*RAYNE*
"Sanaol manhid" panggagago ko sa nag text sakin, trip ko ngayon mag reply kaya pinatulan ko na, minsan lang ako magkaroon ng admirer ei HAHA.
"You're so funny" I rolled my eyes and start to compose a message.
"Who are you" seconds lang ang hihintay ko bago tumunog ang phone ko.
"Kaforever mo" corny amp.
Hindi ko na nireplyan bumaba na ako para kumain, tulog na sila mama dahil gabing-gabi na, pagkatapos kung kumain niligpit ko na ang pinagkainan ko bago pumanhik paakyat sa taas. isang plate lang ang gagawin ko at nextweek pa yun ipapasa, tinapos ko na yun para mabawasan ang gagawin ko, matutulog na sana ako ng tumunog ang phone ko.
"Tulog na" napakunot ang nuo ko, sino ba to? Hindi ko na lang pinansin at tuluyang natulog.
Gumising ako ng maaga para mag workout, 9am pa naman ang pasok ko kaya marami pa akong oras, naka white sport bra ako na pinatungang ng blue crop top jacket, black leggings at black sneakers, kinuha ko na ang bag ko bago umalis, malapit lang naman ang gym sa amin kaya nag lakad na lang ako.
Pag dating ko doon kunti pa lang ang tao, nag start aking tumakbo sa treadmill sinuot ko ang airpods ko para makapag focus, hindi pa ako tumatagal doon ng may tumabi sa akin, nilingon ko si Frank nginitian nya naman ako, madalas kong makita sya dito akala ko dumadayo lang sya yun pala dito din sya nakatira sa subdivision, pagkatapos kung mag workout dumiretso ako sa shower room at naligo nagpalit na rin ako ng damit, naka white shirt lang ako and Jeans suot ko pa rin ang black sneakers, Lumabas na ako at umupo sa bleachers.
"Saan ka after neto?"tumingin ako kay Frank bago sya pinasadahan ng tingin? naka gray sweater, black short and black nike shoes.
"Uuwi na sana! Bakit?" inayos ko muna ang gamit ko bago tumayo.
"Sabay na tayo!" Tumango na lang ako at hinintay sya.
"Ayos na motor mo?" Naglalakad na kami sa subdivision pauwi .
"Hindi pa" I just kept walking, I was not looking at him, we were also close to my house.
"Maglalakad ka ulit mamaya?" he frowned when he asked me, waiting for me to answer his questions.
"No! I'll use my car." I answered quickly, he just nodded and did not speak again. We stopped in front of my house and face him to bid goodbye but he spoke immediately.
"Oy alis na ako! Ahhmm yung jacket ko pala kailangan namin sa friday." Oo nga pala I have his jacket, hindi ko pa naman napapalabahan yun.
"Sige I'll message you na lang kapag napalabahan ko na." He smiled at me before waving his hand, He turned around and started walking.
"Binilihan kita ng condo anak malapit sa Coliman" nagulat ako sa sinabi ni Daddy.
"Ay weee? Di nga? Hindi to prank ahh? Nagbebreakfast kami ng sabihin yung ni Daddy.
"Buti nga ikaw may condo na ei, ako wala" nakasimangot na sabi ni kuya Wintyr.
"May ari ka ng isang hospital pero wala kang pambili ng Condo" I said sarcastically and rolled my eyes.
"Baka kasi may penthouse ako" he fired back.
" penthouse para babae nya" I smirked
"Hoy bunganga mo bastos" pikon na sabi nya, Tumawa lang ako at umiling.
"Tama na yan baka lumipad ang mga plato." Pumagitna na si Mommy.
"Susunduin ko pala si Bryte mamaya sa airport" tumango lang ako kay Daddy.
"Uuwi na nga pala yung kapatid mong Model" tumatawang bulong sakin ni kuya.
"Di ko kapatid yun! Kapatid mo yun pareho kayong balahurang maarte!" bulong ko din sa kanya.
"Pare- pareho kayong balahura! Ewan ko kung anak ko ba talaga kayo" singit ni Mommy sa usapan.
"Di ko rin mga anak yan masyadong matatalino nasasapawan ako" mayabang na ngumisi si daddy, napailing na lang ako sa gulo ng pamilya ko parang mga bata jusko. Binilisan ko ng kumain para makapasok na ako.
"Hooooo lente nagugutom na ako" eksaheradang bulong sakin ni Merrow, lunchtime na kaya dumiretso na kami sa cafeteria, pinabayaan ko syang magreklamo sa tabi ko hindi naman yan magpapapigil.
"Tapos sobrang daming plate na gagawin! Mamatay na talaga ako sa archi. Nagsisisi talaga ako! Ito kasing si Rayne ei pa archi. archi. Pa!" Paulit- ulit na reklamo ni Merrow.
"Sino ba kasing nagsabing mag archi. ka? Huh? Bobo mo!" I chuckled.
" oo nga ! ka bobo mo ! Lahat naman ng course mahirap, mag bar tayo sa weekend para di ka putak ng putak jan!" Ngumunguya ng carbonara si Erl habang sinasabi yun, dugyot talaga.
"past ako may training" mahinang sabi ko, busy ako kumain gutom din ako ey.
"Lolo mo Rayne"nagcecellphone si Astra hindi nakatingin sakin.
"Patay na" I smirked ng balingan ako ng tingin ni Astra.
"Tang ina ka talaga ulol" pinakyuhan pa ako ni Astra tumawa lang ako.
"nasa mood ka ah, Care to share baby love" maarteng sabi ni Erl.
"May condo na eH" nakangiti pa ako habang kumakain.
"Putang ina sanaol" pasigaw na sabi ni Astra.
"Binyagan natin condo mo dzai doon tayo tumagay" bibong niyakap ako ni Merrow sinisiksik pa muka nya sa leeg ko, kalaswa talaga nya.
"Wala pang gamit doon" pagsisinungaling ko, gusto kong namnamin ang kalayaan ko noh charoot :).
"Napaka damot mo naman, di na tropa to!" Hinampas pa ako ni Merrow.
"Ay ililibre pa naman sana kita sa 5 star hotel sa birthday mo! kaso di na ako tropa." Madamdaming sabi ko.
"Ito namang si Rayne pakiss nga" hinawakan pa ni Merrow muka tinulak ko naman sya. Bumalik na kami sa klase pagkatapos naming mag lunch.
"Hoy 5 star huh! Kala mo!" Kinukulit pa rin ako ni Merrow hanggang matapos ang afternoon class namin.
" oo na! Oo na baka di ka makatulog ei!" I check my things bago lumabas ng room.
"Awit! babye na! Go SPARTAN!" Pag cheer nya pa sa akin, tumawa na lang ako bago dumiretso sa locker room.
"Miss Architect" lumingon ako kay Frank ng tawagin nya ako. Palabas na ako ng locker room ng makita ko sya.
"Oh" lumakad sya palapit sakin.
"Anong oras training nyo" sinabayan nya akong maglakad.
" 6pm! Bakit?" Tinignan ko ang relo ko para tignan ang oras 5:16 pm pa lang.
" tara! Samahan mo ako sa labas nagugutom na ako." Nagulat ako ng hatakin nya ako.
" hoy! Teka teka! Bakit ako?". Hila-hila nya pa rin ay mali kinakaladkad nya ako, matangkad naman ako pero parang ang liit ko sa kanya.
"Ikaw na yung nanjan kaya ikaw inaya ko!" Naguluhan naman ako bakit parang double meaning, umiling na lang ako.
" Ito fishball masarap" abot nya sakin ng isang cup na fishball tag sampo lang , kinain ko na yun nagutom ako bigla ey.
"Masarap noh" tumingin pa sya sa mga tinda doon.
"Ito kwek-kwek" abot nya ulit sakin ng isang cup.
"Teka nga! Teka nga! Alam ko to! Okay! hindi ako mangmang, tsaka bat sakin mo inaabot? Akala ko ba gutom ka huh?" sinamaan ko sya ng tingin tinawanan lang ako.
"Inaabot ko lang sayo para makapili pa ako! Hindi ko sinabing kainin mo na." Tumawa pa sya, Napapikit ako sa hiya, kinginang yan.
"Ito balut" abot nya sakin ng plastic na may apat na balut." Sumunod pa ako sa kanya sa kabilang tindahan. "Ito kalamares" sinamaan ko sya ng tingin hindi ko na mahawakan lahat yun kingina abot ng abot.
"Baka kasi di ko kayang hawakan" I said sarcastically and rolled my eyes.
"Huh?"
" bak~~."
"Hakdog"
Napapikit ako sa inis, sinipa ko sya ng mahina tinawanan lang ako ng gago. " bahala ka nga jan" tatalikod na sana ako sa kanya.
"Teka lang! Ito naman" inakabayan nya ako kala mo close kami.
"Wag mo akong akbayan di tayo close."hinampas ko yung kamay nya sa balikat ko.
"Ah kaya pala sinasamahan mo ako" kinuha nya yung ibang hawak ko.
"Hinatak mo kaya ako" sinamaan ko sya ng tingin.
"Nagpahatak ka naman" he fired back. Pinakyuhan ko na lang sya. Natagalan pa kaming makapasok sa gate sa dami ng nagpapapicture sa kanya, famous amp.
Tumambay muna kami sa mini park sa loob ng campus, inuobus yung binili nya, Natigilan ako ng punasan nya ang labi.
"Ang kalat mo kumain pero cute" I bite my lips a little hininto ko rin ng makitang nagpipigil sya ng tawa, hinampas ko ang kamay nya na nasa labi ko parin .
"Akala ko hindi ka kumakain neto" he chuckled. I just rolled my eyes.
" lahat naman ng pagkain kinakain ko basta pwedeng kainin" oo hindi ako maarte, malakas din ako kumain pero hindi ako tumataba.
"Tara na!" Tumayo sya ng maubos namin yung binili nya, hinatid nya ako sa gym sa likod noon ang covered court kung saan sila nag tetraining.
"Coach timeout ang lakas pumalo ni Yap! Kahirap ei block" Reklamo ni Janine Blocker namin.
" puro ka reklamo Mendez, position!" Sigaw ni coach, tumawa lang yung trainer namin.
" sa gilid ka bumwelo para mataas talon mo." binulungan ko si Janine, "Malbar ayusin mo set mo double ka ey." Tinapik ko si Yanna.
"Yes Cap" sumaludo pa sakin si Yanna.
Pagkatapos ng training dumiretso ako sa shower room at naligo, 11pm kami natapos ngayon, Malapit na ako sa parking lot nang makita ko si Frank hindi ko sya pinansin at dumiretso sa kotse ko.
"Ms. Architect" tawag nya sakin ng mapansin ako.
"What?" mataray kong tanong. Inabot nya sakin ang isang paper bag, tinitigan ko lang yun na nagtataka.
"Late na! baka hindi ka pa nag dinner" iniwas nya yung tingin sakin. Kinuha ko na lang yun para di sya mapahiya sayang din yun laman tyan din.
"Thank you! Bukas ako naman manlilibre puro ikaw na lang manlilibre ey" napakamot ako sa kilay.
" hala! Di pa ako ready makipag date! Bata pa ako" eksaheradang sabi nya nakatakip pa sa bunganga ang kamay nya.
"Sira ulo mo" hinampas ko sya tumawa lang sya.
"Sige na gabi na! ba-bye!" He waved his hand bago sumakay sa Lamborghini nya, amp yaman.
Sumakay na ako sa kotse ko at sumunod sa kanya iisang subdivision lang naman kami, bumusena ako bago nag overtake, Pinakyuhan ko pa sya ng buksan ko ang bintana ng kotse ko nakita kong tumawa lang sya kaya nag focus na akong magmaneho.
Pag uwi ko nang bahay nakapatay na ang ilaw dumiretso ako sa dining area at kinuha ang takeout na pagkain sa paper bag may nakita pa akong sticky notes doon kaya binasa ko.
"Eat well and have a good sleep :)"
Frank:)