CHAPTER 5

2101 Words
*RAYNE* "Good morning Pilipinasssssss!" napabalikwas ako sa sigaw ni Bryte at nahulog sa kama. "What the hell are you doing here!" binato ko sya ng unan sa inis. "Duh ginigising ka malamang!" inirapan pa ako bago binato pabalik ang unan sakin. "Get out!" Tinulak ko sya palabas ng kwarto ko. "Wait lang! Wait lang! Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Hindi mo ako namiss? I crossed my arms at tinaasan sya ng kilay. "Mommy! Daddy! Wala man lang naka miss sa akin! Jusko sa ganda kong to walang naka miss sakin!" Hinanpas nya muna ako bago umalis sa kwarto ko. Dumiretso na ako sa bathroom at naligo. Pagbaba ko sa kusina nandon na sila maliban kay kuya Wintyr, nasa hospital na siguro yun o hindi umuwi. "Morning everyone! Except sayo!" I chuckled. "Kanina ka pa ah! Sayang bumili pa naman ako ng mga art materials sa Paris!" Pagpaparinig nya sakin " ang alam ko yun yung ginagamit ng mga sikat na artist !" "Alam mo ATE namiss talaga kita! Hindi lang halata! Tinabihan ko sya at nginitian, "Ito bacon masarap to! Ito pa! Ito pa! Oh ito pa!". Alam ko namang may pasalubong ito pero pa good shot muna tayo. "Oh tama na! tama na panggagago mo!" Napatahimik bigla si Bryte ng samahan sya ng tingin ni Mommy ng mag mura ito. "Watch your word lady!" Nakangising sabi ni Daddy na halatang nang iinis piningot naman ni Mommy ang tenga ni Dad. "Ayan! Ayan! Kaya di sila natututo kasi ginagawa mong biro" pinipingot pa rin ni Mom si Sad, pinipigilan kong matawa baka madamay ako mahirap na! sinipa naman ako ni Bryte sa ilalim ng lamesa kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Aray! tama na love mamaya sa kwarto natin ituloy yang pananakit mo!" Binigyan namin ni Bryte ng nakakadaring reaction sila Mom at Dad , jusko katatanda na eh. "Rayne may mga furniture na sa condo mo! gamit mo na lang kulang at paglayas mo dito" nakakunot nuong tumingin ako kay Dad. "What! may condo na sya! Bakit ako wala!"Maarteng tanong ni Bryte na nanlalaki ang mata. "Model ka pero wala kang pambili ng condo!" Ngumisi ako kay Bryte. " thanks Dad! Next week na ako lilipat medyo busy pa sa training." Pinagpatuloy ko ang pagkain nagugutom pa ako. "Gabing-gabi na sya umuuwi dahil sa training nya! hassle lang kung uuwi sya dito ng ganong oras!"tumango-tango naman si Bryte. "Convincing na yung reason! Sige na lumayas kana malelate kana!" Tinanguan ako ni Bryte, tinignan ko ang relo ko s**t malelate n nga ako, mabilis akong bumeso kila Mom at Dad bago tumakbo sa Motor ko ayos na yun kaya iyon na ang ginamit ko. " 1 minute na lang late kana sana" inirapan ko lang at nilampasan si Merrow. "Ang aga- aga ang sungit" She whispered . Hindi na ako nakasagot sa kanya ng pumasok na ang prof namin. Mabilis na natapos ang morning class namin, lunch break na. "Hindi ako makakasabay sa inyo ngayon kumain" kinuha ko ang phone ko at nag message kay Frank sa i********:. [ kain tayo! Libre ko.] "At bakit?" Tinaasan ako ng kilay ng Merrow na nakapamewang pa. "First time to ah!" "Inaya ako ni Bryte" pagsisinungaling ko. "Luh! Naka uwi na sya? Kilan pa? Chachat ko si ate Bryte baka may pasalubong ako awit!" Kinikilig na sabi nya. "Sige na pupunta na ako sa Cafeteria bye." "Kapal ng muka ah" kinuha ko na ang bag ko ng magreply na si Frank. [ HAHA. sige wait lang babe :) Sa locker room na lang tayo magkita babe.] Napakagago talaga, umiling na lang ako at dumiretso sa locker room, wala pa sya doon pagdating ko kaya sumandal muna ako sa pinto ng locker ko. Maya-maya natanaw ko na sya, bat ganon nasobrahan ata sya sa tangkad! " kanina ka pa jan?" Nakangiti nyang tanong sakin. "Medyo! Tara na gutom na ako!" Nag simula na akong maglakad, sumunod naman sya sa akin. "Saan ba tayo mag dedate babe!" Napahinto ako sa sinabi nya at ang walang hiya parang walang pakialam. "Anong sinabi mo?" Inis na tanong ko. "Sabi ko! Saan ba TAYO mag DEDATE BABEEEE!" Inulit nga ng walang hiya diniinan pa, dahil sa inis sinuntok ko sya sa braso bago sya iniwan doon. "Hoy joke lang! Joke lang!" Humabol sya sa akin "Ang sakit mong manuntok! babae ka ba talaga?" "Ay hindi mo alam!" huminto ako at kunwari nagugulat sa tanong nya. "Hindi alam ang alin?" Nagtataka syang huminto at nakakunot na tumingin sa akin. "Na transwoman ako! maganda lang ang pagkagawa!" I chuckled when he pursed his lip, inirapan pa ako. "Ay hindi ko ba nachika sayo cis" maarteng sabi nya, he crossed his arm at nag bagbakla baklaan pa. "Ang alin cis?" Panggagaya ko sa kanya. "Na transman ako! nasobrahan lang sa gwapo ang pagkagawa" hinawahi nya ang imaginary hair nya, pumipilantik pa ang daliri. Tumawa ako ng malakas dahil inikotan nya pa ako ng mata. "Why are you laughing at me ba?ciss Let's go na! gutom na akits." Lalo akong tumawa dahil sa arte ng boses nya, hindi pa bagay kasi gwapo sya tapos ganon. "Saglit lang HAHAHAHAHA!" nakahawak at sa tyan ko katatawa tanginang yan. "Tama na yan! Sobra na tawa mo" pinipigilan ko pa rin ang tawa ko ng magsimula na kami mag lakad palabas ng campus. "Saan tayo kakain?" Tanong nya ng makalabas na kami. "Doon sa karinderya ni aling Rose sa kabilang kanto" tumawid na ako ng makadaan na ang ilang sasakyan, bwesit na yan may motor nga pala ako bakit ba lagi kong nakakalimutan tuloy naglalakad na naman kami. "Hays may motor naman ako bakit ba tayo naglalakad!" Tumawa lang sya sa pagrereklamo ko. " oo nga noh! Dala ko din ang kotse ko!" Tumawa din ako sa katangahan namin. "Aling Rose dalawang order ng tapa" umupo na kami at hinintay ang order namin. "Oh Rayne ito na!abay sino yang kasama mo? jowa mo?" Tumawa si Frank tinuturo pa ako. "Bagay po kami noh?" Tuwang- tuwang sabi ni Frank, Sinamaan ko sya ng tingin sa panggagago nya, I rolled my eyes nang kindatan nya ako. "Hindi ko sya jowa aling Rose! Nakita ko lang yan sa harap ng karinderya mo, nakiupo lang yan dahil puno na tong karinderya mo pinatabi ko na kawawa naman! I smirked ng irapan nya ako. "Ay sayang naman! ang gwapo mo pa namang bata ka!"napairap ako dahil ngumiti si Frank kay aling Rose. "Sana po nakikita din yan ng babaeng gusto ko!" Binigyan nya ng pilit na ngiti si aling Rose, Napaiwas ako ng tingin ng lingunin nya ako. "Magugustuhan ka din non! Oh sige na aalis na ako dumadagsa na ang mga costumer ko!" Iniwan na kami ni aling Rose kaya sinimulan ko ng kumain 30 minutes na lang kaya kaylangan namin bilisan. "Ang takaw mo" he Chuckled, inirapan ko lang sya at pinagpatuloy kumain " kakaikot ng mata mo hindi baga makabalik." Pang-iinis nya pa sa akin, Sinipa ko ang paa nya sa ilalim ng lamesa at ang gago tinawan lang ako. "Isungalngal ko kaya to sa bunganga mo!" Imanba ko sa kanya ang bottle water sa tabi ko. "Harsh ka masyado! Gusto ko yan rawrrr" tumatawang sabi nya, pigil ang inis kong nginitian sya bago ko hinila ng mahina ang buhok nya. "Aray ko cis huh" bakla-baklang sabi nya. "Mapanakit ka masyado! Halikan kita jan ey!" Napatayo na ako sa inis, tumatawa naman syang lumayo sakin. "Joke lang! Joke lang!" Kinagat nya ang labi nya para pigilang tumawa, damn bakit sobrang attractive ng ginagawa nya kainis! Umupo na ako at pinagpatuloy kumain. Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang tunog ng pag click sa camera ng phone nya. "Ano yan? Delete mo yan!" Sinamaan ko sya ng tingin. "Feeling ka? nag seselfie ako" pang aasar nya pa! inirapan ko na lang sya at tinapos ang pagkain ko. " "Tara na!" Tumayo ako at sinukbit ang bag ko sa balikat ko . "Luh! Teka lang! teka lang!" Nagmamadaling inubos ni Frank ang pagkain nya bago humabol sakin, nasa daan na kami bago sya uminom ng tubig sa water bottle nya kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang tumawa. "Sige na Ms. Architect! Sa susunod ulit!" Tinignan ko sya na nanlalaki ang mata ng makarating kami sa building namin. "May susunod pa ba? Feeling ka din ah!" Tumawa ako ng sumimangot sya! cute amp. "Tsk! hahatakin na lang kita sasusunod para wala kang takas! Inirapan ko naman sya. "Hindi tayo close noh! Tabi nga jan" tinulak ko sya para makadaan ako. "Close na tayo sa ayaw at sa ayaw mo pa rin! Tumawa ako dahil walang talagang choice. " bakit closeness ang hanap mo? Ayaw mo sa friendship ganon? Sumeryuso sya bigla napatahimik naman ako. "Tsk! Mali ang offer mo! Madami kang kaibigan pero wala kang bestfriend! Yun ang ioffer mo sakin! Walang ng pero- pero tanggap agad!" Proud pa sya habang sinasabi yun, tanga amp friendship parin yun. "Seryoso?" Nakakunot na tanong ko sa kanya. "Oo nga bestfriend! Sa ayaw at sa ayaw mo pa rin" napanganga ako sa sinabi nya, kingina wala ako masabi. " tulo mo lumalaway!" Turo nya sakin bago tumawa ng pahidin ko ang labi ko, wala naman ei, hinampas ko na sya sa panggagago nya sakin, tinawanan nya lang ako lalo bago nya ginulo ang buhok ko. "Lumayas kana nga! Malapit ng matapos ang lunch break oh" tinulak tulak ko pa sya! nagpapabigat naman amp. "Hintayin kita mamaya after ng training nyo ah! Sabay tayo uwi!" kumaway pa sya sakin bago tuluyang umalis. Hay jusko ang kulit. Kagaya ng sinabi nya hinintay nya nga ako after ng training namin. "Ang tagal ng training nyo mas matagal pa samin!" Reklamo nya,nakabusangot pa. "Bat kasi hinintay mo pa ako" inirapan ko sya at naglakad papuntang parking lot. " pagsinabi kong hihintayin kita! Hihintayin kita kahit gaano pa yan katagal. Bigla akong napahinto sa sinabi nya parang double meaning kasi ey! Nakapahinga ako ng maluwag mg tumawa sya. "Ang seryoso mo! Tara na nga." Inakbayan nya ako tinanggal ko naman agad yun, tinawanan lang ako ng walang hiya, bat puro tawa to? Happy pills ata ako. Pag dating ko sa bahay nakapatay na ang ilaw, 11 pm na kaya tulog na ang mga tao dito. I went straight to my room dahil kumain na ako kanina. Naligo lang ako saglit bago humiga sa kama, nag i********: muna ako pampantok , nagulat ako sa sunod- sunod na pagtunog ng cellphone ko. "Bat andaming message" napakunot ang nuo ko dahil may mga request message pa akong natanggap inopen ko muna message ng mga kaibigan ko. Merrow_Mermaid : hoy tang ina ka! Ano yung day ni Frank huh? bakit sya kasama mo nag lunch? Sinungaling na maharot! Pero GO BESS LANDI PA MORE AND MORE AND MORE. Erl_Vlldrz : awit marunong kanang magsinungaling ahhh! Sanaol may kasabay mag lunch. Itsme_Astra: ang cheap nyo mag date. #karinderya Dali-Dali kong tinignan ang day ng walang hiya. Picture ko yun na nakayuko ng kunti puno ang bibig ko ng pagkain, muka naman akong tuta kinginang yan. Inopen ko ang mga nag request message sa akin. [Bat kayo sabay mag lunch ng baby ko ?:|] [ hey b***h! Ikaw ba girlfriend ni Frank huh? Hindi ka naman maganda!] [Wow idol! Boyfriend mo po pala si Frank bagay po kayo!] [ ayieeee ang cute! isang basketball player at isang volleyball player astig idol. #fryne #Fray] Hindi ko na binasa yung iba, napasipa ako sa inis at agad akong nag message kay Frank. hRayne_Nn: TANGINA DELETE MO YUN! Frank_ash: sabihin mo muna salamat shoppee! HAHA. hRayne_Nn: f**k you! Frank_ash: your welcome HAHA. hRayne_Nn: delete mo na! Frank_ash: ayaw ko nga ang cute mo kaya dito! Muka kang tuta HAHAHAHA. Napapikit ako sa inis kingina, hindi ko na nereplyan dahil hindi yun magpapatalo, ano pang magagawa ko sa dami ng followers non malamang marami nang naka view non! bwesit talaga. "Bat ba ako nagpapaapekto doon? day lang naman yun! Oo tama Rayne day lang yun walang ibang meaning! Ay teka anong meaning Rayne" napatayo ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa salamin " hoy Rayne walang ibang meaning okay? okay?" Lumingon ako sa phone ko ng tumunog yun. Frank_ash: sorry na bestfriend ! Pero hindi ko idedelete yun kahit sapakin mo pa ako HAHAHAHA. Matulog kana rin gabi na, goodnight Ms. Architect! Natawa ako ng mahina, corny amp! Hindi ko na sya nireplyan, nag out na ako at pinatay ang phone nilagay ko iyon sa side table at umayos ng higa. "Oo Rayne walang meaning yun" bulong ko pa at ipinikit ang mata para natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD