*FRANK*
Nong highschool tayo hindi kita napapansin dahil nasa star section ka samantalang ako nasa second to the highest section lang, palagi kong naririnig ang name mo noon kasi palagi kang nasasali sa ibat-ibang competition, quiz bee, trivia, debate, impromptu at marami pang iba.
Akala ko dati nerd ka dahil sa kwento ni Sed, hindi ka daw nya matalo kasi sobrang talino mo daw, sabi nya pa threatened sya sayo pero parang wala ka daw paki alam, tinatawanan ka pa namin dati kasi akala naman nerd na panget ka, hanggang sa isang araw inaya kami ni Sed na manood ng laro mo nagpustahan pa kami ni Drake at Lucas kung anong itsura mo.
Pagdating namin sa gym non naghanap na kami ng babaeng may malaking salamin at parang manang manamit, tinatawanan pa kami noon ni Sed dahil hindi ka daw ganon, hinanap ka pa namin sa mga players ng school natin pero wala kaming makitang panget, hanggang sa tinawag ang pangalan mo bilang Captain ball ng team.
Napatayo kami ni Drake at Lucas dahil ang ganda mo pala malayong malayo sa naiisip namin, suot mo non ang blue Jersey shirt at short nyong uniform, kitang-kita ang kurba ng iyong katawan at sana 5-8 ang height mo sa tantya ko, hinila kami paupo ni Sed na tumatawa pa.
Ang galing mong maglaro at ang bilis mo sa court hirap na hirap ang kalaban nyo non, kahit siguro ako matatakot kapag nag simula ka ng bumwelo at paluin ang bola, para kang lumilipad sa taas ng talon mo, napapalakpak pa ako ng manalo kayo at naging MVP ka, simula non palagi na kaming pumupunta ni Drake at Lucas sa classroom nyo, minsan pa naabutan namin na nagdedebate kayo ni Sed sa isang sagot na hindi namin maintindihan.
[Integrated science is a course with merged topics like biology, chemistry,etc.,while science is a big body of knowledge,it is about everything around us even inside our own body.] Sagot ni Sed non habang nakatingin kay Rayne.
[ Integrated science is when you're using a holistic approach of all of the science to answer a questions or research a phenomenon. Therefore, you could be using physics, biochemistry, and math to research a question. General science is like a general tour or introduction to many disciplines in the sciences, but often doesn't offer the holistic approach. You just sample a little from physics, a little from biochemistry, and a little from math.] Hindi nagpapatalong sagot ni Rayne. Senearch pa namin kung ano yun at mas detalyado mo iyong na explain kumpara kay Sed.
Sa araw-araw kitang nakikita lalo akong humahanga sayo kahit wala ka namang ginagawa, hanggang sa tumuntong tayo sa grade 10 at naging si Lucas at Astra, excited ako kapag nagkakasama tayo sa galaan, tuwang-tuwa ako kapag nagkaka usap tayo kahit ang tipid mong sumagot, naging inspirasyon kita sa acads ko pati sa paglalaro ng basketball kahit hindi ka naman nanunuod.
Nang tumuntong tayo sa Senior high na inspired ako lalo dahil same strand tayo kaso nasa section 2 ako pero hindi naging hadlang yun at lalong humanga pa ako sayo, sobrang proud ako sayo na para bang anak kita nong sabitan ka ng medalya, ang lakas pa ng palakpak ko non nakatayo pa ako, tinatawanan at kinakantyawan pa ako ng mga tropa natin pero wala akong paki alam tinatakot ko pa noon ang mga nagtatangkang manligaw sayo.
Sabay tayong nag enroll sa college pero hindi mo pa rin ako napapansin, lagi akong nanunuod ng game mo pero ikaw minsan lang kita makita pag game namin, limang taon na! Limang taon na kitang gusto , hindi lang basta gusto! Gustong-gusto mag aanim na taon na nga sa mismong game nyo sa September ey. Nong natamaan ka ng bola hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nag message ako sayo at humingi ako ng sorry sayo, hinintay ko ang reply mo natawa ako dahil thumbs up lang ang reply mo sakin, pati ba naman sa i********: ang tipid mo sumagot.
At dumating yung araw na pinakahihintay ko yung makasama ka na tayo lang dalawa kaya nong ibilin ka sa akin ni Merrow grab the opportunity agad sinamahan na kita, gusto kitang makasama ng matagal kaya sinadya ko pang iwan ang kotse ko at maglakad habang hawak kita na parang bata na mawawala kapag binitawan ko, halatang ilang na ilang ka sa akin, bawat galaw mo kinakabisado ko natawa pa ako ng papakin mo ang chocolate sa ilalim ng yelo, ang cute mo non puta! kaya binilihan na kita ng chocolate, lagi akong ina -update ng mga tropa natin tungkol sayo suportado pa ako ng mga loko kaso sobrang manhid mo.
Lalong lumakas ang loob ko sa harap mo kapag ngumingiti ka sakin, kaya sinubukan ko ng magpapansin sayo, abot langit ang tuwa ko kapag pumapayag kang sumasabay sakin kumain, kapag sabay tayong umuwi, kapag kinakausap mo na ako ng hindi na iilang sa akin, kapag nakikipag biruan ka na sa akin, kapag hindi ka umaangal kapag inaakbayan kita at nong malaman kong gusto mo ng Engineer.
Sobra-sobra ang saya ko ng malaman kong ako pa lang ang nakaangkas mo sa motor mo, Nong ikaw na ang mag-ayang kumain, Nong ihatid mo ako sa bahay namin, nong hatidan mo ako ng pagkain sa lunch at nong manuod tayo ng sine kahit natulog ka lang at mag laro sa arcade ng kung ano-ano, kahit hindi yun date! para sa akin masasabi kong date na yun. Alam ko sa sarili ko na may Pag-asa ako sayo Rayne pero hindi muna ako aamin dahil hindi ako sigurado kung pareho tayo ng nararamdaman.
"Ambobo mo Frank! Request backup nga ei!" Natawa ako sa sinabi ni Rayne naglalaro kami ngayon, 11 pm na pero heto at nag eml kami.
"Papunta na nga!" Sagot ko sa kanya nasa condo nya kami ngayon kasama sila Lucas at iba pa naming tropa,Tulog na sila sa kwarto ni Rayne ang mga babae kami naman mga lalaki sa kabilang kwarto, nasa sala kami ngayon at nag lalaro.
"Tsk! pagtulungan natin ang turtle bilis!" Natatawa ako sa kanya dahil Seryusong-seryuso sya mag laro, kala mo competition star lang naman ang makukuha. Sa huli nanalo kami at sya ang MVP dinuro pa ako dahil pabuhat daw ako samantalang isang kill lang naman ang lamang nya sakin.
"Tulog na tayo" aya ko sa kanya, umiling sya sa akin kaya kumunot ang nuo ko.
"Tatapusin ko pa ang plate ko para wala na akong gagawin sa game nyo!" Tumango na lang ako at tinulungan syang isalansan ang gagamitin nya next week na ang game namin, Saturday ngayon kaya nagkayayaan mag sleep over dahil walang gagawin bukas. Tumayo ako ng magsimula sya, kulay na lang ang kulang doon kaya sa palagay ko matatapos nya din sa madaling araw, nag ikot-ikot ako sa sala nya at nakita ang mga gawa nya sa isang glass cabinet, may mga painting din na nakasabit sa dingding, may pirma bawat painting kaya alam kong sya ang may obra non.
Napahinto ako sa isang painting, isa iyong modern house na puro glass, ang ganda ng desenyo at detalyado ang pagka pinta. Pinicturan ko yun at pinost sa day ko na may caption na ms. Architect napangiti ako dahil sobrang talented nya, siguro nong nagpaulan si God ng talento naka drum pa sya.
"Ang ganda neto!" Turo ko sa painting, humarap sya sakin at tinignan ang painting na tinuturo ko.
"Yan ang dream house ko!" Mayabang na sabi nya, Napangiti naman ako dahil alam kong gusto nya talaga ito.
"Kung gusto mo ako ang magtayo ng bahay mo! 50 percent disscount! " Mayabang din na sabi ko sa kanya. Nginisian nya lang ako ang inikotan ng mata.
"Tsk! Alam kong gugulangan mo ako! Baka milyon pa singilin mo sa akin wag na lang!" Natatawang sagot nya sakin bago pinagpatuloy ang ginagawa nya. Pambihira talagang babae ito, minsan makulet minsan seryuso madalas mayabang.
"Tsk! Tanggihan daw ba ang offer ko! Panget naman" pabulong pero nagpaparinig na turan ko, wala lang masaya lang ako kapag pikon na pikon na sya sa akin.
"Naririnig kita tukmol! Dito ka nga kailangan ko ng matatawanan para madali kong matapos to!" Napakunot naman ang nuo ko sa sinabi nya, ako talaga ang napili nyang pagtawanan ha!
"Ayaw ko amaw ka!" Nakangising sagot ko sa kanya sinamaan nya ako ng tingin kaya lumapit na ako ng natatawa. 3 am na sya natapos antok na antok na ako kahihintay sa kanya, naka apat na movie ako sa netflix bago sya natapos, kahit bagot na bagot ako hinintay ko pa rin sya. Tinulungan ko muna syang magligpit bago pumunta sa kusina at pinagtimpla sya ng gatas, pag balik ko sa sala nakahiga sya sa sahig na nakapikit, napailing na lang ako sa kaburaraan nya.
"Tumayo ka jan malamig ang sahig! Hindi nya pinakinggan ang sinabi ko at nagpatuloy sa pagtulog, napabuntong hininga na lang ako at naglakad sa pwesto nya, binuhat ko sya na ikinabigla nya.
"Hoy! Ibaba mo ako mabigat ako!" Hindi ko sya pinakinggan at inilapag sya sa sofa, kinuha ko ang gatas at inabot sa kanya.
"Ubusin mo na yan at matulog na tayo!" Tinanguan nya lang ako bago ngumiti at Ininom yun.
-----------------------------------------------------
*RAYNE*
Napangiti ako ng timplahan nya ako ng gatas para akong tanga na ngumingiti, gatas lang naman to hindi naman galing sa Starbucks! bear brand lang naman ata to ey.
"Thank you! Sige na tulog na ako! Goodnight! Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko pagkatapos kong nagpaalam, bat ganon para akong bata bigla, pinilig ko ang ulo ko at dumiretso sa bathroom para mag toothbrush at gawin ang skin care ko, tumabi ako kay Erl at natulog na.
"Ghorl wake up! Tulog mantika ka!" Binato ko ang unan na nakatabon muka ko kay Erl, dumapa ako at niyakap ang pinakamalapit na unan inaantok pa ako ang aga-aga.
"Hoy Holyrayne bumangon ka jan 1 pm na!" Napabalikwas ako sa sigaw ni Astra at mabilis na tinignan ang oras sa phone ko, bullshit!8 am pa lang. Inabot ko ang unan at binato sa kanya.
"What the hell Astra! I'm sleepy! You idiot!. Kinuha ko ang pambahay na tsinelas at Ibinato sa kanya, tumawa lang sya ng tumawa, I rolled my eyes bago pumasok sa bathroom at inayos ang sarili ko paglabas ko sa kwarto nandon silang lahat sa sala maliban kay Frank, tulog pa siguro!.
"Uuwi na kami Rayne! Thank you sa pag ampon sa amin kagabi!" Ngumiti lang ako kay Sed bago tumango-tango. "ahmm ano! Ano kasi! Si Frank tulog pa! Ang hirap gisingin!" Nakakamot batok na dagdag nya pa, oh ano naman kung mahirap gisingin? Anong problema ng mga ito? Nagtataka ang sa mga ikinikos nila. " ahmmm hehe alis na kami Rayne thank you ulit!" Nagmamadali silang umalis at nagsisipaan pa.
"Bakla alis na kami!" Sigaw sa akin ni Merrow bago sinara ang pinto ng condo ko. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref, naghahanap ako ng pwedeng lutuin I end up cooking bacon, egg, hotdog and spam, I even cook fried rice dahil feel ko lang ei fried hehe.
"Morning!" napalingon ako kay Frank na halatang kagigising lang medyo basa ang buhok nya kaya sa tingin ko nakaligo na sya, kinukusot nya pa ang mata nya na parang bata, ang husky ng boses pero asal bata! Napailing na lang ako sa naiisip ko.
"Hey! Morning!" Maganang bati ko habang sinasalin ang fried rice sa bowl, umupo sya sa counter stool at napangalumbabang tinitignan ang mga niluto ko.
"Akala ko hindi ka marunong magluto! RK ka kasi! Nakangising tinitignan pa rin ang mga ulam.
"What's RK! nagtatakang tanong ko, tumawa naman sya na parang hindi makapaniwala sa tanong ko, dapat ba alam ko?. Tinanggal ko na ang apron ko at umupo na sa kabilang sa side ng countertop paharap sa kanya.
"RK lang di mo alam!" Sinamaan ko sya ng tingin, itatanong ko ba kong alam ko, bobo neto.
"Nabarag na sana kita kung alam ko obobs ka!" Sumandok na ako ng pagkain at hindi pinansin ang tawa nya .
"RK means rich kid! Okay na! Happy na ako! Nag thumbs up pa sya sa akin bago sumandok na fried rice at sinubo yun ng walang ulam.
"Masarap?" Ngiting asong tanong ko, nginuya-nguya nya yun at tumatango pa akala mo judge sa isang food competitions.
"Masarap! Lasang bawang! Hinampas ko sya dahil sa gagong sagot nya. "Bakit? Totoo naman ah!." Nakakalukong dagdag nya pa, sinamaan ko sya ng tingin.
"Wag kang kumain! Lumayas ka!" Pinaghirapan ko yang lutuin tapos gaganyanin nya lang, as in hello! Ang hirap mag fried ng rice noh.
"Ito naman joke lang ey! Masarap! lalo na't ikaw nag nagluto." Pang uuto nya pa sa akin bago kumuha ng bacon. "Ano pa kaya mong lutuin bukod dito!" Masiglang tanong nya.
"Yan lang! Basta fried and easy to cook like noodles!" Walang kwentang sagot ko at nagpatuloy kumain, napamaang naman sya at tumawa ng malakas. Nakakarami na ng tawa to ah.
"Mabulunan ka sana! Amen!" Lalo syang humagalpak sa tawa dahil sa sinabi ko, hinahampas pa ang countertop parang tanga!.
"Hays Jesus! Akala ko ba naman maalam ka mag luto! Puro prito lang pala ang kaya mo!"sinamaan ko sya ng tingin, hindi ba matatawag na luto itong kinakain namin?
"Alam mo! demunyo ka!" Pikon na talagang sabi ko at nagdadabog na kumain.
"Hey easy! Joke lang ey! Sa susunod tuturuan kita para hindi puro prito ang kakain mo!" Nawala bigla ang inis ko at ngumiti sa kanya nag thumbs up na lang ako dahil puno ang bibig ko. Pagkatapos naming kumain sya na ang nagprisintang hugasan ang mga pinagkainan. Dumiretso ako sa kwarto at kumuha ng mga librong related sa mga subject namin bago pumunta ako sa sala, sinuot ko ang salamin ko sa mata at nag highlight ng mga keyword para hindi ko makalimutan.
"Ano yan?" Napaangat ang tingin ko kay Frank na tinitignan ang mga libro sa lamesa.
"Libro malamang" pabalang na sagot ko sa kanya.
"I mean anong ginagawa mo?" Tumabi sya sa akin at kinuha ang isa sa mga libro sa lamesa.
"Nag ha- highlight lang!" Seryusong sagot ko, hindi ako nakatanggap ng tugon sa kanya kaya nilingon ko sya binabasa nya yung librong kinuha nya.
"Feeling ko magiging sikat ka na Architect ka someday at pag nagkataon sayo talaga ako magpapa design ng bahay ko." Napangiti naman ako sa sinabi nya, kita mo nga naman may sense din sya kausap minsan.
"Tsk! Feeling mo lang yun!" Pambabara ko sa kanya pero natutuwa talaga ako sa sinabi nya, inismiran nya naman ako at bubulong-bulong pa.
"Pinuri na nga! Nag- eenarte pa!" Pagpaparinig nya sa akin. " Aalis na ako ! Wag mong kalimutan yung game namin ah!" Tumayo sya at kinuha ang gamit nya sa kabilang kwarto bago bumalik sa sala.
"Oo na! gawan pa kita ng banner para manahimik ang kaluluwa mo!" Tumawa naman sya sa sinabi ko, tumayo ako para ihatid sya sa labas.
"Naks may pa banner si mayora!" Inakbayan nya ako at ginulo ang buhok ko, binatukan ko naman sya at inayos ang buhok kong ginulo nya.
"lumayas kana nga!" Tinulak-tulak ko sya at nagpapabigat na naman sya habang tumatawa.
"Baka sa game na tayo mag kita kasi mahigpit na training namin ngayong week!" Parang batang sabi nya ng makarating kami sa pinto.
"Tsk! Edi maganda walang manggugulo sa akin ngayong linggo!" Pang iinis kong sabi sa kanya.
"Pakayabang mo! Pag kami nanalo libre mo ako ah!" Pangungulit nya pa, iwan ko ba kung bakit natitiis ko to.
"Oo na! Ingat sa pag dadrive!" Ngumiti naman sya bago kumaway sa akin. Isasara ko na sana ang pinto ng tawagin nya ang pangalan ko.
"Rayne!"
"Ano na naman" kunwaring inis na sabi ko.
"mi piaci" nakangiting sabi nya bago tumalikod at umalis.
-----------------------------------------------------