bumalik sa loob ng court, nasa kalaban ang bola, masyadong mabilis si Benedict kaya naagaw nya ang bola at pinasa kay Sed, agad na drinible ni Sed ang bola papunta sa kabilang side kaya sumunod kami, pagshoot nya ng bola hindi pumasok mabuti na lang nandon na si Drake, agad na nag rebound at pinasok ang bola sa basket. Malakas ang sigawan ng mga tao na animo'y cheer competition ito at hindi basket ball. Nag appear kami ni Drake, tinapik naman sya sa balikat nila Sed. Lumingon ako sa pwesto nila Rayne na rending-rendi sa lakas ng sigawan ng mga tao. Natapos ang game sa score na 87- 62. Nakipagkamay kami sa mga players ng kabilang school bago bumalik sa bench, si Lucas naman nagmamadaling pumunta sa baba ng bleachers kung saan nandon na si Astra, napailing na lang ako at tumingin kay Rayne na nakatingin sa akin, nginitian ko sya at inirapan lang ako, lalapitan ko na sana sya ng may humarang sa akin na mga babae. "Kuya Frank papicture naman!" Hindi na ako nakatanggi kaya nginitian ko na lang sila. Marami pang nagpapapicture kaya natagalan, paglingon ko sa pwesto ni Rayne wala na sya doon. Hinanap ko sya sa pwesto nila Merrow na kausap sila Drake pero wala sya doon kaya nilibot ko ang paningin ko sa buong gym at nakita ko syang kausap yung isang players ng kalaban naming school. I crossed my arm ang pursed my lips, napatiim bagang pa ako ng tumawa sya sa sinabi ng lalaki, Tinaasan ko sya ng kilay ng lumingon sya sakin. "Abat inirapan pa ako!" Pikon na sabi ko at agad na lumapit sa kanila. "Oy Menorca congrats! Ang galing mo parin" bati sa akin ni Adi, yung kausap ni Rayne. " Oh sige na pards sa sunod ulit! Sibat na ako!" Nakipagkamay pa si Adi kay Rayne bago umalis. Lumingon naman sya sakin bago nginitian. "Congrats!" Maikling bati nya sa akin. "Tsk! Bored na bored ka nga manood" nakabusangot na sagot ko,agad nya naman akong piningot. "Aray! Aray! Bitaw na Rayne masakit!" Sinamaan ko sya ng tingin ng bitawan nya ang tenga ko. "Wag mo akong tignan ng ganyan! Pasalamat ka nga nanunuod pa ako kahit hindi ka nagparamdan ng isang linggo. Napamaang ako sa sinabi nya and bite my lower lip to prevent smiling. Nag iwas naman sya ng tingin, aalis na sana sya ng hawakan ko ang kamay nya. "Bat galit?" I asked! Amused by her expression. "Bat galit?" She mocked my word kaya tumawa ako. "Tsk! Tara libre mo ako ng sangyup!" Inakbayan ko na sya baka mapikon lalo. "Tsk! Magbihis ka nga! Amoy pawis ka eew!" She pushed me softly, so I pulled her closer to me. We both stopped because my face was so close to her face, I stared into her eyes and slowly went down to her red lips, I gulped and held my breath staring at it for a long time. "Ano napicturan mo?" Bigla kaming napahiwalay sa isa't isa at tumingin sa mga kaibigan namin. "Bobo mo talaga Lucas! Ang lakas ng bulong mo taena ka!" Hinampas ni Drake si Lucas at Pekeng ngumiti sa amin. "Ah! He. He! Ahmmm Rayne hiramin muna namin si Frank huh!" Parang tangang sabi si Sed. "Go ahead! Hintayin na lang namin kayo nila Astra! Tinanguan nya ako at naglakad paalis na parang walang nangyari. Wala naman talaga!. "Mag judge ka muna!" Inabotan ako ng bubble gum ni Lucas, hinampas ko naman sya at sumunod kay Sed. "Gano kalapit yun pre? Ganito diba!" Sinamaan ko ng tingin si Drake at Lucas na ginagaya ang pwesto namin ni Rayne kanina. "Hilahin mo ako ng ganito dali!" Hindi pa rin sila tumitigil kaya napailing na lang ako. Pag dating namin sa HQ binati na agad kami ni coach, nagkaroon lang ng kunting meeting at nagpaalam na kami sa kanila. "Antagal ninyo nagugutom na ako!" Reklamo agad ni Astra kay Lucas pagdating namin sa labas ng gym natagalan pa kami dahil maraming nagpapapicture. " Tara sa G -Shot nauuhaw ako gusto ko ng Red horse!" Sumang ayon naman kami kay Drake. Isang sasakyan lang ang dala nila Rayne kaya sama-sama silang mga babae. "Convoy tayo!" Tumango na lang kami kay Sed at sumakay na sa kanya-kanya naming sasakyan malapit lang ang G-shot kaya nakarating din kami agad. Pagbaba namin sa parking lot sabay-sabay kaming pumasok, kumuha kami ng VIP room para kami-kami lang. Nag order agad ng isang bucket ng beer si Drake at hard drinks na vodka, brandy at tequila, napailing na lang ako dahil paniguradong lasing kami neto lahat pag uwi. "Ako na unang titira!" Malakas na sigaw ni Merrow, Pinigilan agad sya ni Drake pero sinamaan lang sya neto ng tingin at binuksan ang tequila, nag salin sya sa shot glass at nilagok yun ng nakatakip pa sa ilong, agad syang kumuha ng asin at lemon para mawala ang pait. Nagsimula na din kaming uminom ng beer, pinapanuod ko lang uminom si Rayne, taena ang lakas uminom ng babaeng to. Nakakailang beer na sya matino pa rin, sya pa unang uminom sa vodka, walastik! "Alam mo Drake gwapo ka sana! Mukang bakla ka lang!" Nadura ni Drake ang iniinom nya ng sabihin yun ni Merrow na tumatawa pa. "Halikan kaya kita dyan!" Seryosong banta ni Drake kay Merrow. "Sabihin mo muna salamat shoppe!" Pang aasar pa ni Merrow sa kanya, kaya hinila nya ito palabas ng VIP room, naghiyawan naman kami at hindi sila pinigilan. "Labas lang kami!" paalam ni Lucas at Astra. "Sed tara sayaw tayo!" Biglang hinila ni Erl si Sed. "Wait! Don't pulled me okay I'll follow you!" "Ang arte mo naman!" Hinila nya ulit Sed at wala na itong nagawa. Tahimik lang kaming umiinon ni Rayne nag magsalita sya bigla. "Kaya pa?" Tanong nya sa akin, napapailing akong ngumiti. "Ako pa talaga tinanong mo!" I chuckled at Tumabi sa kanya, namumula na ang pisngi nya pero hindi pa lasing, tipsy pa lang. "Tsk! Malakas to!" Pagyayabang nya. " So bakit hindi ka nagpaparamdam sa akin?" Seryosong tanong nya. "Bakit? Namiss mo ako?" Nangiti kong tanong sa kanya habang hinuhuli ang tingin nya. "Tsk!" Tangeng sagot nya at umiwas ng tingin sa akin, Hinawakan ko ang balikat nya at hinarap sya sa akin. "Are you made of copper and tellurium?" I asked her. "Huh? Pinagsasabi mo?" Nakakunot nuong tanong nya sakin. "Because you're Cu Te!" Nakangiti kong sabi sa kanya, napatawa sya sa sinabi ko. "Babanat kana nga lang yung mahirap pang ma gets!" Tumatawang sagot nya sa akin. "Atleast natawa ka!" Tinitigan ko sya sa mata at ginantihan nya yun. "You look ill!" Nakatitig na sabi nya sa akin,naguluhan naman ako bigla sa kanya. "Huh! Hindi naman ah!" Kinapa ko ang nuo at leeg ko, seryoso lang syang naka tingin sa akin. "You must be suffering from a lack of vitamin ME." ---------------------------- ------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD