*RAYNE*
Maaga akong pumasok ngayon dahil may ipapasa akong plate dalawa yun kaya nagpuyat ako kagabi para matapos na, lastweek ko pa nasimulan to pinaganda ko lang, medyo inaantok pa ako at masakit ang katawan ko dahil sa training, iniiwasan ko din makasalubong si Merrow dahil paniguradong uulanin nya ako ng tanong kaya inagahan ko ng pumasok.
" I'm always impressed to your work Ms. Yap! Keep it up!" Ngumiti ako sa prof namin bago nagpaalam umalis, dumiretso ako sa cafeteria dahil hindi pa ako nag breakfast, 7:30 ang klase ko ngayon, 7 pa lang naman kaya kakain muna ako, tumitingin ako sa palagid baka makita ko si Merror, mahirap na masabon! maaga pa masyado para sa question and answer portion. Dumiretso na ako sa room pagkatapos kong kumain.
"Hoy! Kahit magpalate ka hindi kita titigilan" mamaya ka samin!" She crossed her arms and smile to me playfully, I just rolled my eyes and sit to my desk.
"Don't forget to pass your plate nextweek, minus na kapag late! Dismiss!" Lumabas na ang huling prof namin sa morning class, nililigpit ko ang gamit ko ng magsalita si Merrow.
"Bilisan mo jan! marami kang utang na chismis!" Tinulak nya ako kaya muntik na akong masubsob.
"Ang matured huh king ina ka" tinawanan lang ako ni Merrow bago inakbayan. Palabas na kami ng room nang magsalita ulit sya.
"Alam mo Rayne! Okay lang naman samin kung sabihin mong si Frank ang kasama mong magluch kahapon!" Huminto sya saglit ang hinarap ako. "Sa susunod sabihin mo na, ipagtutulakan ka pa namin!" Inarapan ko lang sya at di na nag salita, pagkarating namin sa Cafeteria nag order muna kami ni Merrow bago dumiretso na sa lamesa nila Astra, pizza at carbonara lang inorder ko nagulat pa ako ng makita kung sino ang mga kasama nila.
"What a nice day!" Erl smirked at me at mapanuksong pinagpapalit ang tingin sa akin at kay Frank. Inirapan ko lang sya bago umupo.
"So how's your date with Rayne, Frank?" Lucas smiled playfully while looking at me and frank, I just rolled my eyes and ignored him.
"Ang panget mo mag tanong pre! Tunog tatay amp!" Tumawa lang si Frank na halatang ayaw sagutin ang tanong ni Lucas na pabor sakin ayaw ko din magkwento.
"Si Rayne na lang tanungin mo pre!" Ngumunguyan sabi ni Sed, kaklase ko sya dati nong highschool kaya medyo close kami neto, Maluko sya pero matalino, sya ang kalaban ko dati sa honors, salutatorian sya at ako ang Valedictorian, nong nag senior high kami same kaming with high honors pero hindi ako threatened sa kanya dati, engineering ang kinukuha nya ngayon.
"It's not a date! It's just friendly lunch so stop teasing us! okay!" Tumawa lang sila sa sinabi ko, mga abnoy talaga kahit kilan, Wala naman nakakatawa sa sinabi ko haysss!
"Nag english pa nga!" Tumatawa pa rin si Merrow habang sinasabi yun, tumingin ako kay Frank na seryusong nakatingin sakin, I look away at pinagpatuloy ang pagkain.
"Nagtanong lang ey! Galit na galit? gusto manakit ?" Umiling na lang ako sa kakulitan nila. " hashtag karinderya!" Dagdag pa ni Astra.
"Nag hihirap ka na ba Frank at sa karinderya kayo nag date ni Rayne" tumatawang tanong ni Lucas, humarap sa kanya si Frank at nakakalukong ngumuti.
"Like what Rayne said! It's a simple lunch! Pag inaya ko ng date si Rayne yung hindi nyo mapapantayan!" Nabulunan ako bigla sa sinabi ni Frank, napatigil din sa pagtawa ang mga kaibigan ko at tumingin sa kanya, inabot ko ang bottle water sa lamesa at inisang lagok yun.
"Wow! I can't find word!"Mahinang pumalakpak ng mabagal si Sed pati ang mga kaibigan ko, " baka nasa ilalim ng lamesa Sed! Tignan mo nga!" Pumapalapak parin sila ng mabagal. Tumingin sakin si Frank kaya iniwas ko agad ang tingin ko, bigla akong nailang sa kanya.
"Grabe yung banat mo Frank! Nagtatayuan balahibo ko oh!"itinaas Merrow ang mga kamay sa lamesa bago sinipat ang mga ito.
"Oy si Rayne kinikilig! Tahimik ka dyan ah!" Nag angat ako ng tingin kay Erl bago sila tinignan isa isa, lahat sila nakangising tumingin sakin.
"Ito ka oh!" I said sarcastically and raised my middle finger to Erl. Tumawa silang lahat at pinakyuhan din ako,hayop na yan! Tumingin ako kay Frank na mahinang tumatawa.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Asik na tanong ko kay Frank.
"Hindi ako tumatawa! Sinong tumatawa?" Umupo sya ng tuwid at pigil parin ang tawa. Inikotan ko sya ng tingin at tinapos na ang pagkain ko. Pumasok na kami sa klase namin pagkatapos namin mag lunch.
"Ms. Dizon. Are you with us?" Napaupo ng tuwid si Merrow ng tawagin sya ng prof namin natutulog kasi sya, hindi ko sya ginising sinadya ko talaga yun, pinigilan kong matawa kinagat ko ang loob ng pisngi ko para ma relax ang muka ko.
" I'm sorry sir!" Iniwas ko ang tingin ko kay Merrow ng samaan nya ako ng tingin parang sinasabi ng tingin nya na mamaya ka sakin, I pursed my lips para di ako tumawa. After ng afternoon class namin tinatukan agad ako Merrow.
"King ina ka di mo ako ginising!"ang sama talaga ng tingin nya kaya tumawa na ako.
"Ang sarap kasi ng tulog mo! Nakakahiyang gisingin ka!" Inirapan nya ako at bumulong bulong pa, umiling na lang ako at inayos na ang mga gamit ko, nagpaalam na sya sakin kaya dumiretso na ako sa locker ko para kumuha ng pamalit ko.
"Malbar double kana naman! Misuela wag mong bumbahin ang bola!" Sigaw samin ni coach. "Yap! Palitan mo strategy mo at kilos sa court, nabalitaan Kong pinag aaralan ng SEU ang galaw mo. "sila ang matindi nating kalaban kaya double time tayo sa training! maliwanag?" Dagdag pa ni coach, hays baldado na naman ako sa training nato.
"Yes sir" sagot namin at pomisisyon ulit. Pinapalitan ko ang galaw ko at kinausap ko din ang team sa mga pagbabago ng play namin sa court kung dati na nasa likod ako bumublelo ngayon pinalitan ko na sinigurado ko na hindi kami mawawalang ng depensa at malakas ang pwersa sa pag ataki kapag free ball. October pa naman ang laro, August pa lang ngayon kaya marami pang oras para magpalakas, next month naman ang game ng basketball kaya mas bugbog sila sa training.
"Oh bat ganyan muka mo? Anong itsura yan?" Tanong ko agad kay Frank ng makasalubong ko sya sa parking lot.
"Pagod lang!" Sagot nya agad at sinabayan ako, naawa naman ako sa kanya inakbayan ko sya.
"Tara kain! bukas pa naman ang Mcdo sa ganitong oras!" Nagulat naman sya sa pag-akbay ko napayuko pa sya ng kunti dahil matangkad nga sya. "Oh saan ang kotse mo? Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Tinatamad akong mag drive! Nakisabay lang ako kay Drake kanina! Nakangiti nya ng sagot sa akin.
" ahh! Sige ikaw mag drive ng motor ko angkas lang ako." Natatawa kong sabi.
" tsk! Dami na sigurong naangkas ng R15 mo!" napakunot nuo naman ako sa kanya bago ko tinanggal ang pag aakbay ko sa kanya.
"Ikaw pa lang ang una kaya mag thank you ka! Kinuha ko ang isa pang helmet at inabot sa kanya, nakatingin lang sya sa akin na nakangiti, ng mapansin nyang nakatitig ako sa kanya kinagat nya ang ibabang labi nya bago umiwas ng tingin.
"Ahmm tara na!" Sumakay sya sa motor ko at pina andar yun, umangkas na ako bago nya pinatakbo yun.
"Ano sayo?" Tanong nya pag pasok namin sa Mcdo.
"Kung ano sayo, yun na lang din sa akin!" Sagot ko at nilingon sya, nagtataka naman ako kung bakit nakatitig sya sakin na may malaking ngiti, kinapa ko naman ang muka ko baka may dumi.
"Bakit?" Tanong ko ng di nya pa rin inaalis ang tingin sa akin, naiilang na ako kaya binatukan ko sya ng mahina. "Anong tinitingin tingin mo?"
"Wala!" Sagot sya sa akin, "ang ganda mo kasi kainis" bulong nya hindi ko naman narinig. Inirapan ko lang sya at humanap na ng upuan, maya- maya umupo na rin sya sa harap ko at nilapag ang inorder nya.
"Anong plano mo after graduation?" Tanong nya bigla habang kumakain kami, napa isip naman ako sa tanong nya.
"Mag tetake ng board exam, Kung papalarin! may trabaho naman nang naghihintay sakin sa company ng tita ko kaya di ko na problema yun. Kinukuha din ako ng CGC, malaman lang kapag graduate na. Ikaw?" Balik tanong ko sa kanya.
"Sa U.S na ako after graduation!" Napaiwas sya sakin ng tingin. " ako ang panganay sa amin kaya responsibilidad ko ang kumpanya namin kahit ayaw ko!" Sagot nya sakin napakunot naman ang nuo ko, sobrang yaman siguro nila at nasa U.S pa ang kumpanya nila.
"Ah sanaol!" Sagot ko na lang tumawa naman sya.
"Sa totoo lang ayaw kong umalis!" Ngumiti sya ng pilit sakin.
"Bakit naman? Maganda sa state kaya dapat happy ka!" Sagot ko sa kanya bago ngumiti.
"Nandito ang buhay ko Rayne!" Tumingin sya sakin " Nandito ang pangarap ko! Nandito yung kasiyahan ko!Nandito ang gusto ko wala doon!" Seryusong sagot nya.
"Kung anong magiging desisyon mo yun ang sundin mo! Nababago ang nararamdaman natin Frank minsan masaya tayo sa isang bagay minsan hindi! kaya pag isipan mo munang maigi para di ka mag sisi sa huli." Seryusong sagot ko sa kanya. Nakangiti naman sya sakin bago ginulo ang buhok.
"Ang lalim ng pinanghuhugutan mo!" Nakangiting sabi nya " kaya gusto kita ey" hindi ko narinig yung huling sinabi nya kaya nagpatuloy na akong kumain, hinatid ko na sya pagkatapos naming kumain.
"Thank you for the ride!" Nakangiti nyang tinanggal ang helmet at inabot sa akin.
" Ang laki ng bahay nyo! Sanaol!" Namamangha kong nilibot ang paningin ko sa labas ng bahay nila.
"Tsk! Umuwi kana late na ginulo nya ang buhok ko hinampas ko naman ang kamay nya.
"Mag iingat ka! E message mo ako pag-uwi mo! Serhusong sabi nya, Kumunot ang nuo ko sa pinagsasabi nya.
"Nasa kabilang kanto ang bahay namin jusko! Inirapan ko sya tinawanan nya naman ako.
"Rayne" tawag nya sa akin.
"Oh" nakakunot nuong tanong ko.
"Goodnight!" Nakangiti nyang sabi sa akin, panangiti din ako dahil nakakahawa ang ngiti nya.
"Alis na ako! Goodnight din" nakangiti kong sagot at sumakay sa motor ko.
"Mag- ingat ka! Sige na!" Tumango ako sa kanya bago pinaandar ang motor ko at umalis.