CHAPTER 7

4664 Words
RAYNE* "Morning" bati ko sa kanila bago umupo at nag sandok ng kain at ulam, kumpleto kami ngayong umaga mag breakfast, maluwag siguro schedule ni Kuya sa Hospital, 8 am pa lang naman! wala din akong klase pag friday kaya mag tetraining na lang ako ngayon. "May training ka bukas?" Tanong ni Dad habang kumakain kami nginuya ko muna ang bacon bago sumagot. "I have a training tomorrow in the afternoon! Why Dad?" Kumuha ako ng juice at uminon. "Lumipat kana bukas ng umaga! Yun lang ang freetime mo!" Napatigil naman ako sa pag inom ng juice at tumingin kay Dad. "Pinapalayas nyo na ba ako?" Nakakunot nuong tanong ko, tumawa naman sila kaya napasimangot ako. "Hindi naman! Ang sa akin lang mabuti ng lumipat kana para di na hassle sayong umuwi pa dito ng gabing-gabi na. Tumango na lang ako kay Dad at nag patuloy kumain. "Anak kanino pala jacket yung pinalabahan mo kay manang? hindi naman sayo yun!" Nabilaukan ako bigla sa tanong ni mommy hindi naman big deal yun pero parang kinabahan ako bigla. "Ah sa kaibigan ko Mom! hiniram ko lang hehe!"kinakabahang sagot ko kay Mommy bago uminom ng tubig at umiwas ng tingin. "Ah! kaibigan mo pala yung anak ni Amara, ano na ngang pangalan non Hon? Tanong ni Mommy Kay Daddy, nginitian muna ako ni Dad bago sumagot kay Mommy. Lalo akong kinabahan dahil kakaiba yung ngiti ni Dad yumuko na lang ako at nagpatuloy kumain. " Si Frank inaanak natin nakalimutan mo na agad!" Sagot ni Dad napakunot nuo naman ako dahil ngayon ko lang nalaman jusko ilang taon na ako pero ngayon ko lang nalaman. "Hinatid nya pa nga si Rayne nong nakaraan!" Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at inangat ng mabagal ng ulo ko nakatingin sila sakin na para bang nakagawa ako ng hindi maganda. "Ah may paghatid na palang nangyayari sanaol!" Biglang sabi ni Bryte na nakakalukong tumingin sa akin, lumingin ako kila Mom and Dad na kagaya ni Bryte nakangisi din, nilingon ko si kuya ng bigla itong magsalita. "Manliligaw mo?" Seryusong tanong ni kuya, kinabahan ako lalo ,ngayon ko lang sya makitang ganon ka seryoso. "Hindi ah!" Maagap na tanggi ko, kaibigan ko lang yun! Kaya nya ako hinatid dahil flat diba ang gulong ng motor ko nong kailan! Kaya hinatid nya ako!" Nagpaliwanag talaga ako dahil kinakabahan ako. "Bakit kasi hindi mo ginamit ang kotse mo? Wag mong sabihing sinundo ka pa nya!" Tanong nya naman. "Hindi ahh! Naglakad lang ako non tsaka tinatamad ako mag drive! Teka lang nga! teka lang! Bakit ang seryoso mo kinakabahan ako sayo kuya!" Sinabi ko na baka nampaprank lang to. "Matanda na yang kapatid mo wag mo ng pigilan! Ikaw kilan mo kami bibigyan ng apo?tanong nila kay kuya kaya sa kanila nabaling ang tingin ni kuya, HAHAHA kala mo ikaw na nasa hot seat ngayon, nagdidiwang ang isipan ko. "Wala ngang girlfriend apo pa kaya!" Sagot ni kuya kaya tumawa kami hindi pa ata makamove on sa ex nya, well kahit naman siguro ako hindi makakamove on kay ate Winnie, sa ganda at bait non tanga na lang talaga si kuya kung bakit nya pinakawalan yun. "Asus baka may hinihintay na bumalik!" Nanunukso ang tuno ni Bryte kaya tumawa kami lalo. "Kaysa naman sa iba jan pinagpalit sa malapit!" Pagpaparinig ni kuya kay Bryte, tumawa ako ng mahina mahirap ng mabalik sa hot seat. Tumingin sila sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Wala akong nakarelasyon kaya wala kayong mapapala sakin! Ubos ko na ang pagkain ko umupo lang ako roon dahil tinatamad pa akong kumilos. "Ang panget mo kasi kaya wala kang manliligaw!" Inirapan pa ako ni Bryte, I mocked her word at inirapan din sya. "Tsk pag ako nag jowa gusto ko engineer." Ngumiti pa ako,ginaya ko lang yung memes na nakita ko sa f*******: na gusto daw nila ng engineer. "Ay goals! Power!"Magiliw na sabi ni Mommy inapiran pa ako, napailing na lang ako at tumayo para umakyat sa kwarto ko at mag ayos. 10 am na kaya naligo na ako, pagkatapos kong maligo nagbihis na ako ng damit, nag short lang ako ng maong at maluwag na white t-shirt na may tatak ng dahon ng mariwana, sinuot kuna ang black sneakers ko at inilagay sa duffle bag ang mga gamit ko. Pagbaba ko inabot sakin ni manang ang paper bag na laman ang jacket ni Frank. Dumiretso na ako sa garahe at sumakay sa kotse ko, ito gagamitin ko ngayon dahil naka shorts lang ako. Pagkarating ko sa TCU ( Trinity Coliman University) nag message ako kay Frank sa i********:. "Saan ka? Dala ko jacket mo!" Naghintay ako ng kunti bago sya nag reply. ["Nasa court, puntahan na lang kita dyan wait lang! "] Mabilis akong nag reply at bumaba sa kotse ko at nilock yun "Ako na pupunta jan! Nag lunch kana?" Bilihan ko na to ng pagkain nakakaawa naman. "[Hindi pa nga! Patapos na rin kami"] Hindi na ako nag reply at bumalik sa kotse ko para bumili ng pagkain sa labas, nag order lang ako ng takeout sa isang restaurant malapit sa school bago bumalik. Dumiretso na ako sa Basketball court, malayo pa lang ay natatanaw ko na ang mga naglalaro doon, umupo muna ako sa bleachers at hinintay silang matapos. "Kanina ka pa jan" tanong sakin ni Frank nang puntahan nya ako sa bleachers pagkatapos ng training nila. "Hindi naman sakt--" natigil ako ng maghubad sya sa harap utomatikong bumaba ang pangin ko mula sa muka nya pababa sa six pack abs nya, tumutulo pa ang pawis nya kaya pinupunasan nya yun ng towel naiinis pa ako dahil nahaharangan non ang abs nya, tumiko pa ang ulo ko para makita ko ng maayos yun napalunok pa ako at binasa ang labi ko,binalik ko ang tingin sa mata nya ng huminto sya bigla sa pagpunas ng pawis nya. Nakangisi sya sakin na para bang may nahuli syang isda sa dagat. "Kung gusto mong hawakan sabihin mo lang ipapahawak ko naman!" Mayabang na sabi nya, namula naman ako at biglang nahiya sa sinabi nya, hindi ko ang alam kung saan ko ibabaling ang ulo naaaligaga ako. "H-hoy di-diko na-naman ti-tinignan ah! tsaka may abs din ako oh!"Tinaas ko ang damit ko at pinakita sa kanya ang abs ko bigla nyang binaba ang damit ko at iniwas ang tingin sakin, huli ko na naisip kung anong katangahan ang ginawa ko, napapikit ako ng mariin at biglang tumalikod sa kanya, hinila ko ng mahina ang buhok ko at pumikit ng mariin, kingina akong ginawa ko, kinalma ko muna ang sarili ko bago kinuha ko ang paperbag laman ang pagkaing binili ko kanina at humarap sa kanya. Nakasuot na sya ng blue na t-s**t, hays thanks God. "O-oh binilihan na kita ng lunch mo!" Patay malisya kung inabot sa kanya ang paperbag kinuha nya rin yun at tinignan ang laman, hindi sya makatingin sa akin at napansin kong namumula ang tenga nya iniwas ko ang tingin ko ng sulyapan nya ako, para akong tanga na kung saan-saan tumingin, napakamot ako ng kilay at sumulyap ulit sa kanya, nakita kong nakangiti na sya at ginulo ang buhok ko. "Ang awkward! Tara Kain na tayo dito!" Tumango na lang ako at umupo ulit. "Hoy! Hoy! ano yan! Pagkatapos sa karinderya dito kayo sa bleachers mag dedate !" Natigilan kami pareho ni Frank at lumingon kila Lucas sa baba ng bleachers na nakangising naka tingin sa amin. "Tirador ng volleyball player ka pala Cap!" Sabi ng isang members nilang hindi ko kilala tumawa naman ang iba. "Tirador ng Architect!" Dagdag na asar ng isahindi ko kilala. "Nalingat lang kami saglit kumakain kana jan!" Nakitawa din si Drake at hinahampas pa si Lucas. "Tapos na kayo? pwede na ba kami kumain? Walang emosyong sabi ni Frank, napatigil sila bigla sa pagtawa at nag iwas ng tingin. "Bobo mo Lucas! Tara na!nagmamadaling nag sialisan silang lahat, kumunot ang nuo ko dahil ngayon ko lang sya nakitang ganon, grabe lakas ng dating nya kapag ganon. Lumingon sya sa akin ng makaalis na silang lahat, nakangiti na sya na parang walang nangyari. "Ang creepy mo" naiiling kong sabi sa kanya at kinuha ang laman ng paperbag at nilapag sa pagitan namin tumawa lang sya at tinulungan ako. "Ganito ako pag sa court at sa ibang tao." Walang kwentang sagot nya. I mocked his words before getting my food. "Ang panget mo sa ibang tao!" Walang pakialam na sabi ko, napahinto sya sa pagsubo at Binigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin. "Itong mukang to?panget? Ha! Ha!" Hindi makapaniwalang tanong nya. "Pag ikaw na fall sa mukang to kala mo!" Nagyayabang na dagdag nya. "As if naman! Baka ikaw ang maunang mafall!" Nakangising sagot ko, natigilan sya at umiwas ng tingin. "Bakit? Kapag na fall ba ako sasaluin mo ako?"ako naman ang natigilan sa tanong nya, hindi ko mahanap ang tamang sagot sa isipan ko. "Siguro!" Nagkibit balikat ako, Yun na lang ang sagot ko at nagpatuloy sa pagkain, hindi pa naman ako napasok sa isang relasyon kaya hindi ko alam ang isasagot sa tanong nya. "Siguro? Bakit hindi ka sure?" Parang batang tanong nya na naman, ano bang gusto nyang sabihin ko, ano ba dapat. "Tsk! Atleast may sagot!" Inismiran ko sya, inismiran din ako ng gago tapos bubulong-bulong pa. "anong type mo lalaki?" Out of blue na tanong nya, napaisip din ako kung ano ang type ko sa lalaki. "Hmmmm!"napatigil ako sa pagkain at tumingin sa langit na para bang nandon ang sagot sa tanong nya. Naalala ko bigla yung sinabi ko kaninang umaga nong nag breakfast kami, yun na lang siguro isasagot ko."Basta Engineer okay na" kibit balikat na sagot ko sa kanya. "Ahhh engineer!" Nagpipigil na ngiting turan ni Frank at maganang kumain na parang nanalo sa loto, tinignan ko naman sya at nagtataka kung bakit kinakagat nya ang labi nya at pinipigilan ang ngiti. "Para kang tanga jan!" hindi ko na napigilan at naibulalas ko iyon,napatigil sya at tinignan ako, ngumiti muna sya bago sumagot. "Tanga na bang matatawag ang pagngiti habang kumakain?" Nakangiting tanong nya pa rin sa akin, I made a face and shook my head." Kapag may nanligaw sayo, sasagutin mo?" Dagdag na tanong nya. "Tsk! Syempre depende sa performance at kung gusto ko ba yung taong manliligaw! Kapag di ko bet evicted agad" walang kwentang sagot ko, uminom ako ng tubig bago tumingin sa kanya. "Bat ba tanong ka ng tanong?" "Wala lang! Tara hatid na kita sa gym!" Niligpit na nya ang pinagkainan namin bago tumayo,naglalakad na kami ng magsalita sya ulit. " malapit na game namin! Manunuod na kaba?" Tinignan ko sya saglit bago sumagot. "Saan ang unang game?" Tanong ko, para naman syang nabuhayan at ngumiti muna bago sumagot. "Sa FAU! Hindi pa namin alam kung sino ang makakalaban namin pero sabi ni Coach doon daw ang unang game!" Tumango -tango na lang ako sa sagot nya, manunuod talaga kami dahil linggo yun walang training, kahit sila ang mauunang maglaro naaabotan nila kami dahil tuwing weekends lang ang laro nila kapag semi finals na bago sila may laro sa weekdays. Sa SU ang opening remarks lahat players nandon kaya nandon din kami. "Sinong kasabay nyong may laro?" Malapit na kami sa gym ng tanungin ko sya. "Athletics, swimming, boxing and archery! May meeting kami mamaya kaya alam ko, two weeks na lang bago mag simula ang game kaya mahigpit na si coach sa amin." Nakakamot batok na sagot nya. "Ahmmm pwede pa tambay dito? 2 pm pa start ng training namin ey patambay muna!" Tinignan ko sya bago tumango hindi naman sa akin tong gym kaya bakit ako tatanggi. "Doon ka sa bleacher!" sabi ko bago tuluyang pumasok sa loob,nandon na ng iba kinawayan ko sila bago pumasok sa washroom at nagpalit ng damit, naka white t-shirt ako na may logo ng school, apelyido ko at tatak ng bola ng volleyball, naka sport short ako at cycling sa loob sinuot ko muna ang Adidas rubber shoes ko bago kinuha ang duffle bag at lumabas na ng washroom. Nandon na sila kaya nag warm up muna kami at footworks bago pumwesto. "Medil kay Yanna huh!"tinapik ko ang balikat ng libero namin at tinanguan si Yanna, nang nasaamin na ang bola umikot kaming dalawa ni Yanna bago nya senet ang bola papunta sa kabilang gilid ng net kung nasaan ako, bumwelo ako ng mabilis at pinalo ang bola ng malakas huli na para ma block ng blockers namin dahil bumulusok na ito na pababa, open sila sa gitna kaya doon ko pinapunta ang bola hindi rin nahabol ng isa pa naming libero kaya pumuntos kami. "Coach bumilis si Yanna at Cap ang hirap nilang basahin!" Reklamo ni Aiah isa sa mga blockers namin "pati si Misuela gumaling na rin! Cap tulong!" Niyakap ni Aiah ang kamay ko at nag puppy eyes pa natawa naman ako at tinignan si coach. "Sige break muna!" Sumigaw silang lahat na parang nanalo sa loto mga sira talaga, kinuha ko ang hydro flask ko at uminom ng tubig, pag lingon ko sa bleachers wala na si Frank, bumalik na din kami agad sa court dahil may sinasabi ang trainer namin, bukod sa coach namin may trainer din kami, Tinuruan nya ang iba ng tamang gawin sa laro at sinasabihan ang mga wala pang improvements. "Teamwork ang kailangan natin, kagaya ng galaw kanina ni Malbar at Yap, hindi nyo inaasahan na magagawang iset ni Malbar ang bola ng hindi nag dodouble dahil sa mas magaling si Gain sa kanya, hindi ba?si Yap lang ang sa kabila pero natalo kayo." Yumuko ang mga ka team na nakalaban namin sa practice play, "malaki ang tiwala ni Cap sa kanila kaya sila nanalo! Nag bwabwakawan kayo sa bola kaya ayan natalo kayo!" Pangaral pa ng trainer namin sa kanila. "Wala sa lakas yan ng palo na bola wala sa bilis kundi sa tiwala nyo sa kakampi ninyo, Teamwork ang kailangan maliwanag!" Tumango kami bilang tugon. "Sige isang play pa five set." Pumwesto na ulit kami at nagsimulang maglaro. "Cap uwi na kami! Coach bye!" Kumaway na lang ako sa kanila dahil kinakausap pa ako ni coach, 10 pm na natapos ang training namin may tatapusin pa ako plate mamaya hays. "Gumaganda ang laro ni Malbar at Misuela dahil sayo baka pwede ko na silang isama sa first six kapag nagpatuloy ang ganyang laro nila" natutuwang sabi ni coach sakin. "Hindi dahil sakin coach! Dahil sa inyo yun!" Tumatawang sagot ko. "Tsaka mas gamay ko silang kalaro mas madaling sabihan kung anong sunod na gagawin" Tumango-tango naman sa akin coach na parang naintindihan nya ang sinasabi ko. " last year may miss-communication kami ni Gain kaya hindi ko alam kung saan bubwelo, si Malbar isang tango lang alam nya na ang gagawin." Ngumiti sa akin si coach na sumang ayon sa sinabi ko. "Well see! Marami pa naman tayong oras sa training! Sige na gabi na ingat sa pag-uwi Yap!" Tinanguan ko si coach at umalis sa gym,Pagdating ko sa parking lot nakita ko si Frank na may kausap sa phone. "Oo na Audrey! just tell mama I will go home! Go to sleep Audrey it's getting late! Oo nga ang kulit mo!" Rinig ko sa usapan nila ng kausap nya dahil malapit lang naman ako sa kanya. Pinatay nya na ang tawag at humarap sa akin, napatalon sya sa gulat ng makita ako. "Tsk! Rayne naman ey, nagulat ako sayo!" Umayos sya ng tayo at tumingin sa akin "Pauwi kana? Tara sabay na tayo." Tumango lang ako sa kanya at sumakay na sa kotse ko. Binusenahan ko sya at naunang umalis. Pag pasok sa Subdivision binusenahan nya ako ako lumiko sa kabilang kanto. Pagdating sa bahay dumiretso na ako sa kwarto at naligo, kumain na ako kanina kaya hindi na ako dumaan sa kusina, pagkatapos kong maligo hinanda ko na ang gamit ko at sinimulan ang plate ko 2 am na ako natapos, I take a photo of my work and post it on my day in i********:, I clean my mess at cinoveran ang plate ko baka masira yun mahirap nang umilit, prevention is better than cure noh. Natulog na ako pagkatapos kung mag ligpit at dahil sa pagod ng utak at katawan ko nakatulog ako agad. "Darling gising na 10 am na oh" tinanggal ni Mommy ang kumot ko binawi ko naman yun. "Give me five minutes Mom! I'm sleepy!" Pabulong kong sabi, inaantok pa ako. "No more five minutes! Get up! I already pack your things! Get up and take a bath!" Tinanggal na naman ni Mommy ang kumot ko. "Mommmmmmm I'm sleepy please!" Nagmamaktol na binawi ko ang kumot, tinanggal ulit ni Mommy yun at pinalo pa ako sa paa. "Awww Mommy! Okay! Okay! I'm getting up!"tumayo na ako na nagmamaktol,kinuha ko ang twalya at pumasok sa bathroom para maligo, pumailalim na ako sa shower para matanggal ang antok ko, pagkatapos kong maligo nag skin care muna ako bago nagbihis, nag maroon top tank na medyo kita ang pusod ko at black jogging pants na may Adidas design sa gilid na parang belt sinuot ko na ang kulay white kong sneakers at kinuha ang maleta ko at ibang gamit para ibaba. Tinulungan din ako ni Dad na ilagay sa kotse ko yun, wala si kuya Wintyr malamang nasa hospital yun si Bryte naman may pictorial ngayon sa isang sikat na magazine kaya si Mom and Dad lang ang sasama sakin sa condo. "It's so big Darling!" Namamanghang sabi ni Mommy, malaki nga itong loob ng Condo ko may dalawang kwarto at tag isang bathroom, malaki ang sala at kusina, over all malaki para sa akin yun. Kompleto na sa mga furnitures titira na lang talaga ang kulang. "We're going na! Call us if you need anything okay!" Dagdag na sabi ni Mom bago ako hinalikan sa pisngi, niyakap naman ako ni Dad bago inakay si Mommy palabas ng condo ko, hinatid ko sila hanggang pinto at kumaway pa ako sa kanila bago sinara yun. "Happy Independence Day" sigaw ko bigla dahil natutuwa talaga ako sa kalayaan ko HAHAHA kahit naman sa bahay malaya kami pero iba sa feeling kapag ganito. Inayos ko na ang mga damit ko at inilagay sa walk in closet ko na nakakunekta sa bathroom naglagay din ako ng picture frame sa maliit na Mesa sa gilid ng kama, picture ko yun nong highschool ako unang MVP award ko sa Volleyball yun at graduation picture nong senior high ako kasama ang pamilya ko. Pumunta ako sa kusina at naghanap ng makain pagbukas ko ng Ref puno iyon ng mga frozen foods, gulay, prutas at iba pa. "Ayaw nila akong mamatay sa gutom ah!" Natutuwang turan ko, binuksan ko ang cup board, puno din iyon ng ibat- ibang can goods at cup noodles may mga pasta din, dried condiments at chips. Naks mahal na mahal ako ng pamilya ko. Kumuha ako ng chips at juice at umupo sa sofa kinuha ko ang notes at laptop ko,magrereview muna ako 3 pm pa naman ang training namin kaya may time pa akong mag review, inayos ko lahat sa lamesa bago pinicturan yun at pinost sa day ko may nakalagay na I got my freedom at #newcondo, madami din akong followers sa i********: kaya madaming nag voview ng day ko. Maya maya pa may nag pop up na message sakin, tinignan ko kung sino at napagtantong si Frank yun, binuksan ko ang message nya at binasa. "Ang daya mo! Wala na tuloy akong kasabay umuwi!" natawa ako sa emoticon at nag type ng reply sa kanya. "Pakialam ko" paniguradong mag-eenarte na naman sya, natutuwa ako kapag ganon ang ugali nya, nasasanay lang siguro ako ganon sya, ngayon lang kasi kami naging close kaya natutuwa ako na ganon ang approach nya sa akin. "BESTFRIEND MO KAYA AKO!" pagbasa ko sa reply nya, nakikinita ko ang reaction ng muka nya sa emoticon, cute amp. Napahinto ako sa pagtipa ng reply kay Frank at tinuro ang sarili ko. "May sinabi ba akong cute?" Nanlalaki ang mata ko tinuro ko ulit ang sarili "hindi! Hindi sya cute panget sya okay self! Okay!" Gwapo sya hindi panget, napasapo ako sa nuo ko dahil sa naiisip ko, peste ka talagang lalaki ka ginugulo mo ang isipan ko. Hindi na ako nag reply sa kanya dahil nawalan na ako ng sasabihin, Niligpit ko na lang ang gamit ko at inayos ang sarili ko bago kumuha ng damit na pamalit mamaya dahil may training pa kami, hindi na ako naligo ulit dahil naligo na ako kanina kinuha kuna ang duffle bag ko at sinuot ulit ang black sneakers bago dumiretso sa kusina at nag salin ng tubig sa hydro flask at nilagay yun sa bag, lumabas na ako at sinara ang pinto bago bumaba, sumakay na ako ng kotse ko at nagdrive papuntang University. "May improvement na kayo sa laro! Keep it up! Mag focus huh! Sige na uwi na!" Nagpaalam na kami kay coach, maaga kaming natapos 7pm pa lang, nakalimutan kong magdala ng isa pang pamalit kaya black t-shirt lang ang nadala ko may tatak na volleyball kaya sinuot ko na at wala akong dalang pants kaya sports short ang suot ko tinatamad akong tanggalin ang knee pad ko kaya hindi ko na tinanggal, naglalakad na ako papunta parking lot ng may umakbay sa akin. "Angas ng pormahan natin ah!"ginugulo ni Frank ang buhok ko kaya hinampas ko ang kamay nya. Tinignan ko sya naka plain white shirt lang sya at Itim na Jersey short naka sukbit ang duffle bag nya sa likod. Umiling na lang ako at naglakad na ulit. "Samahan mo ako!" Pangungulit nya sa akin, inakabayan na naman ako pinabayaan ko na lang sya. "Saan?" Walang ganang tanong ko. Nagugutom na ako ano ba yan. "Sa mall jan sa malapit kain tayo!" Nabuhay ang dugo ko sa kanya, kain daw ey, gutom na ako kaya di ako tatanggi. "Tara! Tara! Basta libre mo!"Hinila ko sya palapit sa kotse namin "hatid muna natin tong kotse ko sa condo tinatamad akong magdrive!" Sabi ko sa kanya tumango lang sya at pumasok na sa kotse, pagdating namin sa parking lot ng condo bumaba na ako nilock ang kotse ko at pumasok sa kotse nya. "Doon tayo sa korean restaurant! Gusto ko yung sangyup sangyup na yun!" Magiliw na sabi ko st nauna pa sa kanyang maglakad. Tumawa sya sa sinabi ko kaya nilingon ko sya. "Anong sangyup sangyup?" Tumawatawang tanong nya, I just rolled my eyes dahil nagsisimula na naman syang mang inis. "Walang kang pakialam yun ang gusto ko!" Tumawa sya lalo dahil sa sinabi ko bwesit talaga!humanap na kami ng upuan at tinawag ang waiter pagkatapos makuha ang order namin hinintay namin silang ilapag ang mga iyon, natakam naman ako bigla kumikinang ang mata ko sa pagkain ano ba yan, kinuha ko ang phone ko at picturan ko nakisama naman si Frank kaya sinama ko na sa picture nakakaawa naman pinost ko yun sa day ko, syempre tinakpan ko yung muka nya ng sticker para di sya kita, mahirap ng maissue noh ang hirap mag explain. "Anong tagalog ng nice? Biglang tanong nya habang kumakain kami, ang tagal palang kumain neto kasi kailangan mo pang ihawin yung mga karne bwesit na yan nag lomi na lang sana kami sa kanto. "Hindi ko alam! Ano ba?" Sagot ko dahil nagugutom na ako, wala muna akong pakialam sa kanya dahil nagugutom ako. "Nyelo!" Tumatawang sagot nya naguluhan naman ako sa sinabi nya, ano daw? "Ha?" Naguhuluhang tanong ko tumawa sya ng malakas ng makitang naguguluhan nga ako. "Sabi ko ang tagalog ng nice! Nyelo!" Tumatawang sagot nya. "Hakdog!" Walang kwentang sagot ko, huminto naman sya sa pagtawa at sinamaan ako ng tingin. Ano na namang ginawa ko? "Mabilaukan ka sana!" Hinampas ko naman sya sa sinabi nya, bwesit na to. I smirked ng may maisip akong kalukuhan. "Matapon sana pagkain mo! Nakakahiya sa kamay mong nanginginig!" Balik asar ko sa kanya, kala neto papatalo ako. "Nakakahiya naman knee pad mo!" Ganting asar nya sa akin his lips rosed up a little ng makitang napipikon ako. "Matuklap sana sapatos mo!" I smirked ng matigilan sya, marami akong baong asar noh akala nya hmmp. "Hoy! Foul kana ah! Walang damayan ng sapatos!" Ako naman ang tumawa ng malakas, kahit kasi ako hihinto basta usapang sapatos. "Nood tayo sine mamaya bilisan mo jan!" Hininto ko ng mang asar dahil nagugutom pa rin ako, tinapos na naming kumain at dumiretso sa sinihan bumili muna kami ng ticket at pumasok na sa loob, maganda naman yung palabas pero inaantok na ako kaya hindi pa namin nakakalahati ang palabas nakatulog na ako. "Pambihira nayan! Anong klaseng ka date to! Tulog! Hoy panget gising!" Naririnig kong sabi ni Frank, tinatapik nya ang braso ko kaya hinampas ko yun. "Gising ako okay! Inayos ko ang sarili ko at minulat ang mga mata ko, nagtaka naman ako dahil kami na lang ang tao dito sa loob. "Bat di mo ako ginising" tumayo ako at inayos ang sarili ko. "Kanina pa kita ginigising tulog mantika ka" Parang galit na sabi nya, inakbayan ko naman sya at tumawa. "Sorry na!" nginitian ko sya at inakay palabas."tara arcade basketball tayo"pang uuto ko pa dahil nakabusangot pa rin sya. Nakita kong lumilikot ang labi nya halatang pinipigilang ngumiti, Ngumisi naman ako ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. He fake a cough bago sumagot. "Tsk! Tara!" Aya nya sa akin dumiretso kami sa arcade at nagbasketball tawa sya nang tawa kapag di ko na shoshoot ang bola, pagkatapos namin nag basketball nag laro pa kami ng iba hanggang sa maubos ang barya namin, sumayaw pa kami ng kung ano-ano, huminto lang kami ng magsara na ang mall. Pauwi na kami ng mag joke sya ng kung ano-ano tawa lang ako ng tawa dahil wala naman ka kwenta-kwenta yung pinagsasabi nya. Pagkarating namin sa condo ko bumaba na ako sa kotse nya, Bumaba din sya kaya hinarap ko sya. "Thank you!thanks for tonight!" Ngumiti ako sa kanya "kahit tinulugan kita sa sinihan!" Tumawa ako ng tumawa sya. "Ang panget mo matulog, tulo laway ka!" Tumawa sya ng malakas, Nawala bigla ang ngiti sa labi ko at binatukan sya. "Hindi ako tulo laway matulog!" He laughed out loud at pinipigilan ang kamay ko kababatok sa kanya. "Hindi nga tulo laway, panget naman!tinaasan ko sya ng kilay at sinipa ng mahina ang paa nya tumawa lang sya. "Akala ko ba bestfriend kita! Bakit wala kang suporta sa akin." Hinila ko ang leeg nya at ginulo ko ang buhok, hinampas nya ang kamay ko, piningot ko naman ang magkabilang tenga nya piningot nya rin ang tenga ko pabalik, gagong to bat gumaganti. "Tanggap mo ng bestfriend mo ako ah!" Nakangising pinipingot nya parin ang tenga ko, diniinan ko din ang pag piningot sa kanya ngumingiwi na kami pareho pero walang tumitigil. "Ang panget mo maging bestfriend! Nanggaganti ka." Sinamaan nya ako ng tingin pinanliitan ko naman sya ng tingin, walang magpapatalo noh. Napahinto lang kami ng may bumusena sa amin. "Get a room kids!" Sigaw sa amin ng driver bago umalis sa parking lot, nagkatinginan kami pareho at sabay na tumawa. "Sige na lumayas kana!" Pinagtulakan ko na sya papasok sa kotse nya nagpapabigat pa sya bago sumakay sa loob ng kotse nya. "Rayne!" Lumingon agad ako sa kanya at ngumiti. "Oh?" Maagap na sagot ko sa kanya, ngumuti muna sya bago sumagot. "Goodnight!" Napangiti ako doon kahit simpleng goodnight lang yun, malala kana Rayne nababaliw kana. "Goodnight din!" Kumaway na ako sa kanya bago pumasok sa loob ng building. Pagdating sa condo ko napasandal ako sa pintuan at dumausdos paupo. "Anong nangyayari sayo Rayne?" Bulong ko sa sarili ko, alam ko yung ganitong pakiramdam, nabasa ko na to sa libro at napanuod ko na to sa T.V. "Gusto ko ba sya?" Napakagat ako ng labi ko sa naiisip ko, hinawakan ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko, mabilis ang t***k non. "Gusto ko nga ata sya!" Pabulong na sabi ko. -------‐------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD